Twelfth Melody

223 134 3
                                    

JOLO FARRELL

"Jolo? You're awake?" rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses at tuluyan ko na ngang minulat ang mga mata ko.

"H-Hyung?" sabi ko nang makita si Jeon Hyung na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa paligid at napagtantong nasa ospital ako. Tinawag niya sina Mom at Dad at nagsilapitan sila pati na rin sina Raffy at Milo.

"Are you alright? May masakit ba sayo?" rinig kong tanong ni Mom pero hindi talaga ako makapagfocus sa mga sinasabi niya dahil sa mga alaalang nagdadagsaan sa utak ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Raffy, call the doctors." rinig kong utos ni Jeon Hyung at lumabas nga si Raffy.

Nagflashback sa utak ko ang mga nangyari simula pagkabata ko. 'Yung unang araw kong pumasok sa eskwelahan, wala ako masyadong kausap, kung paano ako nagkaroon ng interes sa piano, paglipat ko ng eskwelahan para sa highschool at... si Keira.

Naalala ko kung paano ako nahanap ni Keira sa auditorium nang gabing 'yon at kung anong naramdaman ko nang mga sandaling 'yon... kung paano nangyaring simula noon ay hindi ko na ginusto pang mapalayo sa kaniya. Naalala ko kung paano kami naging malapit sa isa't isa, 'yung pagtulong sa akin ni Raffy ligawan siya at 'yung araw na sinagot niya ako. Habang naaalala ko ang mga pangyayaring 'yon ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon kung gaano ako kasaya no'n. Kung paano ako nagtatalon sa tuwa at kung paano ko paulit-ulit na sinabing mahal ko siya.

Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin, bawat araw na puno ng pagmamahal. Kahit 'yong mga pag-aaway at muntik na hiwalayan na sa awa ng Diyos ay naagapan. Naalala ko ang mga mata niyang puno ng pagmamahal sa tuwing tinitignan niya ako, 'yung pagmamahal na 'yon alam kong para sa akin lang kaya't no'ng mga panahong 'yon ay wala na akong mahihiling pa. Pero bakit... nag-iba ang lahat?

Napahawak ulit ako sa ulo ko nang may maalala na naman akong isang pangyayari... kung kailan nakalimutan ko ang lahat.

Naumpog ko nalang ang ulo ko sa pader nang makita ang denied na proposal ko sa kumpanya. Siguro nga wala talaga akong talent at skills sa business dahil hindi rin naman ako interesado pero malamang malulungkot si Mom kapag nalaman niyang dineny na naman ni Jeon Hyung 'tong proposal ko. Aminado rin naman akong hindi kagandahan kung ikukumpara sa ideya ng iba pero... pinaghirapan ko rin naman kasi 'tong proposal.

Siguro mas okay nga kung susundin ko nalang ang sinabi ni Jeon Hyung at Raffy na lumipat ako sa SKY Music Industries. Passion ko ang music at ang offer nila na maging composer ako, sigurado akong mag e-enjoy ako roon kaya lang naisip ko si Keira. May plano na akong yayain siyang magpakasal pero hindi ko pa magagawa 'yun dahil hindi naman kalakihan ang kinikita ng composers lalo na ngayong magsisimula palang ako.

Palabas na sana ako nang makita kong may piano pala sa lobby nitong building. Sa pagkakaalam ko ay observant akong tao pero bakit parang ngayon ko lang napansin 'to? Lumapit ako sa piano at biglang may lumapit sa aking babae. Nagulat ako nang makita si Gina. She was my classmate back in high school.

"Gina? What are you doing here?"

"Your company's front desk receptionist, obviously." natatawang sagot niya.

"Marunong ka pa bang tumugtog, Mr. Farrell?" nakangiting tanong niya at tumango ako. Pinilit niya akong tumugtog ng isang kanta para raw magalaw naman 'yung piano dahil wala naman daw kasing tumutugtog.

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon