First Melody

365 141 3
                                    

KEIRA

Three years later


"Welcome to SKY Music Industry, Ms. Keira!" bati ng mga tao sa akin. Marami rin akong nakitang mga banners at ang daming pagkain.

Napagpasyahan kong ituloy ang singing career ko dahil nag-offer ang SKY sa akin ng contract kaya nandito ako ngayon sa welcome party.

After three years of trying, I've moved on. Sobrang hirap noon dahil lahat ng makita ko, naaalala ko siya at bawat segundong maaalala ko siya, naiiyak ako, sobrang sumasakit ang puso ko. Tinago ko lahat ng binigay niya sa akin noon sa isang malaking container box. Those things are so precious to just throw away. Lahat ng gifts niya sa akin every occasion, pictures, 'yung kite na pinalipad namin noon, 'yung first bottled water na ininuman namin pareho, 'yung payong na ginamit namin noong wala siyang payong, kahit nga 'yung mga tickets namin sa cinema.

Naging kami noong third year high school. We've been together for seven years. Buong college life, kami hanggang sa maka-graduate. Pareho kaming kumuha ng 5-year-course at nag-break kami mga one year pagkatapos namin maka-graduate. Sobrang tagal ng seven years kaya hindi talaga gano'n kadali para sa akin ang kalimutan siya.

Bigla akong napatingin sa nagpi-piano. Kahit saan ako magpunta may resemblance niya. Badtrip naman.

"Smile, Ms. Keira!" ngiti nung photographer nang lumapit sa akin ang ibang staff at ngumiti nga ako sa harap ng camera. Napatingin ako sa paligid, sobrang daming tao. Halos hindi ko na makita ang mga talagang kakilala ko.

"Ms. Keira." Napalingon ako at nakita si Mr. Chua. Siya ang nag-email sa akin at nag-discuss ng offer ng SKYMI.

"This is Pete De Valle, siya ang magti-train sayo at majority sa songs na ire-release sa first album mo, siya ang sumulat," pagpapakilala niya sa isang lalaki na ang cute-cute ng dimples. His radiant burgundy hair is absolutely stunning as his russet brown eyes which are flashing toward mine. Wow, this man is attractive.

"I'm Clyde Pete Finnegan but you can call me Pete." Ngumiti siya na hindi man lang inilahad ang kamay sa akin dahil sa hawak niyang mga pagkain. Mukha siyang matakaw pero hindi naman siya mataba, kung tutuusin ay fit pa nga ang katawan niya.

"Why don't you sing a song for us tonight?" nakangiting tanong ni Sir Pete.

"I'd love to," I answered at inabutan nila ako ng mic.

"Naaral mo ba 'yung pina-send ko kay Ann? I would like to hear you sing that tonight," aniya.

Sinabi ko sa banda sa may side kung ano ang kakantahin ko at pumunta na ako sa harap. Nang magsimula nang tumugtog ang banda ay hinintay ko naman ang entrance ko sa kanta.

"You were in college, working part-time, waiting tables. Left a small town and never looked back🎶"

"I was a flight risk, afraid of falling. Wondering why we bother with love if it never lasts🎶"

Nakita ko ang ngiti sa mata ng mga tao pero ang pinakahinihintay kong ngumiti ay si Sir Pete dahil siya ang magtuturo sa akin at siya ang sumulat ng mga kakantahin ko. Nakangiti siya nung nagsimula na akong kumanta pero biglang nagbago ang reaction sa mukha niya pagkanta ko sa second chorus. Biglang kumunot ang noo niya.

Kinabahan ako dahil malapit na ako sa pangatlong chorus pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"You said, 'I remember how we felt, sitting by the water and every time I look at you, it's like the first time. I fell in love with a careless man's careful daughter🎶"

"She is the best thing that's ever been mine🎶'"

Hanggang sa matapos ang kanta, nakakunot ang noo ni Sir Pete. Natuwa ako sa positive feedbacks and comments mula sa ibang mga nakinig sa akin pero mas mahalaga sa akin ang feedback ni Sir Pete.

"I really love your voice, Keira. It's so sweet, it's so beautiful... it actually gave me the chills I've been waiting for." Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig 'yun.

"But..." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita ulit siya. Bakit laging gano'n? Laging okay na pero may pero.

"You're in love, aren't you?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Matagal akong hindi nakasagot kaya nagsalita na ulit siya.

"Every time I look at you, it's like the first time..."

"You are the best thing that's ever been mine."

"Nasabihan ka na ba ng mga 'yan?"

Hindi ulit ako nakasagot.

"I guess not yet," saad niya at kinuha ang phone niya.

"Tomorrow will be our first day, let's meet in the recording room. I'll be there at 8 a.m. and I'll send another song to you. Sing that to me tomorrow, okay?" nakangiting sabi niya bago nagpaalam at umalis na sa harap ko pero hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi niya.

You are the best thing that's ever been mine.

Gusto ko siyang habulin at sabihin na, 'mali ka, sir! May nakapagsabi na sa akin niyan, pero... nakalimutan na rin yata niyang sinabi niya sa akin 'yun.'

Pero ano pa bang ipaglalaban ko? Wala na rin namang sense kung sasabihin ko pa. Hindi na ako kumain at nagpaalam na agad na uuwi na at pinag-aralan ko ang kantang sinend sa akin ni Sir Pete.

Kailangan kong patunayan na kaya ko na ulit, kahit wala na siya. Na kaya kong bumangon at mas maging malakas at sa pagkakataong 'to, para na sa sarili ko.

♤♤♤

Song used in this part of the story: Mine by Taylor Swift.

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon