Unmask

4.9K 169 10
                                    

19

Pamie

KUMAKABOG ang dibdib ko habang nakatayo sa tabi ni Boyfriend. Nasasamyo ko ang panlalaki niyang pabango na talaga namang kahit sinong babae ay mahahalina. He looks so incredibly handsome.

"How long will you stare at me?" aniya. Nanlaki ang mata ko at nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. I feel my cheeks turns red.

Hindi ako nagsalita at itinoun ang pansin sa stage kung saan nagaganap ang huling babae na ibi-bid. She introduced herself as Dania. She smiled seductively, with her pouty lips shaded with red.

"She's a bitch," Boyfriend mumbled.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

"Excuse me, Sir," sabi ko at lumapit sa kaniya. "You don't just judge her with her looks—"

"I judge her because that's really her," saad ni boyfriend at nagtaas ng kilay.

Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lamang. Napaigtad ako nang maramdaman ang braso ni boyfriend sa bewang ko. Nilingon ko siya at napakagat labi dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Malakas ang tibok ng puso ko at hindi ko maiwasang kiligin.

Iginiya niya ako papunta sa mga kumpol ng mayayamang personalidad. Nakipagkamay si boyfriend sa mga lalaki at ako naman ay nanatiling tahimik. Parang kilalang-kilala niya ang mga matatandang negosyante.

Sabay kaming napalingon nang may tumikhim mula sa likuran namin. I know him, he was the man without a tie. Lumapit siya at tumabi sa akin.

"I hope you're enjoying the party," aniya at inilibot ang tingin sa lahat at huminto sa akin.

"Oo naman, Hijo! Your staff are so accommodating," ani ng matandang lalaki.

The man without a tie is still looking at me. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni boyfriend ko sa aking bewang dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Boyfriend's jaw is clenching hard and the way he looked at me shows warning.

"You're doing well in your company, Ross," ani naman ng matabang negosyante.

Nilingon ko ang lalaking tinawag na Ross. Nakakatindig-balahibo ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Ang kulay abo niyang mata na para bang madilim na ulap.

"Thank you," sagot nito na hindi ako nilubayan ng tingin.

"Ross," ani boyfriend sa tonong may pagbabanta.

"Caspian," he replied.

Palipat-lipat ang tingin ko kay Boyfriend at sa lalaking si Ross. Nahihilo na nga ako sa ginagawa ko e. Mukhang magkakilala sila at may malalim na ugnayan.

"You have a very beautiful companion, Caspian," ani Ross at naglahad ng kamay sa harap ko. "Xenon Ross Romero, and you are?"

Tinaggap ko ang kamay niya. "Hera."

His forehead knotted. "Hera?"

"J-just Hera."

Ngumisi lang siya at napatango sa sagot ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit na hiningang dumampi sa aking tenga. I froze as I felt the goosebumps on my nape.

"Stop flirting with him, Hera," bulong niya sa akin. "You're mine tonight, remember?"

"I'm not flirting with him," hindi ko napigilang sumagot.

Tumalim ang tingin niya sa akin at mas humigpit ang hawak sa aking bewang. Napangiwi ako dahil sa kirot pero isinawalang bahala ko na lamang iyon. Ang possessive naman nitong boyfriend ko.

Behind Every Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon