KEIRA
"All I ask is if this is my last night with you, hold me like I'm more than just a friend. Give me a memory I can use🎶"
"Take my hand while we do what lovers do. It matters how this ends 'cause what if I never love again...🎶"
Napatingin ako kay Pete na kanina pa rin sumasabay kumanta sa akin. Dito na kami kumain sa loob ng karaokehan at um-order na rin kami ng beer.
"Drama mo, ah? May bago na ba 'yung ex mo at ganiyan ka ka-drama?" natatawang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Eh, ikaw nga maka-kanta diyan akala mo nagka-ex ka na," sagot ko sa kaniya. Ang pakialamero, eh. At saka paano ba naman kasi, kanina pa kami nagku-kuwentuhan dito tapos nakuwento niya sa akin na wala pa pala siyang nagiging girlfriend.
"Hoy, below the belt 'yan, ah."
"Totoo naman. Ang tanda-tanda na natin, wala ka pa rin ni isang naging girlfriend, jusko. Bakla ka, 'no? Kaya wala ka pang nagiging girlfriend kasi puro boyfriends."
Bahagya siyang natawa nang marinig ang sinabi ko.
"Excuse me, hindi ako bakla. In love pa kasi sa iba 'yung gusto ko," pagtataray pa niya at uminom sa bote ng beer niya.
"Kailan mo ba siya nagustuhan?" naka-crossed arms na tanong ko.
"High school pa."
"Ang weak mo naman! Ni hindi ka man lang naka-damoves?" Nahampas ko siya. Hinimas naman niya ang braso niya.
"Kasi dati akala ko crush lang," sagot niya at nag-pout pa. Cute.
"Alam mo ba kapag more than four months mo na raw crush, love na 'yan!"
"Eh, nung panahong 'yon hindi ko naman alam. College na ako nung malaman ko 'yan, eh may boyfriend siya nun."
"Ang malas mo naman," nasabi ko na lang at uminom ulit ng beer.
"Alam mo, lasing ka na. Kanina pagdating natin dito hiyang-hiya 'yang itsura mo tapos ngayon sinusupalpal mo na pati love life ko."
Natawa ako sa sinabi niya. Eh, kaawa-awa naman talaga siya. Kahit sawi ako at nasaktan, at least nagka-boyfriend na ako, 'no.
"Saan ka ba nag-high school? Mamaya ako pala 'yan, ah? Kaya pala stalker kita, ah!" mapang-asar na biro ko at siniku-siko pa siya.
"Hindi ikaw 'yon at sobrang layo niya sayo, 'no. 'Yung first love at one true love ko na 'yun ay mabait, hindi nangsusupalpal ng love life ng iba. Hindi rin siya wasak kagaya mo dahil masiyahin siya at palaging nakangiti. At saka, mas magaling siyang kumanta sayo, 'no. Ikaw malungkot na kanta lang kaya mong kantahin, siya kaya niyang kantahin kahit ano," pagmamalaki niya sa crush niya sa akin.
"Eh, 'di siya na! Palibhasa in love ka sa kaniya kaya perfect siya para sayo. Tingnan mo kapag naka-move on ka na, makikita mo na lahat ng flaws niya," inom ko ulit. Ang bitter ko, 'di ba.
"Tama na nga 'yan." Kinuha niya ang bote na nasa kamay ko.
"Nakikita ko ang flaws niya at mahal ko pa rin siya," sagot niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
"Kung hindi mo nakikita ang flaws niya at perfect lang siya sa paningin mo, paano mo nalamang mahal mo siya? 'Di ba masasabi mo lang na mahal mo ang isang tao kapag tanggap mo siya nang buo, kung sino siya, at kahit ano pa ang maging siya. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya iiwan dahil lang nagbago siya. Tatanggapin mo pa rin siya kahit hindi na siya 'yung taong minahal mo noon dahil lahat ng tao ay nagbabago. Kailangan niyong mag-adjust sa isa't isa, 'yun ang true love. Unconditional," preach niya sa akin.
"Wow naman!" bilib na saad ko habang pumapalakpak pa.
"Alam mo dati, bawat sabihin ko rin parang words of wisdom 'pag nag-a-advice ako sa mga kaibigan ko para sa love life nila pero nung ako na ang na-in love, wala na! Wala na akong natandaan sa lahat ng lumabas sa bibig ko tungkol sa pag-ibig na 'yan. Akala ko kapag nagka-love life ako, easy lang dahil marami akong alam tungkol sa pag-ibig pero hindi pala. Mahirap kapag ikaw na ang mag-a-advice sa sarili mo. Mahirap kapag ikaw na ang magdedesisyon kung ano bang gagawin mo. Tingnan mo nangyari sa akin, ako nakipaghiwalay tapos ako 'yung hindi maka-move on."
"IKAW NAKIPAGHIWALAY?!" tayo niya na mukhang gulat na gulat at hindi makapaniwala. Akala mo ngayon lang nakarinig ng nang-iwan, eh.
"Ano ba, manahimik ka nga," hampas ko nang mahina sa kaniya.
"At saka, oh? Eh, ano ngayon kung ako nakipaghiwalay?"
"Tanga ka ba? Ikaw nakipaghiwalay tapos ang lakas ng loob mong magalit sa kaniya kasi naka-move on na siya," mataray na sabi niya at ang lutong talaga nung phrase na 'tanga ka ba?'
"Hindi kasi 'yun ang point ko. Nung nakipaghiwalay ako, ni hindi man lang kami nakapag-usap nang maayos," depensa ko.
"Ano pa bang pag-uusapan niyo? Eh, nakipaghiwalay ka na nga?" sabat niya. Hindi ko alam pero naiyak na lang ako bigla.
Naalala ko lahat. Lahat ng pinagsamahan namin ni Jolo at kung gaano kabilis niyang nakalimutan na lang lahat ng 'yon. Kung paano ako naging parang ibang tao sa kaniya kahit pa napakalalim ng pinagsamahan namin. Ngayon tuloy napapaisip ako kung para sa akin lang ba mahalaga 'yung naging relasyon namin kasi bakit ang bilis niyang makalimot? Bakit ang bilis niyang makawala at mawalan ng pakialam sa lahat samantalang ako nakakulong pa rin sa nakaraan na kahit anong pilit kong kalimutan, pilit pa ring bumabalik sa puso at isip ko. Bakit para sa akin ang hirap kalimutan ng lahat?
Hindi ko na napigilan ang luha ko nang maisip kung ano ang bagay na hindi ko matanggap-tanggap kahit ilang taon na ang lumipas. Tama naman si Pete. Ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay, ako ang nagsabing maghiwalay na kami, at ito ang hindi ko matanggap. Bakit ba kasi ako pa talaga ang nag-presintang maghiwalay? Hindi ko matanggap na kahit ano pang gawin ko, kahit pa pagbalik-baliktarin ko ang mundo, ako ang may kasalanan kung bakit ako nasaktan at patuloy na nasasaktan ngayon.
"B-Bakit kasi... ang tagal kong nawala." Hindi ko naiwasang humagulgol ng iyak.
"Huy, hindi kita inaaway, ah. H'wag ka ngang umiyak," punas ni Pete sa mga luha ko gamit ang panyo niya.
"Ang tagal ko kasing nawala kaya naka-move on na agad siya, eh," hampas ko sa lap ko sa inis.
"Bakit ba kasi na-coma ako!"
"Ssshhh..." narinig kong sabi ni Pete habang pinupunasan ang mga luha ko at saka ako sinandal sa dibdib niya.
"Kung talagang para kayo sa isa't-isa; kahit gaano ka pa katagal nawala, kahit pa nakalimutan ka niya, dadating 'yung araw na maaalala ka niya at mamahalin ka niya ulit. Pero kung hindi ka na talaga niya maalala, hindi ba't panahon na para magmahal ka naman ng iba?" Hinarap ako ni Pete sa kaniya at nagtama ang mga tingin namin. His russet brown eyes are staring straight into my soul.
"Dalawang taon kang na-coma, tatlong taon na ang lumipas simula no'ng magising ka pero hindi ka pa rin niya maalala. Hindi kaya panahon na para tumigil ka nang mahalin siya? Hindi ba puwedeng kalimutan mo na siya?"
"Eh, hindi ko nga siya makalimutan! Bakit ang dali lang akong kalimutan para sa kaniya? Bakit ako, na-coma na't lahat, lumipas na ang limang taon, pero mahal ko pa rin siya?!"
"Tsk. 'Pag nalasing lang talaga umaamin," pailing-iling na sabi niya
"I've heard enough. Tumigil ka na sa kaka-drama mo riyan," sabi niya at mahinang tinulak ang noo ko kaya natanggal ako sa pagkakasandal sa dibdib niya.
"Nilagyan mo pa yata ng sipon 'tong polo ko," tingin niya sa polo niya at pinunasan ang parteng nabasa ng luha ko.
"S-Sorry na," I sniffled and stood up as well.
"Oh." Napatingin ako sa burger na keychain na inabot niya sa akin.
"Ikaw kumanta kaya sayo dapat 'yan. Kapag nakakuha ng mataas na score sa karaoke, binibigyan nila ng keychain," sabi niya.
"Halika na, hahatid na kita sa inyo at mag-u-umaga na."
♤♤♤
Song used in this part of the story: All I Ask by Adele.
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romance"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince