KEIRA
"T-Teka, Sir. Saan ba tayo pupunta?" Bitaw ko kay Sir Jolo dahil kanina pa niya ako kinuha sa office at sinakay sa kotse niya tapos ngayon hinihila niya ako papunta sa kung saan.
"Basta." he answered again with a smile on his face. Oh well... ano pa bang magagawa ko, 'di ba? Nagpahila nalang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa tuktok.
"May balak ka bang patayin ako, Sir?" Lunok ko nang matanaw ko ang baba. Sobrang lalim ng babagsakan ko kung nagkataong nahulog ako rito. Nasa tuktok kami ng burol at nandito sa may bangin. Wala naman siguro siyang balak tumalon, 'no? Wala naman siguro siyang balak idamay ako...
Narinig kong tumawa siya at ewan ko ba pero napangiti rin ako habang pinagmamasdan siyang tumawa. Grabe, walang kakupas-kupas 'tong lalaking 'to. Ang gwapo pa rin, ang ganda pa rin ng ngiti.
"I brought you here so that you can express your true feelings." Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang tumawa. Nabato naman ako sa kinatatayuan ko.
True feelings?? Alam na niyang may gusto ako sa kaniya?! Pinagco-confess ba niya ako ngayon???
"You know... I've been observing you since the first day I've met you and I think you should really express what you've been holding on for years. You can shout it here. Right here, right now." sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
Ang weird. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito pero siya rin ang tumutulong sa aking bumangon.
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. 'Yung tinutulungan niya ako kasi hindi niya maalalang siya ang may gawa nito o 'yung sinabi niyang unang araw niya akong nameet which was recently, when in fact we met a couple of years ago that we even know each other more than we know ourselves.
"Kung nahihiya ka, sige. Ako mauuna." sabi niya at humarap sa bangin.
Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumigaw nang sobrang lakas.
"BAKIT BA AKO NAHIHIRAPAN! BAKIT BA ILANG TAON KO NANG SINUSUBUKAN PERO NAKAKULONG PA RIN AKO SA NAKARAAN NA HINDI KO NAMAN ALAM!"
"ANO BANG GINAWA KONG MASAMA?! ANO BANG KASALANAN KO?! BAKIT BA AKO PINAPARUSAHAN NANG GANITO!"
Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko lahat ng 'yon mula mismo sa bibig niya. Napatitig nalang ako sa kaniya habang sumisigaw siya. Nilalabas niya lahat ng bigat ng dibdib niya.
Akala ko ako lang yung nahihirapan. Akala ko ako lang yung nasasaktan.
Hindi ko man lang naisip na mas mahirap nga pala ang pinagdadaanan niya. Nakakulong siya sa nakaraan na hindi niya maalala, sa nakaraan na pilit bumabalik sa kaniya na mas lalong nagpapahirap sa kaniya, sa nakaraan na hindi niya alam kung paano tatakasan.
Pagkatapos niya ay lumingon siya sa akin.
"Gano'n lang." Ngiti niya na para bang hindi siya sumigaw nang pagkalakas-lakas kani-kanina lang.
Hindi ko alam kung makakasigaw ako sa sitwasyon ko ngayon pero sinubukan ko. Sumigaw ako. Yung pinakamalakas na kaya ko. Kung hindi siguro ako nagising sa katotohanan na hindi lang ako yung nasasaktan, malamang pinagmumura ko lang siya sa sigaw ko pero ngayon...
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romance"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince