23
Pamie's
"ARE you okay?" tanong ni Dark nang marating namin ang sasakyan ko. Huminga muna ako nang malalim at nakangiting nilingon si Dark na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Oo naman," i replied. "Nakalimutan ko lang ang..ang lipstick ko."
His lips curved into a sweetest smile. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko mapigilang mahigit ang aking hininga. This is awkward.
"You're beautiful without your lipstick, Pamela."
I tried to laugh to hide the awkwardness. "Alam ko naman 'yon-"
"You seems affected with Moreau's presence," he said, without a pause.
I froze as I heard what he said. I admit, his presence affect me. Who wouldn't? Siya lang naman ang lalaking unang minahal ko at ang makita siyang kuntento na? Ang makitang malaki ang pinagbago niya mula sa pisikal na ay nakakapanibago.
"He changed.." I mumbled.
Dark sighed. "There's a reason why he cut his hair. Bumagay naman sa kaniya."
Hindi na ako sumagot at muling tumalikod at binuksan ang aking sasakyan. I hurriedly get my lipstick and put it in my pouch. Bumalik ang tingin ko kay Dark at niyaya na siyang bumalik sa simbahan. As I clung my arm on him, we both walked unto the chairs.
Akmang uupo na kami nang lumapit sa amin si Kuya Karim na hindi makikitaan ng kahit anong emosyon sa mukha. Kunot-noo akong bumitaw kay Dark nang hilahin siya ni Kuya Karim at may ibinulong.
I was about to hold Dark's sleeve when he turned to me, and like Kuya Karim, he is emotionless. What is happening to them?
"You stay here for a moment, Pamela. I'll be back," ani Dark at hinalikan ako sa noo bago tuluyang sumama kay Kuya Karim.
Tumingin ako sa relong pambisig ko. Lagpas na dalawang oras na dapat nandito na ang bride. Nakapagtataka naman na hindi man lang napapansin ito ng mga bisita. Luminga-linga ako at pilit hinahanap si Dark.
"Nag-iisa ka ata?"
Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. And there he is, Hugo Caspian Moreau standing like a king, with his fist in his pocket. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya dahil bukod sa bumagay sa kaniya ang bago niyang hairstyle ay mas na emphasize pa lalo ang kaniyang panga. Those jawlines looks stubborn.
"Dark is with Kuya Karim-"
"Iniwan ka?" He smirked. "If I were your escort, I won't leave you here."
Nagtaas ako ng kilay. "But I am not your muse."
Weird. Hindi ko na siya pinansin at itinoun ang pansin sa harapan ng simbahan. Napaigtad ako nang may tumabi sa akin. Nilingon ko kung sino. But to my surprise, Hugo sat next to me. He is so casual as if there's nothing between the two of us.
Umusod ako ng kaunti para bigyan ng space ang pagitan namin. Pero umusod din siya palapit sa akin. I rolled my eyes and about to confront him but I froze. Katabi niya si Andrea na matamis ang ngiti. I looked away. Ginala ko ang tingin ko upang hanapin si Dark.
I took a deep inhalation and stood up. Alam kong naagaw ko ang atensiyon nila pero isinawalang bahala ko na iyon. I decided to went outside to find Dark. Huminto ako sa gilid ng labas ng simbahan at nilabas ang aking cellphone. Akmang tatawagan ko siya nang may pumaradang mamahaling sasakyan.
"Pamela!"
My gaze shifted. I saw Dark running towards me. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pinaghalong emosyon na nakabakas sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
Fiksi Umum(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...