Eighth Melody

226 136 2
                                    

KEIRA

"Is Jolo Farrell here?" Biglang nagtama ang mga tingin namin.

"Keira?" Lumapit niya sa akin.

"Rafa." bati ko rin sa kaniya at niyakap niya ako.

"Kamusta ka na? Atsaka si Jolo... nagkita na ba kayo?" tanong niya.

Si Rafa ang kakambal ni Jolo. Unlike Jolo, maingay at makulit 'to si Rafa. Madalas Raffy ang tawag sa kaniya atsaka kung si Jolo musically inclined, si Rafa more on physical activities mahilig.

"Ah oo, nagkita na kami." sagot ko.

"Uhm... okay naman na siguro kayo, 'no?" tanong niya na halatang medyo alangan siya kung tama bang tinanong niya 'yun.

"O-Oo naman! Ano ba, matagal na 'yun." sagot ko.

"Alam mo naman sigurong nagka-am—"

"Rafa!" putol ni Sir Pete kay Rafa kaya napatingin kami sa kaniya.

"Nasa office yata ng CEO si Jolo." tuloy ni Sir Pete.

"Ah, gano'n ba? O sige, see you around guys." sabi ni Rafa at lumabas na kaya naiwan na ulit kaming dalawa ni Sir Pete.

Okay teka, paano ko ie-explain kay Sir Pete kung paano nangyaring kilala ko si Rafa Farrell? Nagtataka kaya siya kung bakit magkakilala kami? Sasabihin ko na bang si Jolo Farrell 'yung ex ko?

"Uhm... kaya kami magkakilala kasi... "

"Keira," bigla niyang tawag.

"P-Po?"

"Aralin mo nalang 'tong kantang 'to. Kailangan ko na kasing umuwi, medyo masama ang pakiramdam ko." matamlay na sabi niya. Malungkot ang mga mata niya pero nakita kong pinilit niyang ngumiti.

"Sige po, Sir. Magpahinga po kayo nang mabuti."

"Thanks." sabi niya bago tuluyang umalis. Nagfocus naman na ako sa music sheet na binigay niya at inaral 'yun.

~•~

Nag-unat ako at dumilat. Putek, bakit ang sakit ng likod ko? Pinagmasdan ko ang paligid. BAKIT NASA RECORDING ROOM AKO???

Shet, nakatulog pala ako.

Tumayo na agad ako atsaka inayos ang recording room bago lumabas. Wala nang mga tao, dim na rin ang mga nakabukas na ilaw. Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang mag e-eleven PM na. Naglakad na ako papuntang elevator pero napahinto ako nang makarinig ng tunog ng piano.

May multo ba?

Ewan ko ba pero sinundan ko 'yung tunog. Malungkot siyang kanta, parang ang sakit pakinggan. Nakarating ako sa isang pintuan. Nagdalawang-isip pa ako kung sisilip ako pero sa huli, sumilip pa rin ako.

Si Jolo... si Jolo 'yung tumutugtog. Nagulat ako nang biglang nawala sa tono 'yung tugtog.

"Argh!" narinig kong daing ni Jolo. Hinawakan niya ang left wrist niya atsaka ipinatong ang ulo niya sa keyboard ng piano.

Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang i-comfort kasi parang nahihirapan siya, parang... nasasaktan siya.

Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na rin ako ng SKYMI pero hindi 'yun ang huling gabing nagpagabi ako para marinig ulit siyang tumugtog ng piano kahit pa hindi niya 'to natatapos.

Yung gabing 'yun, nasundan ng isa pa, dalawa, tatlo, hanggang sa hindi kumpleto ang gabi ko hangga't hindi ko siya naririnig tumugtog kaya gabi-gabi, nagpapagabi ako at palihim na nanonood sa kaniya habang tumutugtog siya ng hindi niya matapos-tapos na kanta.

♤♤♤

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon