Prologue

724 147 3
                                    

"Key?"

Pamilyar ang boses na narinig ko kaya't tuluyan ko nang minulat ang mga mata ko. Liwanag ang sumalubong sa akin kaya napapikit akong muli. Sinubukan kong iangat ang braso ko pero ramdam na ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko. Para bang ito ang unang beses na babangon ako mula sa napakatagal at napakahimbing na pagtulog.

"Key? Tita! Gising na si Key!" rinig kong sigaw ni Kean.

"Jolo..." was the only word that managed to escape my mouth.

All I could remember was Jolo and I were fighting. Malamang ako na naman ang may pakana dahil inaway ko na naman siya.


"2 years kang nakahiga diyan, Key. He already left."

Mas lalong nanghina ang buong katawan ko sa narinig ko at saka lang naging malinaw sa akin ang lahat. Inaway ko siya dahil nakita kong nagpi-piano siya sa harap ng kaibigan niyang babae. Mas matagal silang magkaibigan kaysa amin at simula palang, 'yung babae na talagang 'yon ang pinakaseselosan ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita ko silang magkasama.

It had been a hard few months for Jolo and me. We can even barely see each other kaya naman nang magpasya akong sorpresahin siya sa opisina nila at 'yon pa ang nadatnan ko, I wasn't able to contain my emotions.

Alam kong wala ako sa huwisyo mag-isip dahil na rin siguro sa pagod at stress nung araw na 'yun. Alam kong ang liit-liit na bagay pero pinalaki ko. Naiinis din ako dahil maliit na bagay, pinagseselosan ko pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Alam kong wala na sa lugar pero wala rin akong nagawa, hindi ko naiwasang magselos.


"I don't think this is working anymore."

Hininto niya ang sasakyan at napatingin sa akin. Sobrang gulat ang ekspresyon sa mukha niya. Yung gulat na 'yun ay napalitan ng kaba. Siguro alam na niya ang susunod kong sasabihin.

"Let's break up."

Kita sa mga mata niya na hindi niya alam kung anong isasagot. There was a moment of silence until he started the engine again and continued driving.

"Kung saan ka mas sasaya," were the last words he told me before we got into an accident.


I never thought that a very small misunderstanding and immaturity of mine would result in something unchangeable.

Ilang araw din akong nagpalakas at saka na-discharge sa ospital. Pagkauwi, bumili agad ako ng bagong phone at dahil kabisado ko naman, dinial ko agad ang number ni Jolo pero wala na raw ang number na 'yun.

After a few days, nakausap ko ang mutual friend namin ni Jolo at binigay niya sa akin ang bagong number niya pero pang-international na dahil nasa ibang bansa na pala siya.

"Hello?" sabi ko nang sagutin ang tawag.

"Who's this?" sagot ng nasa kabilang linya.

Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Kahit dalawang taon ko siyang hindi nakita o narinig, kabisado ko pa rin ang boses niya. Sigurado akong siya 'to.

"It's me," I said with a huge smile on my face. I really missed him. I missed his voice.

"Who?"

Ouch. I can remember his voice perfectly but him? I think he already forgot everything about me.

"Wow, you already forgot my voice." Parang may kung anong kirot sa puso ko nang marinig na parang hindi na niya talaga maalala ang boses ko.

We were each other's first love. We've been together for a very long time that we know every small detail about each other. I didn't know two years was all it would take to forget it all.

"I don't have time for you so could you please stop calling me?"

Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya kaya binaba ko na ang tawag. Feeling ko alam niyang ako 'yun pero ayaw lang talaga niya akong makausap.

Sobrang bilis naman niyang makalimot. Sapat ba ang dalawang taon para kalimutan lahat ng pinagsamahan namin? Gano'n ba ako kadaling kalimutan?

Pero bakit ako, hanggang ngayon kabisado ko ang number niya noon? Kilala ko pa rin ang boses niya? Alam ko pa ring hindi siya umiinom kapag plastic cup lang o paper cup ang baso. Mahilig siya sa malunggay pandesal. Favorite animal namin ang owl, couple animal pa nga namin 'yun, eh. Bakit wala akong ni isang nakalimutan sa lahat ng alam ko sa kaniya? Bakit ako umiiyak ngayon habang sinasabi ang mga bagay na alam ko tungkol sa kaniya at tingin ko kahit kailan ay hindi ko na makakalimutan?

Dinial ko ulit ang number pero hindi na makapasok ang tawag ko. Malamang blinock na ako.

Wala na, siguro hanggang dito na lang talaga.


~•~


It has always been sad for me. It seemed like fate was never in my favor. Until one day, I met him.

Since that day, he became my escape from reality. We fell in love with each other and we were so happy for a very long time. I thought that happiness would last a lifetime pero siguro nga wala talagang forever. In just a blink of an eye, he forgot everything about me. Everything we shared, everything we did together, the love we had for each other, and so much more.

Ang sakit para sa akin na ang dali lang niyang nakalimutan lahat ng 'yon. Ang sakit na hanggang ngayon nakakapit pa rin ako sa nakaraan samantalang siya masaya na sa bago niyang mundo na wala ako.

Maybe we weren't for each other but he should have at least explained his side for me to understand what went wrong.

Maybe I'm fooling myself by saying I've moved on because deep inside, I know I'm still deeply in love with John Donatello Farrell.

- Keira




The Sound of His Music by PlayfulEros

Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince




The Farrell Boys:

John Leonardo "Jeon" Farrell.

John Raphael "Rafa" Farrell.

John Donatello "Jolo" Farrell.

John Michelangelo "Milo" Farrell.




Author's note:

Hindi po sa akin ang ilang mga kanta na nandito sa story na 'to, medyo obvious naman po 'yon at ang istoryang ito ay bunga lang ng aking imahinasyon.

Si John Donatello Farrell o Jolo Farrell ay anak nina Owen at Skye Farrell sa story kong Sena. Mas okay siguro kung babasahin niyo muna 'yun (maigsi lang naman) bago ito para mas maintindihan niyo ang plot twist ng story na 'to at para may background kayo kahit onti kay Jolo.

This is the third Farrell Boys story. Hindi naman masyadong importante ang pagkakasunud-sunod ng FBS sa isa't isa kaya okay lang kahit anong unahin niyo. Ayun lang, maraming salamat!

- Alien




Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


KUNG HINDI MARUNONG RUMESPETO SA GAWA NG IBA, HUWAG NA MAGPATULOY SA PAGBABASA.

PLAGIARISM IS A CRIME.

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon