KEIRA
"Keira, calm down!" Hila sa akin ni Sir Pete pagkalabas ko ng coffee shop.
"How can I calm down? Andun na si Jolo, naaalala na niya ako! Naaalala na niya lahat!" Natatarantang lakad ko palabas ng coffee shop.
"I don't want to be rude but... how can you be so sure that he wants you back in his life?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Paano nga kung... hindi! Naniniwala akong may nararamdaman pa rin siya para sa akin.
"Pupunta na po ako, thank you Sir Pete." sabi ko at naglakad na palayo at pumara ng taxi. Pagdating ko sa ospital, nakita ko sina Rafa at Milo sa labas ng isang kuwarto.
"Keira." nakangiting bati sa akin ni Rafa. Napangiti ako nang kumaway sa akin si Milo, ang laki na niya. Dati bata lang siya pero ngayon halos magkasingtangkad na sila ni Rafa at kasing gwapo na ng mga kuya niya.
"Teka lang." sabi ni Rafa at pumasok sa loob. Hindi nagtagal, naglabasan ang mga Farrell. Sina Tito Owen, Tita Skye, Rafa at Kuya Jeon. Binati ko sila at gano'n din naman sila sa akin.
"Maiwan muna namin kayo." Ngiti ni Tita Skye at sinenyasan akong pumasok na. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Paano kung ayaw nga niya akong makita? Ano bang sasabihin ko?
Pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko at binuksan nito ang pinto.
Napatingin siya sa akin kaya dahan-dahan akong lumapit.
"Jolo—"
"Keira, you're the last person I want to see right now." Natigilan ako sa mga sinabi niyang 'yun.
"Pero Jolo..."
"If I recall it correctly, you and I broke up 5 years ago." Napakalamig ng mga tingin niya sa akin ngayon. Ibang-iba ang mga matang 'to na sumalubong sa akin kaysa inaasahan ko.
"Pero naaalala mo na—"
"It doesn't change the fact that we broke up." muli niyang putol sa sasabihin ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano pa nga ba kasing ginagawa ko rito? Bakit pa nga ba kasi ako umasa na baka mahal pa rin niya ako?
Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa mata ko. Ang tanga-tanga ko para magmadali papunta dito, umaasang mababalik ko lahat. Bakit ba pumasok sa utak kong baka puwede pa? Baka puwedeng mahalin niya ako ulit at baka puwedeng ibalik namin ang pagmamahalan namin dati. Bakit ba hindi ko siya magawang bitawan?
Bago pa man ako umiyak sa harap niya at mas lalong ipahiya ang sarili ko dahil sa katangahan ko, nagpaalam na ako.
"I'm sorry, magpagaling ka." sabi ko at lumabas na ng kuwarto niya.
"How did it go?" Nakangiting lapit sa akin ni Rafa pero nawala ang mga ngiti niyang 'yon nang magtama ang mga mata namin.
"K-Keira..."
"Una na ho ako." nakayukong sabi ko sa kanila.
"Ingat ka, Noona!" rinig kong sabi ni Milo pero hindi na ako lumingon ulit. Pagkalabas ko ng ospital ay sumakay na agad ako ng taxi. Sa loob ng taxi, hindi ko na kinaya at sumabog na ako.
Bakit ba ramdam ko pa rin ang pagmamahal ko kay Jolo?? Bakit ba hindi ako makabangon?! Pinanunasan ko ang mga tumutulong luha sa mata ko pero sunud-sunod pa rin sila sa pagpatak.
Nung unang beses ko ulit siyang makita, nasaktan ako dahil ramdam ko sa sarili kong hindi pa ako ayos pero siya... ang saya-saya na niya, kayang-kaya niya na wala ako. Kaya nang malaman ko na nagkaamnesia siya, umasa ako na baka kaya lang okay na siya kasi nga wala siyang maalala pero... mali pala ako.
Kahit pa bumalik na ang mga alaala niya, ayaw na talaga niya akong bumalik sa buhay niya.
Dati, alam kong kahit anong mangyari, ayaw niya akong mawala sa buhay niya pero ngayon, sobrang iba na.
Ang sikip ng dibdib ko, pakiramdam ko anytime sasabog na 'to. Bakit ba hanggang ngayon, siya pa rin? Bakit ba hindi ako makausad? Bakit ba hindi ako makawala sa nakaraan?
Pagbaba ko ng taxi, nagulat ako nang makita si Sir Pete na nakasandal sa kotse niya sa tapat ng bahay namin.
"Keira, ayos ka lang ba? Umiiyak ka ba?" Lapit niya sa akin. I faked a smile.
"Ah hindi, nanonood kasi ako ng drama eh last episode—" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko at ang isa pa niyang kamay na kino-comfort ang likod ko.
"You don't have to lie in front of me, Keira. You can tell me everything, I'll listen."
The moment I felt the warmth of his embrace, I felt protected. The same warmth I feel every time Jolo hugs me before. 'Yung yakap na alam mong ligtas ka na, yung yakap na nagsasabing, 'okay lang lahat, nandito ako. Hindi kita pababayaan.'
Bumagsak na naman ang mga luha ko at napayakap na rin ako kay Sir Pete.
"Bakit... bakit ang sakit pa rin?"
"Kasi mahal mo. Mahal mo pa rin siya, Keira." rinig kong sagot niya.
"Bakit mahal ko pa rin siya? Pero siya... "
"Ssshh..."
Natapos ang gabi na 'yun na umiiyak ako at kinu-kuwestyon ang sarili ko bakit ang tanga-tanga ko, bakit hindi ako makamove-on at kung bakit si Jolo pa rin.
Natapos ang gabing 'yun na wala rin naman akong nakuhang sagot sa mga katanungan ko.
♤♤♤
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romansa"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince