Fifth Melody

254 141 2
                                    

KEIRA

"Argh," daing ko at napahawak sa ulo ko. Ang sakit, grabe.

"Key!!!"

Napabangon ako sa sigaw ni Mama. Mukhang papunta na siya sa kuwarto ko. Uminom nga pala ako kagabi, patay!

"Sino 'yung kasama mo kagabi?" nakapamewang na tanong niya with matching patapik-tapik pa ng paa sa lapag pagkapasok sa kuwarto ko.

"H-Ha?" lang ang nasagot ko dahil biglang nagbago ang expression niya. Hindi na siya galit at mukhang natutuwa pa siya.

"Manliligaw mo ba 'yun?" tanong niya habang may malawak na ngiti sa mga labi. Her eyes are obviously hoping that I'd say yes.

"H-Hindi po."

"Bakit hindi?!" tanong niya na parang galit pa nang sinabi kong hindi.

"Siya po dapat 'yung composer ng mga tracks sa una kong album kaya lang puro pang in love 'yung kanta niya kaya nilipat ako ng composer," sagot ko na lang.

"Eh, kasama mo kagabi... bakit kayo magkasama kagabi kung hindi na pala siya 'yung composer na naka-assign sayo?" kunot-noong tanong ni Mama.

"Nag-aya lang po kumain, Ma." Bumangon na ako sa kama at tiniklop ang kumot. Bigla kong inamoy ang sarili ko.

"Ma, bakit hindi ako amoy alak?"

"Pinaliguan kita kagabi! Hindi ka man lang nahiya roon sa kasama mo at naglasing ka pa talaga. H'wag ka na ulit maglalasing na may kasamang lalaki, ha? Lalo na sa kakakilala mo pa lang. Magpakasal ka muna kaya magpaligaw ka na roon!"

"Ma naman!"

"Oh, anong masama magpakasal?" taas-kilay na tanong ni Mama.

"Dati nung may crush ako kay Valentine Martinez, kinurot mo pa 'yung singit ko tapos ngayon kulang na lang magpagawa ka ng tarpaulin at idikit sa akin na may 'AVAILABLE AKO, PAKASALAN MO AKO!'"

"Nag-aaral ka pa kasi noon at ayaw ko pang magka-apo nang mga panahong 'yon. Saka second year high school ka lang noon, 'no! Isa pa, pinayagan naman na kitang mag-boyfriend nung third year ka, ha kasi alam kong hindi ka na tanga-tanga. Pero nagkamali pala ako. Hindi ka nga tanga-tanga sa pagpili, tanga ka naman sa pagdedesisyon. Hay nako!" stressed na sagot niya sa akin.

"Hindi ko naman kasalanan na... kinalimutan na niya ako, eh," sagot ko at pakiramdam ko may namumuo na namang luha sa mata ko.

"Oo na, oo na... h'wag ka nang ngumuso riyan at baka mahila ko 'yang nguso mo. Hanapin mo na lang 'yung nagpapadala ng mga bulaklak at prutas sayo noong na-coma ka, baka 'yun na ang mapapangasawa mo."

"Ma naman! Hindi po ba talaga si Jolo 'yun?" tanong ko.

Nung na-coma raw kasi ako, may laging nagpapadala ng kung anu-ano sa akin at may card naman daw pero nakalimutan na ni Mama kung ano ang nakalagay.

"Aray naman, Ma!" himas ko sa ulo ko dahil bigla niya akong binatukan.

"Nakipag-break ka, 'di ba? Tingin mo padadalhan ka pa ng bulaklak at prutas nun, ha? Nung mga unang linggo akala ko rin siya pero sa loob ng dalawang taon, araw-araw talagang nagpapadala. Alangang padalhan ka pa nun, eh nabalitaan ko rin na umalis na siya ng bansa ilang linggo ka pa lang na-coma," kuwento ni Mama.

"Hindi mo na po ba talaga maalala 'yung nakalagay sa card?"

"Hmm... 'di ba nasabi ko na sayo na may CGF yata o CPF o ano... CDF yata? Basta C tapos... hay, hindi ko na maalala! Limang taon na nakalipas simula noon, 'no! Tingin mo ba maaalala ko pa 'yun? Basta mag-asawa ka na at bigyan mo na ako ng apo! Pero bawal magkabaliktad ha, kasal muna!" At lumabas na siya ng kuwarto ko. Nag-ayos na rin ako ng sarili at saka kumain para makapasok na. Baka mapagalitan ako ni Sir Jolo 'pag na-late ako, eh.

Pagdating ko ng SKYMI, dumiretso agad ako sa office ni Sir Jolo.

"Good morning, sir," bati ko sa kaniya.

"Good morning, Keira," ngiti niya at shet 'di ko na kaya. Bakit kailangan may ngiti? HOY! MARUPOK AKO, H'WAG KANG GANIYAN. Naka-plain dirty white shirt lang siya pero ang gwapo niya pa ring tingnan.

"We don't have anything to do today but if you want to ask some things, you can ask now," diretsong sabi niya.

"Uh, wait so... wala naman pong gagawin?" tanong ko.

"You just have to study the songs I gave you, just tell me when you want to record the songs," sabi niya at tumayo habang may hawak-hawak na mga piyesa ng kanta.

"Do you have any questions?" tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin, nakatingin siya roon sa mga papel na hawak niya habang inaayos 'yon.

"Ah, wala po, sir," sagot ko.

"Good. You can go home now. Una na ako, ha," sagot niya at lumabas na. I didn't even get the chance to meet his beautiful pecan brown eyes for the last time.

Nanlalamya akong lumabas ng office niya. Nginitian niya ako tapos biglang para bang wala siyang pakialam sa akin. Like, hello? Nag-effort kaya akong pumunta rito, 'no. Sana man lang sinabi niya beforehand na walang gagawin at nang hindi na sana ako pumunta.

"Keira?"

Napalingon ako sa tumawag at nakita si Sir Pete. Napapikit ako nang maalala ang mga kahihiyang pinaggagawa at pinagsasabi ko kagabi. Halos gusto ko nang lamunin ng lupa. Myghad, help po please.

"H-Hello po," bati ko sa kaniya na halos ayaw nang ipakita ang mukha ko.

Napahawak siya sa magkabilang baywang niya at ngumiti nang nakakaloko.

"Don't tell me nahihiya ka dahil sa kagabi?" Inangat niya ang ulo ko para maharap sa mukha niya at nagtama ang mga tingin namin. His russet brown eyes will surely melt me in no time kaya naman agad akong napaiwas ng tingin. Inalis niya ang pagkakahawak sa baba ko nang makita na niya ang mukha ko. Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

"H'wag kang mahiya, nag-enjoy ako kagabi kaya sana ikaw rin," ngiti niya at nawala na ang kaba sa dibdib ko. Phew! Pero ang cute talaga ng dimples niya at halos walang matang ngiti niya!

"Teka, nasaan pala si Jolo?" bigla niyang tanong at pinasok ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang gray jacket suit.

"Hindi ko po alam, eh. Wala naman daw kaming gagawin ngayon," sagot ko.

"Ayun, sakto! Halika!" Hinila niya ako and the next thing I know, nasa kotse na niya kami at nagmamaneho na siya papunta sa kung saan.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko.

Humarap siya sa akin tutal naka-redlight naman at ngumiti nang pagka-cute-cute.

"Kakain!"

♤♤♤

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon