Eighteenth Melody

187 120 0
                                    

JOLO FARRELL

"ANO?!" narinig kong sabi ni Pete mula sa phone ni Keira. Hindi nakaloud-speaker pero sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya na narinig ko.

Kakasakay lang namin sa sasakyan na sumundo sa amin nang tumawag si Pete kanina. Mukhang tinatanong kung nasaan si Keira at sumagot naman si Keira kung nasaan kami. Tinanong ni Pete kung sinong kasama at nung sinabing ako, ayan. Sumigaw nang pagkalakas-lakas na 'ano?!'

"Chill ka lang, huy! Para 'to sa album ko. Sige na, malapit na kami. Bye." paalam ni Keira at binaba na ang tawag.

"Si Pete pa rin ang nagha-handle sayo?" tanong ko.

"Ah... boyfriend ko." sagot niya na nakapagpatigil sa akin. Dahan-dahan nalang akong tumangu-tango at binalik ang earphones sa tainga ko atsaka ibinaling ang tingin sa labas kung saan tuloy lang ang pagpatak ng ulan.

Boyfriend na pala niya si Pete.

Nang umalis ako, shinutdown ko ang buong mundo. Nagpakalayu-layo ako sandali at namuhay mag-isa malayo sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala ko. Hindi dahil kay Keira o sa mga bumalik na alaala ko kundi sa nalaman ko tungkol sa pagkatao ko.

"Jolo? You're awake?" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses at tuluyan ko nang minulat ang mga mata ko.

"H-Hyung?" sabi ko nang makita si Jeon Hyung na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa paligid at napagtantong nasa ospital ako. Tinawag niya sina Mom at Dad at nagsilapitan sila pati na rin sina Raffy at Milo.

"Are you alright? May masakit ba sayo?" rinig kong tanong ni Mom pero hindi talaga ako makapagfocus sa mga sinasabi niya dahil sa mga alaalang nagdadagsaan sa utak ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Raffy, call the doctors." rinig kong utos ni Jeon Hyung at lumabas nga si Raffy.

Dahil sa pagiging abala ko sa mga alaalang nagdadagsaan sa utak ko, hindi ko namalayang may pumasok na palang mga doktor sa kuwarto at ipinaliwanag nila na bumabalik na ang mga alaala ko.

Naalala ko ang aksidente kasama si Keira ilang taon na ang nakakalipas at aksidenteng kinasangkutan ko na naman kailan lang na dahilan kung bakit nandito ako sa ospital ngayon. Naalala ko na nagkaroon ng holdapan sa mall at nabaril ako sa ulo.

Naalala ko ang sakit ng pagtama ng bala sa ulo ko at alam kong mamamatay na ako no'n pero sabi ng doktor, may mga suwerteng pasyente raw talaga na nabubuhay pa pero rare ang sa kaso ko dahil mabilis daw gumaling ang sugat ko. Kadalasan daw kasi ay matagal pa gumising ang pasyente kapag nabaril 'to sa ulo at kadalasan pa nga raw ay naco-comatose o namamatay na. Mas suwerte pa raw ako dahil sa tama ko sa ulo, bumalik ang mga alaala ko. Pareho sa mga aksidente na 'yon ay dapat patay na ako pero... bakit nandito pa rin ako? Buhay na buhay at malakas, parang walang nangyari.

Nang lumabas na ang mga doktor ay yinakap ako ni mom.

"Buti nalang talaga..." sabi niya habang nakayakap sa akin, halatang sobrang nag-alala siya.

"Buti nalang talaga at napakasuwerte ko at buhay pa rin ako sa dami ng aksidenteng dapat ay ikinamatay ko na." sabi ko. Biglang nagtinginan sina Dad, Mom, Hyung at Raffy.

"Mom, tingin ko dapat na nating sabihin sa kaniya." sabi ni Hyung.

"Ano'ng dapat niyo nang sabihin sa akin?" tanong ko, naguguluhan. Nang iwan kami ng doktor, nagsilapitan sila Hyung, Mom at Dad.

"Jolo," Hinawakan ni Mom ang kamay ko.

"Siguro hindi ka agad maniniwala pero... hindi ka ordinaryong tao, anak." sabi ni Dad na nakapagpagulo lalo sa utak ko.


Nung una hindi talaga ako makapaniwala pero nang ipaliwanag nila at nang maalala ko ang mga bagay na nagawa ko noon na hindi ko maipaliwanag kung paano ko nagawa, naniwala na rin ako.

Kahit ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagagawa ko katulad nalang kanina. Nagteleport pa ako papunta sa CR ng isang mall para makabili ng gummy bears para kay Keira. Pagkarating kasi namin ay naghanap agad siya ng makakain at mukhang wala siyang nakitang gusto niya kaya nagpasya akong bumili ng gummy bears na favorite niya. Matagal pa kasing magdrive paalis kaya ginamit ko na ang namana ko kay Dad. Besides, wala naman na akong ibang paggagamitan kundi personal na gawain ko lang din.

Ipinaliwanag ni Jeon Hyung na halos imposible na ngang nabuhay pa ako nang mabaril ako kaya nakumbinsi na rin ako. Kuwinento nila ang istorya nila Mom and Dad noon. Naging guardian ng mga tao si Dad kaya imortal siya at dahil daw ang Nasa Taas ang kumuha kay Mom noong namatay siya noong ilang libong taon na ang nakalilipas, nang ipanganak siya ulit ay naging imortal siya.

Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan nung kinukuwento nila noon at hindi pa rin ganoon kalinaw sa akin ngayon kung bakit imortal ang pamilya namin pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang walang hanggang buhay na 'to.

Noong araw na pinuntahan ako ni Keira sa ospital dahil bumalik na ang mga alaala ko, gusto ko siyang yakapin nang mahigpit... sobrang namiss ko siya. Noon ko napagtanto na kaya pala simula nang magising ako mula sa aksidente noong nagka-amnesia ako, para may kulang. Kaya lahat ng kanta ko ay para sa mga taong naghihirap, nasasaktan at nagdaramdam. Totoo nga sigurong hindi nakakalimot ang puso kahit na makalimot ang isip dahil kahit na hindi ko maalala noon si Keira, siya pa rin ang laman at isinisigaw ng puso ko.

Nang magsync in sa akin lahat ng sinabi nila, narealize ko na... masasaktan lang namin ni Keira ang isa't-isa kapag pinilit pa namin ang pagmamahalan namin.

Ayaw kong maiwan, ayaw kong iwan niya ako. At ayaw ko siyang tumanda samantalang ako maiiwan sa mga alaala namin. Ayaw kong mag-isa siyang tatanda at ako ganito pa rin. Doon ko narealize na... hindi kami puwedeng magsama.

Siguro suwerte sina Mom and Dad dahil para talaga sila sa isa't-isa at gantimpala sa kanila ng Nasa Itaas na magkakasama sila sa haba ng panahon pero kami ni Keira... hindi. Ayaw kong maging makasarili. Kung ipipilit ko lang na makasama siya para sa kasiyahan ko, pareho lang kaming masasaktan sa huli kapag kailangan na naming maghiwalay.

Pagkarating namin sa set, agad na inayusan si Keira at ako naman ang nag-asikaso ng mga papeles at kung anu-ano pa. Ilang oras din akong nakipag-usap sa mga tao tungkol sa mga kailangan pang ayusin, mga kailangan pang gawin at iba pang additional things na kailangan para sa mga shoot.

Pagkatapos kong makipag-usap, hinanap ko si Keira pero sinabi ng isang staff na kanina pa pala sila nagsho-shoot kaya sumunod na ako kung nasaan sila. Pagkarating ko, nakita ko naman agad si Keira na nakasakay sa isang bangka. Wala naman nang ulan kaya ayos na magshoot sa open area. Nilibot ko ang paningin ko at napansin na malayo sila sa lupa, ibig sabihin ay nasa malalim na parte sila ng dagat.

Kinalabit ko ang director.

"Malalim ba 'yan?" tanong ko.

"Ah oo, medyo, Sir. Request kasi ng photographer. May shots din kasi mula sa ilalim ng tubig at may iba-iba pang pakulo itong mga photographers natin." sagot niya.

"May life vest man lang ba sa bangka?" tanong ko at nginitian lang niya ako.

"Ah, hehe... nawala po sa isip namin Sir." Napahinga nalang ako nang malalim at akmang manenermon na nang may lalaking sumigaw 'di kalayuan sa amin.

"Direk! Si Miss Keira, nahulog!"

♤♤♤

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon