14
Pamie
HUMIKAB ako nang matapos ang huling klase ko ngayong araw. Tumingin muna ako sa aking orasan pambisig at lumabas na ng room. While walking on the corridor someone tap my shoulder.
"Bakit nagmamadali ka?"
Nilingon ko si Jiro na kunot ang noo. "May trabaho pa kasi ako—"
"After class?" he said. "Pero malapit na mag-six pm ng gabi."
I just shrugged it off and smiled. Tinapik ko siya sa pisngi at tumakbo palabas ng gate ng De Loux U. Nang makalabas ay agad akong pumara ng jeep at sumakay papunta sa pinagtatrabahuhan ko.
As I reached my destination, I took a deep breathe and walked in. Tonight is my seventh night working here as a waitress. Wala pa namang kakaibang nangyayari kaya tinutuloy ko, malaki rin kasi ang tulong sa akin ng kinikita ko dito.
"Pamie, mag ayos ka na, ikaw muna ang papalit kay helga." Salubong ni mother. "Absent ang gaga, may sakit daw. Nagsusuka."
Kumunot ang noo ko. "Nagsusuka? Bakit daw po?"
Inabot sa akin ni mother ang damit at itinulak ako papasok sa loob ng dressing room. Helga is one of this club's asset. She's the most in demand woman every night. 'Yong tipong, maglalaan ng sandamakmak na pera ang mga kalalakihan, maiuwi lang siya.
"Ewan ko sa babaeng 'yon. Ilang araw nang matamlay at parang laging tinatamad," sagot ni mother mula sa saradong pinto.
I sighed. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa akin ang damit na iniabot ni mother. It was a see through sleeveless and a skirt. Lumunok ako at napa-iling. I am not gonna wear this one.
Napaigtad ako nang sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. I shake my head and decided to walk out from the dressing room. Nanlaki ang mata ni Mother nang makita niya akong hindi naka-ayos at nakasout pa rin ng damit ko kanina.
"Bakit hindi ka pa nagbihis?!" aniya sa pagalit na boses.
"Mother, hindi ko po kaya magsout ng ganiyan at gayahin ang trabaho ni Helga." Binalik ko sa kaniya ang damit at tumungo sa nagsisilbing locker ko sa club.
I took my waitress uniform and wear it inside the comfort room. Nang matapos ay nagpahid lamang ako ng lip tint at tinali ang buhok ko na gumulo dahil sa hangin sa labas.
"Pamie, isang beses mo lang naman gagawin ito!" pamimilit niya.
Umiling ako. "Pasensya na kayo, Mother. Pero kasi ang trabaho ko ay maghatid ng inumin at pagkain. Hindi ang maki-table at bayaran para samahan ang mga lalaking uminom."
She sighed as a sign of defeat. "Si Andrea na nga lang."
Nagkibit-balikat na lang ako at tumungo sa counter para kunin ang isang tray na may lamang inumin.
"Ganda mo ngayon, Pamie ah!" asar ng bartender na si Jose.
"Araw-araw naman akong maganda, Kuya Jose." Nginitian ko lang siya at dinala na ang tray sa isang table na puro lalaki.
Nang mailapag ang order nila ay ngumiti ako. "Enjoy your drinks, Sir."
The old man with glasses, smiled at me. "You're very beautiful, Hija. What's is your name?"
"Pamie po," sagot ko at bahagyang yumuko. "I'll go ahead, Sir. Marami pa po akong iseserve."
After saying those, I hurriedly left them. Alam ko na gusto nila akong i-table dahil nakikita ko 'yon sa mga ngiting aso ng makasama nito. I bit my lip, chewing it softly.
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
Fiction générale(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...