KEIRA
"Ikaw ha, napapadalas ang paghatid sayo ni Jolo. Siya ulit naghatid sayo kagabi, 'no? Umamin ka nga, kayo ba ulit?" Corner sa akin ni Mama pagkalabas na pagkalabas ko ng kuwarto.
"Ma, hindi nga ho ako naaalala nun kaya hindi kami 'ulit' atsaka napapagabi po kasi uwi ko eh siya ang naghahandle sa akin ngayon kaya nag o-offer na siyang ihatid ako." sagot ko at umupo na sa hapag-kainan.
"Siya ba 'yung sinabi mong pumalit na magha-handle sayo kaya hindi na si Pete ang nagha-handle sayo para sa first album mo? Anyare, ha?" pang-iintriga pa ni Mama.
"Eh, napalitan ho. Hayaan mo na, Ma. Kain na tayo." sabi ko at umupo na nga rin si Mama sa hapag-kainan.
Speaking of Sir Pete, hindi na kami masyadong nagkikita. Kung magkakasalubong man kami, parang ilag siya sa akin pero ngingiti naman siya pero matamlay ang mga ngiti niya. Hindi na katulad ng dati.
Pagkatapos kumain, tumambay lang ako sa kuwarto ko. Wala kasi kaming meeting ngayon ni Sir Jolo dahil inaasikaso niya 'yung magiging album cover ko.
Napatingin ako sa pader kung saan nakasabit ang isang gitara ko. Katabi ng gitara ko, may sabitan ng mga IDs, belts, necklaces, bracelets pero ang napansin ko talaga ay 'yung burger na keychain na binigay sa akin ni Sir Pete dati. 'Yung uminom kami tapos nalasing ako nang todo. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nagflashback sa utak ko yung mga pinag-usapan namin noon.
"Kung talagang para kayo sa isa't-isa; kahit gaano ka pa katagal nawala, kahit pa nakalimutan ka niya, dadating 'yung araw na maaalala ka niya at mamahalin ka niya ulit. Pero kung hindi ka na niya talaga maalala, hindi ba't panahon na para magmahal ka naman ng iba?"
"Dalawang taon kang nacoma, tatlong taon na ang lumipas simula no'ng magising ka pero hindi ka pa rin niya maalala. Hindi kaya panahon na para tumigil ka nang mahalin siya? Hindi ba puwedeng kalimutan mo na siya?"
Paano niya nalamang nacoma ako ng dalawang taon? Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Sir Pete.
"Oh, Keira. Napatawag ka?" sagot niya sa tawag ko.
"Sir Pete, puwede ba tayong magkita?"
"Ang out of blue, ah pero sure. When and where?" Sinabi ko sa kaniya ang coffee shop halfway sa place ko papuntang SKYMI at binaba na rin ang tawag.
~•~
"Kanina ka pa ba nandito? I'm sorry natagalan ako, traffic kasi." Upo niya sa kaharap kong upuan.
"Hindi naman po. Ah, kaya pala gusto kong makipagkita kasi may itatanong sana ako." simula ko.
"Ah, sure. Go on." sabi niya at ininom ang kapeng kakaorder lang niya.
"Sorry talaga, sobrang random since ang tagal na kasing nangyari nito pero... nung last time na nag-inuman tayo. Nung binigay mo sa akin 'yung burger keychain, nabanggit mo na dalawang taon akong nacoma. Paano mo nalaman 'yun?"
Biglang nawala ang mga ngiti sa labi niya kaya medyo kinabahan ako. Binaba niya ang pagkakahawak niya sa kape niya at umupo nang maayos.
"Sa totoo lang Keira, matagal na kitang kilala." simula niya at kwinento niya sa akin lahat. Nagulat ako kasi sobrang tagal na pala niya akong gusto at hindi ko alam kung paano magre-react sa lahat ng sinabi niya. Sobrang naging insensitive ako sa nararamdaman niya. Hindi ko alam paano ko siya ituturing bilang 'manliligaw' kaya aminado rin ako na nilalayuan ko siya noong mga nakaraang araw pero nagulat ako kasi parang gano'n din siya.
