KEIRA
Shet shet shet shet shet shet shet shet!!! Ano bang ginawa ko? Bakit bigla siyang naging gano'n?
Sinabi niyang mahal niya ako tapos saktong dumating 'yung bulalo tapos sabi lang niya, 'uy ito na pala' tapos kumain kami na para bang walang nangyari tapos pagkahatid niya sa akin, bigla na lang niyang sinabing, 'I'm still willing to wait for you, Keira.'
Like, WHAAAAAT?? Saang planeta ba siya nanggaling at napaka-random niya? Para siyang roller coaster na paliku-liko, aakyat-bababa. Hindi ko siya ma-gets!
At saka, ako? Mahal niya? Kailan pa? Bakit? Anong rason? Paano niya nasabing mahal niya ako, eh wala pa nga yata kaming isang linggong magkakilala??
Bumangon na ako kahit pa gulung-gulo pa rin ang utak ko. Alas cinco na ng umaga. Kailangan ko nang gumising ng alas sais pero hindi pa ako nakakatulog. Napagpasyahan ko na lang bumangon na kaysa i-push pa 'yung isang oras na puwede ko pang itulog, eh hindi rin naman ako makakatulog. Nag-text pa naman si Sir Jolo na ire-record namin 'yung isang kanta ngayon. Naligo na ako at kung anu-ano pang mga ritwal saka bumaba para mag-almusal.
"Good morning, Ma—Sir Pete??"
"Ano ba, Keira! Bakit ngayon ka lang bumaba? Kanina pa naghihintay 'tong manliligaw mo!" sigaw sa akin ni Mama. Teka, manliligaw?
"Okay lang po. She can take her time," sabi ni Sir Pete na nakangiti.
"Nako, hindi okay 'yun, hijo! Buong buhay na niyang tine-take ang time niya, masyado na siyang napag-iiwanan."
"Okay lang ho 'yun, hindi ko naman po siya iiwanan."
"Ang aga-aga, ang sweet-sweet mo namang bata ka!" hampas ni Mama kay Sir Pete na kinikilig-kilig pa. Nakakahiya ka, Ma!
"Ano bang nakita mo riyan sa anak ko, eh ang pangit-pangit niyan?"
Natawa si Sir Pete kaya tuluyan na akong bumaba sa kanila at baka kung ano pang masabi nito ni Mama.
"Ma naman!"
"Totoo namang pangit ka, eh!" saksak ni Mama ng pandesal sa bibig ko at lumabas na ng dining area.
"Ang cute niyo ng mama mo," sabi ni Sir Pete habang nakangiti. Parang tuwang-tuwa pa siyang binu-bully ako ng nanay ko.
Inubos ko muna 'yung pandesal at saka humarap kay Sir Pete.
"Bakit ka po pala nandito, sir?" tanong ko.
"Keira, I told you to just call me Pete, or Clyde, or Finnegan. Basta first name basis tayo, okay? At saka, wala ka bang naaalala kagabi? Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko sayo, hindi mo pa rin alam kung bakit ako nandito ngayon? Tingin mo ba hindi ko pinaninindigan ang mga sinasabi ko?"
"H-Hindi naman sa gano'n... ano kasi—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nag-ring ang phone ko. Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang tumatawag.
Sir Jolo calling...
Nakita kong napatingin si Sir Pete sa phone ko at pinagmasdan niya akong mabuti kung ano ang susunod kong gagawin.
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romance"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince