35 (Last Chapter-Light SPG)
Pamela's
Nangangatog ang tuhod ko habang papasok ng isang malaking bahay kasama ang lalaking pansamantalang kumupkop sa akin. Sa gate ay may nakita akong sobre na agad kong kinuha! Sabi kasi sa akin ni Daddy dati, ay laging kunin ang ano mang papel sa gate dahil baka importante sulat iyon. Nang nakaharap na ako sa isang ginang at batang lalaki na mas matanda sa akin ay lubos pa rin ang kaba ko. Inalalayan ako ni Mr. Moreau palapit sa kanila.
"Pam, siya ang asawa ko, Ñina at ang anak namin na si Caspian. Mag-hi ka," aniya na agad kong sinunod. Hindi ako tumitingin sa kanila dahil natatakot ako.
"Hi, Pam. Tawagin mo lang akong tita," anas ng babae at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Malambing ang pag-ngiti nito sa akin.
Hindi naman ako pinansin ng batang lalaki at dumiretso paakyat. Pinakain, binihisan at inalalayan ako ng mag-asawang Moreau. Inihatid na rin ako sa tutulugan ko. Pansamatala akong matutulog ngayong gabi dito habang hinahanap si Ate Pau.
Nang ipikit ko ang mga mata ko tumunog ang cellphone na nakuha ko sa bulsa ni Daddy. Sinagot ko iyon dahil nagbabakasakali akong si ate Pau.
"Ate? Ate Pau?! Ate sundo mo ako!"
Umiiyak ako ng tahimik ngunit agad nahinto nang isang malalim na boses ang sumagot mula sa kabilang linya.
"Pamela, oh! You're alive? It's me, your uncle.."
"Uncle? Walang kapatid si Daddy--"
"Your mom's brother. Where are you?"
Kumunot ang noo ko ngunit agad ding napalitan ng ngiti. May kukupkop na sa akin at kay ate Pau!
"Nandito po ako sa bahay ni Mister Moreau.." kinuha ko mula sa bulsa ang nakuha kong papel at sinabi sa kaniya ang address.
"You're very smart, Pamela."
"Salamat uncle-hello? Uncle?" Agad na pinutol nito ang tawag. Nagkibit balikat lamang ako at nagpasyang matulog.
Ilang oras nang magising ako dahil sa malakas na ingay mula sa ibaba. Baka ang uncle ko na iyon. Lumabas ako ng kwarto at patakbong tumungo sa kinaroroonan ng malakas na ingay. Ngunit isang kahindik-hindik na tanawin ang aking nakita.
Mga kalat-kalat na bangkay ng mga katulong at gwardiya. Puro wala ng buhay at duguan.
Ang ginang na may malambing na ngiti ay nakabulagta sa lapag, duguan at blanko ang mga matang nakatingin sa kawalan. Si Mister Moreau naman ay hawak ng ibang lalaki at duguan rin.
Labis ang takot na nararamdaman ko.
"Fuck you for messing with me, you little Moreau!" anito at sinuntok ang huli.
"Hayop ka! Papatayin kita!" ganting sigaw nito at bahagyang napunta sa akin ang tingin. Sinundan iyon ng lalaking may baril at humalakhak na para bang isang demonyo.
"Look who rendered you! That kid stray me here."
Napanganga ako sa gulat. Kasalanan ko ito!
"Pamela! Run! Run! Run!" sigaw ni Mister Moreau. Takot na takot ako at hindi ko maigalaw ang dalawa kong paa.
Hanggang sa isang kamay ang humila sa akin. Ang bata kanina. Umiiyak ito pero hindi na nag-atubiling lumingon pa.
"Run fast, son! Please! Run!"
"Haaa!"
Hingal na hingal ako nang magising sa panaginip na iyon. The past is haunting me and I don't have any choice but to remain clueless. Ayokong masira ang kung ano man ang meron kami.
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
Ficción General(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...