"I'm sorry dahil medyo iniiwasan kita recently, it's just that... napansin kong nagkakamabutihan kayo ni Jolo at katulad ng dati, ayaw kong maging hadlang sa inyo."
"Lalo pa't napatunayan kong mahal mo pa talaga siya." Nagulat ako sa sinabi niya.
"M-Mahal? Ano ba! Matagal na 'yu—"
"Nakikita ko ang mga tingin mo sa kaniya, Keira. Hindi ako bulag at mas lalong hindi ako manhid. 'Yung tingin mo tuwing tumutugtog siya, 'yung mga ngiti mo tuwing nakatingin ka sa kaniya... it's the same Keira I saw 12 years ago."
Ngumiti siya, isang malungkot na ngiti.
"Nang mag-offer ang SKY sayo, nagvolunteer talaga akong maging composer mo pero nung makita at mapakinggan kitang kumanta... ramdam kong hindi ka pa rin masaya. Kaya nung araw na sinabi ko sayo na ibibigay muna kita kay Jolo, natakot kasi ako noon na baka hindi mo magawang buksan ang puso mo para sa akin kaya sinadya kong ibigay ka kay Jolo. Para sana marealize mo na hindi ka na niya maaalala kaya dapat mo na rin siyang kalimutan. Akala ko kapag naisip mong wala na para sa kaniya 'yung nakaraan, magagawa mo na ring kalimutan ang nakaraan mo pero hindi pala, Keira."
"I'm sorry hindi ko man lang nasabi sayo na nagka-amnesia si Jolo. I'm sorry dahil sinubukan ko pang itago sayo ang totoo. I'm sorry kasi... hindi ko binigay 'yung sulat na ipinabigay sayo ng mga Farrell para ipaalam na pupunta silang ibang bansa para subukang pagalingin si Jolo." Napatakip ako sa bibig ko sa gulat. Siya ang may kagagawan nun?
"Lagi akong nagpapadala ng mga prutas at mga bulaklak sayo nun kaya isang araw nakasalubong ko ang inutusan nilang magbigay sayo ng sulat. Dahil nga sa SKYMI ako nagta-trabaho, kilala ko siya at sinabing ako na ang magbibigay pero sa totoo lang, binasa ko 'yun at tinapon lang."
"S-Sir Pete... bakit mo ginawa 'yun?" naiiyak na sabi ko. Ang daming puwedeng mangyari kung nabasa ko lang sana 'yung sulat na 'yun. Kung nabasa ko lang sana 'yun, nakagawa ako ng paraan para makabalik sa buhay ni Jolo.
"I'm so sorry, Keira." Sobrang sincere ang pagkakasabi niya at ramdam kong pinagsisihan niya 'yun kaya hindi ko magawang magalit.
Sinubukan kong maging positive as much as possible at ngumiti.
"O-Okay lang 'yun. Nangyari na ang mga nangyari." sabi ko. Wala naman nang magbabago kung magalit pa ako. Hindi naman nun mababalik ang alaala ni Jolo.
Sabay kaming napatingin ni Sir Pete sa cellphone kong nagvi-vibrate sa ibabaw ng mesa.
"Hello?" sagot ko sa tawag. Unknown number kaya pinakinggan kong mabuti.
"Hello? Keira?" rinig kong sabi ng nasa kabilang linya na kaboses ni Kuya Jeon.
"Kuya Jeon?"
"Ah yes, nakuha ko ang number mo sa cellphone ni Jolo. Naaksidente siya pero okay naman na siya ngayon at..." Bumuntong-hininga siya bago tumuloy.
"...bumalik na ang alaala niya."
♤♤♤
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romantik"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince