Seventeenth Melody

173 118 0
                                    

KEIRA

"O sige, sige. Papunta na ako." sabi ko at binaba ang tawag. Sakto namang bumukas ang elevator kaya pumasok agad ako atsaka pinindot ang 12th floor. Dinial ko ang number ni Mark para sabihing papunta na ako at malapit na rin si Sir Pete kaya i-ready na niya 'yung cover.

"Oh, Keira."

"Oh, kabayo!" sigaw ko sa gulat nang biglang may magsalita sa likod ko at nagsihulugan ang mga dala kong folders.

"I'm sorry, I'm sorry." sabi niya at yumuko para tulungan akong magpulot. Nang pupulutin ko na ang last folder, bigla niyang nahawakan ang kamay ko kasi pupulutin din niya 'yun kaya parang bigla akong nakuryente dahilan para mabitawan ko ang folder.

"I-I'm sorry." sabi niya at siya na nga ang pumulot nung folder at inabot sa akin.

"Okay lang." Abot ko sa folder at tumayo na nang maayos. Shocks naman! Bakit ngayon pa? Atsaka... nakabalik na pala siya?

"You're doing great." biglang sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Kahit hindi nakalabas ang ngipin niya... hay, ang ganda talaga ng mga ngiting 'yan. His stunning pecan brown eyes are staring into mine.

Bigla akong nabalik sa katinuan nang marealize ko na ex ko nga pala 'tong nasa harap ko. Ghad, Keira! Muntik ka na namang mahulog sa patibong ng lalaking 'to!

Tumingin na ako sa taas at nakitang nasa 4th floor palang kami. BAKIT ANG TAGAL?!

"So... how have you been?" bigla niyang tanong kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Namiss ko ang boses niya, sobra.

Bigla akong napailing-iling. Ano ba, Keira! Umayos ka nga! Bakit ba ang rupok mo pagdating kay Jolo? Okay, inhale... exhale. Sasagutin ko ang tanong niya pero hindi ko na papahabain pa usapan namin.

"A-Ayos lang, ikaw?" sabi ko at bigla akong napapikit sa kagagahan ko. HINDI PAPAHABAIN! ANONG HINDI MO MAINTINDIHAN DOON, KEIRA?! Jusko, mababaliw na ako.

"Ayos lang din." sagot niya at ewan ko ba pero ang awkward talaga. Oh, jusko... patnubayan niyo po ang puso kong onti nalang makakawala na sa rib cage ko sa sobrang lakas ng kabog.

"I've heard your songs. You're a really great singer." sabi niya at glinue ko nalang ang tingin ko sa taas kung saan nakalagay na nasa 6th floor palang kami.

"Thanks." tipid na sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang mata ko sa screen na nagsasabing nasa 7th floor palang kami. Dalawa lang naman kami sa loob pero bakit sobrang bagal?? Mababaliw na ako rito!

Bigla kong napansin na nakapress din pala sa 8 'yung elevator buttons kaya nakahinga na ako nang maluwag. Bababa na rin siya, phew! Pagdating sa 8th floor, bumukas na ang pinto.

"Goodby-" paalam sana ni Jolo nang may biglang parang bagyong pumasok sa loob.

"Jolo!" Mukhang kasing edaran lang namin siya at parang pamilyar ang mukha niya sa akin. Gwapo siya at matangkad, maganda rin ang pangangatawan.

"Uncle Caden." tawag naman ni Jolo kaya halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Uncle? Tito? Tito niya 'tong gwapong lalaking 'to? Mukhang kaedaran nga lang namin eh. Anyway, bakit pa nga ba ako nagugulat eh sina Tito Owen at Tita Skye nga parang hindi tumatanda, nasa genes talaga siguro nila.

"Oh, Miss Keira! Good thing you're also here." sabi niya at pumagitna sa amin. Sumara naman na ang pinto ng elevator.

"Ito 'yung plan para sa bagong cover mo, Miss Keira at si Jolo ang in-charge-"

"Ako? Pero hindi ako-"

"Tumatanggi ka rito? Ayaw mo bang makatrabaho si Miss Keira?? Grabe ka naman, Jolo!" sunud-sunod na sabi ni Sir Caden.

"Hindi sa gano'n, Uncle Ca-"

"Hindi naman pala eh! Goodluck!" putol ni Sir Caden at inabot ang folder na hawak niya kay Jolo na kinagulat naman nito. Saktong bumukas ang pinto ng elevator sa 12th floor kaya lalabas na sana ako nang harangin ako ni Sir Caden.

"Nope, nope, nope. Sasama ka kay Jolo para sa shoot, Miss Keira." Pindot niya sa B1 button ng elevator at mabilis na lumabas bago sumara ulit ang pinto. Seriously? Stuck na naman ako kasama si Jolo? Mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.

Binuksan ni Jolo ang folder at biglang kumunot ang noo niya kaya naman sisilip sana ako nang marealize ko na hindi nga pala kami close. Mukha namang naramdaman niyang nacurious ako kaya inabot niya sa akin ang folder. Nagulat din ako nang makakita ng dalawang plane tickets pagkabukas na pagkabukas ko kaya binasa ko ang mga nakasulat. Sa provincial area pala kami pupunta at mukhang pag e-eroplanuhin na kami para mabilis ang byahe.

Wala na akong nagawa kundi bumaba mula sa elevator kasama si Jolo sa Basement 1 na parking area at sumakay sa kotse niya papuntang airport. Pagkarating sa airport, naghiwalay din agad kami ng landas dahil nagtingin-tingin ako ng puwedeng kainin pero nang wala akong nakita, bumalik na ako sa kaniya na nakaupo sa waiting area at iniwan na niya ako mag-isa at ewan ko ba saan siya pumunta.

Nakinig nalang ako ng music habang hinihintay ang flight atsaka nag scroll-scroll sa twitter nang mahinto ako sa isang tweet.

Nakinig nalang ako ng music habang hinihintay ang flight atsaka nag scroll-scroll sa twitter nang mahinto ako sa isang tweet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May pa-tweet-tweet pa 'to samantalang iniwan ako mag-isa rito, psh. Nagulat ako nang biglang may gummy bears na sumulpot sa harap ko. Dahan-dahan akong napatingala at nakita si Jolo.

"A-Ano 'to?" tanong ko pero deep inside ay takam na takam na ako sa gummy bears. Favorite!

"Para sa'yo." he answered. Kinuha ko naman ang gummy bears.

"Favorite mo pa rin ba 'yan?" tanong niya atsaka umupo sa tabi ko.

"P-Paano mo-" tanong ko sana pero nasagot na agad ang tanong ko nang magtama ang mga tingin namin. Nakakaalala na nga pala siya at oo nga rin pala, ex ko siya at 7 years din kami.

"Hindi na. Pero dahil nabili mo na rin naman kaya salamat na rin." sagot ko. Wooh! Galingan mo lang magsinungaling, Keira!

Teka, may bilihan ba ng gummy bears dito? Naglibut-libot ako kanina pero wala naman akong nakitang tindahan ng gummy bears.

"Saan ka nakabili nito?" tanong ko at mukhang nagulat siya.

"Ah... diyan lang." sabi niya at nag-earphones. Nang dumating na ang eroplanong sasakyan namin, pinahiram sa akin ni Jolo ang jacket suit niya kung sakaling malamig daw at hindi na rin ako pinansin pagkatapos.

Hay, sana lang maging maayos ang shooting ng mga music video at cover ko sa lagay na 'to. Imagine, ex ko for 7 years ang kasama ko... may mas a-awkward pa ba rito.

♤♤♤

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon