Second Melody

323 144 5
                                    

KEIRA

"Good morning, sir," bati ko kay Sir Pete pagkapasok ko ng recording room.

"Good morning, Keira." Ngumiti siya at pinaupo ako.

"So... shall we start? This is your first recording and I'm telling you, it's okay to make mistakes. We can try over again," ngiti niya at sinet-up ang u-upuan ko sa loob. Pinapasok na niya ako sa loob at lumabas siya para boses ko lang talaga ang marinig ng mic. Kinakabahan pa rin ako dahil nakikita lang niya ako sa malaking glass at kitang-kita ko na medyo excited siya.

Please sana hindi na siya ma-disappoint sa akin, please.

I looked at his brilliant russet brown eyes once again and started to sing.

"Akala ko'y habang-buhay tayo, akala ko'y hanggang dulo. Kay haba pa ng kalsada, dito na ba tayo bababa?🎶"

"Kung ganito na nga ba ang usapan, kung dito na ang hangganan, dapat sigurong iwasan ang mga minsan kamustahan. Mga nakasanayan dapat ng kalimutan upang di tayo magkasakitan🎶"

Napapikit na ako at pinakiramdaman ko nang mabuti ang kanta.

"Hanggang dito na lang, hanggang dito na lang🎶"

"Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo...🎶"

"...baka tayo🎶" at napadilat na ako.

Nakita kong nakangiti si Sir Pete at binigyan ako ng thumbs-up saka pumasok sa loob at sinamahan akong lumabas. Sabay naming pinakinggan ulit ang pagkanta ko at pati ako satisfied sa ginawa ko.

"I guess my assumptions were right after all," nakangiting sabi niya.

"Assumptions?" kunot-noong tanong ko dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"You're broken-hearted," aniya kaya natawa ako bigla.

"Sir, I was broken hearted," I said, emphasizing was.

"Eh, 'di... bitter ka lang talaga kaya hindi mo makanta 'yung Mine?" taas-kilay na tanong niya. It seems like he's not buying my excuse.

"Hindi naman po sa bitter, hindi pa kasi ako inspired since hindi naman po ako in love," sagot ko.

"Fair enough," sabi niya habang patangu-tango pa. Para bang ang lalim ng iniisip niya at may malaking desisyon siyang gagawin.

"Let's make this straight, I won't handle you on your first album. I won't let my songs go to your first album. 'Yung kinanta mo kanina, hindi sa akin 'yun and I prefer kung ang sumulat no'n na muna ang magha-handle sayo. I'd appreciate it if you'd settle down your feelings first before you sing my songs," diretsong sabi niya.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako o mao-offend sa sinabi niya. Feeling ba niya hindi ako worthy kantahin 'yung mga kantang ginawa niya? O talagang concern lang siya sa akin?

"I think hindi ka pa nakaka-move on," diretsong sabi niya at saka umupo kaya umupo na rin ako. Natawa ulit ako sa sinabi niya. Bakit ba niya pinipilit na broken-hearted ako? I've never been better.

"Sir, matagal na ho 'yun. Imposibleng hindi pa ako naka-move on," sagot ko.

"Kailan ba kayo nag-break?" bigla niyang tanong, mukhang naiintriga.

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon