Hugo Caspian

6.6K 189 43
                                    

25

Pamie's

"PAG-AAWAYAN na naman ba natin 'to, Dark?" Sinamaan niya ako ng tingin at tumayo mula sa kinauupuan niya. Sumunod ako sa kaniya hanggang marating namin ang exit ng restaurant kung saan nagyaya siyang mag-dinner.

"Dark!" tawag ko. He ignored me and that was pretty hurt.

I rolled my eyes and instead of going after him, I decided to go back inside the restaurant to finish my food. Ayoko kasing nasasayang ang pagkain lalo na ngayong madaming nagugutom. Sumulyap ako sa bandang entrance pero mukhang masama nga ang loob niya sa ginawa ko.

But who I am to blame? I just wanted to know what really happened  before the accident five years ago. Gusto kong malaman ang nangyari dahil minsan sa panaginip ko ay may bumabagabag sa akin. Napa-iling ako at tumusok ng inorder kong pagkain. Akmang isusubo ko ang pagkain nang bigla na lang may umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. I was puzzled for a moment until I recognized him.

Walang pakundangan siyang naglapag ng pagkain niya at itinabi ang platong gamit ni Dark kanina. Kumunot pa ang noo ko nang bigla siyang naglagay ng isang malaking hiwa ng steak sa aking plato. I was left surprised by this man's action. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Excuse me, Sir?" hindi ko napigilang magsalita habang nakataas ang kilay. He was the man with tats all over his arms.

Nang dumako sa akin ang mga mata niya, my world stops for I don't know the reason why. Ngunit unti-unti akong natauhan nang makita ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi. He smirked.

"It looks like, someone mesmerized by my looks."

Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. Sino ba ang lalaking ito at kung umasta ay akala mo kilala ko—oh, wait. What if kilala niya nga ako?

Just by realizing that maybe this man is one of my friend or anything, I slowly look at him with my eyes widely open. Kumunot ang noo niya dahil sa reaksiyon ko.

"Oh my gosh!" pasigaw na sabi ko at tumayo.

Tiningala niya ako at nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Napalunok ako nang mapasulyap ako sa kaniyang mga labi. It was oddly familiar.

"Sit down, Pamela," he whispered. "Nakaagaw ka ng atensyon."

Nanlaki ang mata ko at napaupo dahil sa gulat. Kilala niya ako? Magkakilala kami? Teacher ko ba siya? Mukhang hindi kasi maraming siyang tattoo. Gym instructor ko? Parang hindi rin, baka zumba?

"You know me?" bulalas ko at hinawakan siya sa kamay upang pahintuin siya sa pagkain.

He froze, staring at my hand on his arm. Dahil sa hiya ay napabitaw ako at umayos ng upo. Hindi ko rin maipaliwanag ang biglang pagkabog ng dibdib ko.

"Y-you know me?" ulit ko.

He looked at me. "What do you think?"

Ngumuso ako. "Hmmm..."

Nagtaas siya ng kilay at sumubo ng pagkain.

"Zumba instructor ba kita?" tanong ko.

Nabuga niya ang kaniyang kinakain dahil sa gulat. Napatayo ako at nag-alok ng tubig. He cough hard.

"What the fuck, Pamela?!" pabulong na sigaw niya nang humupa ang nangyari sa kaniya.

"B-bakit? H-hindi ba—"

"I am not a fucking..fucking zumba instructor. Damn!"

"Okay fine!" sabi ko at akmang tatayo nang pigilin niya ako sa braso.

"Stay."

"Ano?" tanong ko.

"I said stay—"

"She wont stay."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. My eyes widened as I saw Dark standing behind this man I am talking with. Madilim ang mukha ni Dark at nakakuyom ang kamao. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

"Dark! Akala ko iniwan mo—"

"Nawala lang ako saglit, may iba na agad na umaligid sa'yo?" he said bluntly.

"Dark hindi naman—"

"You don't have to explain to him, Pamela," singit ng lalaki at tumayo saka humarap sa amin. This time, his face was blank and it was scary.

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkabig sa akin ni Dark. Napakapit ako sa dibdib niya. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"What the hell are you trying to do, Moreau?" Dark mumbles.

Then man called Moreau look at me. "I'm just trying to.."

Huminga siya nang malalim at lumipat ang tingin kay Dark. "..to introduce myself to her. Besides, magkaibigan naman tayo Levistre. So why introduce me, to your girlfriend?"

Dark smirked. "No way."

Nanlaki ang mata ko at tiningala si Dark. "Dark!"

He turned to me. "Umalis na tayo."

"Pero—"

"Bakit aalis na kayo?" ani ng lalaking si Moreau. "Come on, man—"

Naputol ang sinasabi niya nang bigla siyang itulak ni Dark sa bandang balikat. Nilibot ko ang aking mata at ngayon nga ay nakapukaw na kami ng atensyon mula sa ibang kumakain.

"Dark! Calm down—"

"Back off, Moreau. I've been trying my best to win her. Limang taon kong ginawa 'yon—"

"If you didn't take her away, you will never be part of her five years," sagot ng huli. The both men lost in. Wala na silang pakialam sa nangyayari at sa nakapaligid sa kanila. I am more concerned with Dark. Masisira ang reputasyon niya as an actor.

"Her five years with me is not as beautiful when she was with you," Dark almost whispered. The man clenched his jaw, as if it trigger him.

Nataranta na ako nang kwelyuhan si Dark ng lalaking maraming tats. Pakiramdam ko dalawang bulkan sila na malapit ng sumabog. Para akong naiipit sa dalawang malaking bato.

"Bakit Moreau? Nasasaktan ka ba?"

Nasasaktan?

Bumitaw na ang lalaki kay Dark at ang mukha nito ay bahagyang kumalma. Lumipat din sa akin ang tingin niya. His eyes looks so empty. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang simpatya sa kaniya. The fact that he is Dark's enemy.

"I will make her remember me, Levistre."

Umigting ang panga ni Dark. "And I will make her forget you.." Bumaba ang kamay ni Dark patungo sa aking kamay. "..completely."

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. "Dark umalis na tayo."

Dark pushes him again. "Leave us alone, Hugo Caspian."

When Dark finally said the man's full name. My mind suddenly went blur. Kumapit ako kay Dark nang makaramdam ako ng panghihina ng tuhod. My head aches.

Hugo Caspian..

"Baby? Are you okay?"

"Pamela.."

Both voices sounds worried. Dahil sa matinding hilo na hindi ko alam kung saan nagsimula ay tuluyan akong nanghina. Until I finally lost it.

--

Medyo short na update. Hihihi

-GatcheYonbe

Behind Every Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon