Temporary

4.9K 182 13
                                    

16

Pamie

"PAMELA! pumasok ka na ulit," pamimilit ni Andrea habang nagkakape kami sa labas ng university. She invited me to hang out.

Lumagok ako ng kape at tumingin sa kaniya. "Ayoko na talaga, Andrea."

She sighed. "Si Helga kasi negative na girl. Hindi na papasok iyon kasi nga maselan ang pagbubuntis niya."

Nang isugod namin si Helga sa ospital ay naaalala ko pa na simula nang magising siya, hindi na siya nagsalita. Mykha siyang stressed and occupied. Muli kong tiningnan si Andrea na nakapalumbaba.

"Andrea, pasensya ka na talaga."

"Sayang naman." Ngumiwi siya. "Oh siya! Okay lang 'yon."

Tumayo na siya at lumapit sa akin. Matapos niyang magpaalam ay agad siyang lumabas. Ramdam ko ang pagkadismaya niya sa desisyon ko. I stood up and walk out from this shop and went back to my university.

Pagkapasok ko pa lang ay agad kong napansin ang kaklase kong si Lovie na tumatakbo papunta sa akin. When she stopped in front of me, she was panting. Napangiti ako nang ayusin niya pa ang kaniyang buhok bago tumayo nang maayos.

"Lovie, bakit?"

"Pinapatawag ka ni Sir Jiro sa admin," aniya. Her face shows concern.

Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang siya sa tanong ko. Tumango ako at naglakad papunta sa admin. Nakasunod naman si Lovie pero agad siyang napahinto nang nasa tapat na ako ng pinto ng admin. I glanced at her and smiled before opening the door.

"Good afternoon po," bati ko pagkapasok sa loob. Wala si Jiro sa loob at tanging si Sir Azarcon lamang ang ang naroon at nakaupo sa pwesto nito.

"Tuloy ka, Miss Hidalgo." Tumingin siya sa akin.

Pumasok ako at umupo. "Bakit niyo po ako pinatawag?"

He sighed. "Based on my research and investigation, I proved that you're not eligible for the scholarship. I am now taking it back."

Nanlaki ang mata ko at napatayo sa balitang sinabi niya. Ano ba ang basehan nila ng pagbibigay ng scholarship? Tumayo ako at boung tapang na tinitigan siya.

"Sir, with all due respect. Bakit naman po ninyo kukunin? I mean, pasado ako sa lahat ng requirements —"

"You're not, Miss Hidalgo." He lifted his brow. "Hindi kami nagbibigay ng scholarship sa mga estudyanteng kayang magbayad ng tuition fee."

"Po?"

"I found out that you're the sister of Pauline Hidalgo, wife of Jake Montessori. Owner of the all girls school, the Montessori High—"

"Sir, excuse me po. Hindi naman po ibig sabihin na ate ko si Pauline Hidalgo ay damay na ako sa kayamanan ng asawa nito." Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa inis.

Tumikhim lang si Sir at umupo nang maayos. "My decision is final, Miss Hidalgo. It's either, aalis ka o magbabayad ng tuition fee."

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya nang diretso. I need to be strong and standing on my own makes me one. Hindi ako magpapatalo.

"Magbabayad po ako ng tuition. I won't leave this school, Sir. I'll stay."

Pagkatapos ko iyon sabihin ay tumalikod na ako at naglakad palabas. When I successfully went out from the admin, my eyes burned. I took a deep inhalation to prevent myself from crying.

"Kamusta? Okay ka lang ba, Pamela?" Salubong ni Lovie na mababanaag pag-aalala.

Nginitian ko siya at inakbayan. "Oo naman. Ako pa ba? Runner ako pero hindi ako tumatakbo sa problema."

Behind Every Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon