Ilang minutong nanatiling nakatayo si Jolo habang hawak ang panga niyang tinamaan ni Pete kanina. Sobrang daming katanungan ang pumapasok sa utak niya, hindi niya alam kung anong uunahin.
"S-Si... Si Keira?" tanong ni Jolo na sa wakas ay nagawa na ulit makapagsalita.
Huminga nang malalim si Caden para maghanda sa magiging reaksyon ni Jolo. Alam niya kung gaano kamahal ni Jolo si Keira at hindi niya alam kung paano haharapin si Jolo kapag bumigay na ito dahil sa sobrang paghihinagpis at pagsisisi.
"She's gone."
Those two words were enough to make Jolo's heart shatter into billion pieces. Sandaling natulala si Jolo bago tumulo ang luha niya at tuluyan siyang manghina at bumagsak sa lapag.
"Her hippocampus was damaged, she can barely remember anyone except Dalton. Dalton was her only remedy."
Napahawak si Jolo sa ulo niya. How can he be so stupid? Bakit nga ba siya natakot? Bakit siya tumakas?
The only answer Jolo can provide is that he did it for Keira. Noong hindi siya maalala ni Keira, naisip niya na baka iyon nga talaga ang kapalaran nila. Hindi sila puwedeng magsama kaya sinubukan na niyang lumayo noon pero noong nagpasya siyang bumalik at nangyari ngang nakalimutan siya ni Keira pagkatapos, naisip niyang baka nga mas makabubuti kung lalayo na siya. Pero hindi niya alam na may sakit si Keira. Kung alam lang sana niya, hindi siya umalis.
Inakala lang naman niyang makabubuti kay Keira kapag wala siya para makahanap ito ng taong kasabay nitong tatanda, katulad ng ibang mga normal na tao. Akala niya 'yun na ang senyales na hindi talaga sila para sa isa't isa. Pero ano pa bang punto ng paliwanag niya? Wala naman na si Keira. Dumating na ang kinatatakutan niya noon, ang maiwan mag-isa. Kaya nga siya lagi ang umaalis, ang nagpapakalayu-layo at nagsasara ng buong mundo sa kaniya. Dahil nang malaman niyang hindi siya tatanda, natakot siyang maiwan mag-isa ni Keira kapag tumanda at mawala na ito. At ngayong nasa puntong ito naman na siya, hindi na niya alam ang gagawin.
"Iniwan na ako mag-isa ni Keira..." naghihinagpis na sabi ni Jolo.
"Jolo, ikaw ang umalis. Ikaw ang nang-iwan." sabat ni Caden kay Jolo na dumagdag sa paghihinagpis nito.
Kung hindi lang sana siya umalis, kung hindi lang sana siya natakot... pero ano pa bang punto ng pagsisisi niya? Wala naman na si Keira.
Ilang oras nanatiling nasa lapag si Jolo. Si Caden ay nanatili lang ding tahimik sa kuwartong kinalalagyan niya. When Jolo finally pulled himself together, he took a deep breath. He's too late, it's too late now. The only thing he could do is to regret. And no one can stop him from regretting. He made a lot of wrong decisions. If only he was brave enough to risk everything when Keira was still here... if only he was willing to take the risk.
The next day, the Farrell brothers decided to come with Jolo to Keira's grave. Lahat naman sila ay napalapit kay Keira dahil ito ang unang babaeng dinala sa bahay nila nang maging kasintahan ito ni Jolo at nahulog na rin ang loob nila rito sa pitong taong relasyon nila.Makulimlim ang langit at nagbabadya ang ulan, siguro dahil malungkot ang ama nila ngayon para kay Jolo. Icarus, the guardian of humanity, knew that his sons will face tragic fates. Nang ipanganak palang ang mga ito ay alam na niya ang mga sasapitin nito at kahit pa isa siyang makapangyarihang nilalang, wala siyang magawa upang baguhin ang kapalaran ng kaniyang mga prinsipe.
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romance"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince