11
Pamie
"PAMELA! Buksan mo 'to!" sigaw ni Ate Pau mula sa pinto. Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ako sa pag-eempake ng mga damit ko.
Ayoko na rito, at kung alisin man nila ako sa Montessori School, gagawa ako ng paraan para makapag-enroll sa ibang school. I'd rather choose to be alone that to be with them.
Nang matapos na ako mag-empake ay binuksan ko ang pinto at naroon si Ate Pauline na hindi maipinta ang mukha. She looks mad, worried and sad. Tinitigan ko siya nang masama at akmang lalagpasan nang pigilin niya ako sa braso.
"Pamela," she said with warning.
"Let me go," I replied with equal tone.
Hindi niya ako binitawan at hinila ako paharap sa kaniya. I'm starting to hate her. She has a husband and a child but she let Hugo kissed her. Tama ba ang ganoon?
"Pamie, you don't have to leave. Pag-usapan natin ito, I know you're just too emotional right now and you can't think straight," aniya na para bang nakikiusap.
I hissed. "I can think straight ate. At sa tingin ko, hindi na ako dapat manatili dito kasama kayo, kasama ka."
"Pamela!" She exclaimed.
"Sino sa tingin mo ang nasa tamang pag-iisip para humalik ng lalaki kahit na kasal at may anak na?" I bit my lower lip and shake her hand off from me. "Ate Pau, boyfriend ko 'yon—"
"He's not your boyfriend, Pamela," she said, emphasizing the words.
I admit, it hurts me. Tagos sa puso ang sinabi kasi ang 'yon naman ang totoo. And the fact the Hugo still loves her, makes me lose my fight. Nagtaas ako ng noo at lakas loob na nagsalita.
"He is," saad ko at huminga nang malalim. "Stop..stop flirting with him. May asawa at anak ka na, mahiya ka naman—"
My mouth shut by her slap. Dinala ko ang palad ko sa aking pisngi na sinampal niya. I looked at her only to find her eyes streaming with tears. She's clenching her jaw tightly.
"You don't know how much it pained me, nang iwan niya ako sa ere, Pamela. You don't know how much I cried because I want him to stay. You don't know," she mumbled.
My eyes burned as I realized what I've just said. Natatandaan ko ang panahong hindi siya lumalabas ng bahay, natututong uminom, at halos mag-rebelde nang iwan siya ni Hugo. And I should've understand her, but my mind keeps on telling me to fight for what is mine now.
Tumalikod ako at tinakbo ang pinto saka lumabas. We're both hurting, at alam ko, kasalanan ko.
Nang makalabas na ako ng gate ay agad akong pumara ng taxi at doon tulalang nakaupo. I don't know where am I going, I don't know what am I going to do. Dinukot ko ang wallet ko sa aking bulsa at tiningnan ang laman niyon.
I only have three thousand seven hundred fifty. Magbabayad pa ako sa taxi—teka! Nasaan na ba ako?
Mabilis akong tumingin sa labas at napangiwi nang makitang traffic at lumalaki ang metro ko.
"Manong dito na lang po, magkano ho?"
Lumingon ang driver. "One thousands fifty na lang, Ineng."
Nanlaki ang mata ko. "Ang laki naman po! Hindi ba p'wedeng tawad?"
"Ineng, sa panahon ngayon kahit nga kasalanan hirap humingi ng tawad, sa bayaran pa kaya?" Anito at nagtaas ng kilay.
Wala akong nagawa kaya binigyan ko siya ng eksaktong bayad. Mukhang na daya pa ako pero wala akong magagawa, baka mamaya gawan pa ako ng masama nito. Pagkababa ko sa taxi ay naglakad ako palapit sa isang fast food chain para kumain.
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
Fiksi Umum(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...