Nineteenth Melody

214 117 1
                                    

JOLO FARRELL

Sabay kaming napalingon sa direksyon ng sumigaw at nakitang nakataob na ang bangka.

"Yung diver! Hindi ba't may diver?" natatarantang sigaw ng director habang tumatakbo kami papunta sa dagat.

"Umahon po 'yung diver pero papunta na po ang magliligtas." sagot ng isang staff. Sumabay ako sa bangka ng mga staff na papunta sa bangka kung saan lumubog si Keira. Agad akong tumalon nang makarating kami kung saan siya nahulog.

"Sir Jolo!" rinig kong tawag ng isang staff pero lumangoy na ako pababa. Nakita ko naman agad si Keira at nakaramdam ng matinding kirot sa puso ko.

Kung binantayan kita kanina hindi sana umabot sa ganito.

Agad ko siyang hinila at iniahon sa tubig. Tinulungan ako ng mga staff iakyat siya sa bangka. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba at takot. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Keira. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin.

"Miss Keira." Alog-alog nila kay Keira pero hindi 'to nagrespond.

"Hindi niyo man lang ba alam ang gagawin?" inis nang tanong ko at natahimik sila. Agad ko silang pinatabi at tinilt ang ulo ni Keira sa side para madrain ang tubig sa bibig at ilong niya atsaka nagperform ng mouth-to-mouth resuscitation.

Nang magising na si Keira at ilabas niya ang tubig mula sa bibig niya atsaka umubo-ubo, pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Hindi ko napagilan ang sarili kong maiyak at yakapin siya.

KEIRA
~•~

"Akala ko mawawala ka na sa akin..." Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa gulat at kaba nang maramdaman ko ang yakap niya. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko pa 'to pagkatapos ng lahat.

Bago ako mawalan ng malay kanina sa ilalim ng tubig, akala ko katapusan ko na at hindi ko 'yun matanggap dahil ang dami ko pang gustong gawin, marami pa akong gustong sabihin at iparating sa mga tao pati na kay kay Jolo.

Nang alisin ni Jolo ang pagkakayakap niya sa akin, doon ko lang napansin na basa rin siya. Siya ba ang nagligtas sa akin?

Dumating na ang rescue team at mga medic at sinermunan naman sila Jolo at siyempre, wala ring kawala ang mga staff. Nang paalis na kami sa dagat, biglang umulan nang malakas kaya nagmadali na kaming lahat. Kahapon pa pala may low pressure area at ngayon pumasok na ang bagyo kaya pala kanina pa paulan-ulan.

"Cancelled flight natin." sabi ni Jolo at inabutan ako ng hot chocolate.

"Paano na 'yan?" tanong ko at humigop sa inuming binigay niya.

"We can't do anything. Cancelled lahat ng flights pabalik kaya wala tayong choice." sabi niya at umupo sa katapat kong upuan.

Biglang may pumasok na staff at sinabing ihahatid kami sa binook nilang hotel. Pagkarating namin, sa isang malaking room lang kami na may dalawang bedrooms sa loob at isang living room. Nagpadeliver lang kami ng dinner at pumasok na rin sa kuwarto namin. Pagkahiga ko, agad kong nakita ang text ni Pete.

 Pagkahiga ko, agad kong nakita ang text ni Pete

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon