Sixth Melody

242 138 6
                                    

KEIRA

"Sir, akala ko ba kakain tayo?" medyo pasigaw na tanong ko dahil ang ingay dito. Nasa amusement park kami at ang daming mini games.

"Bakit? Bawal ba kumain dito? Tingnan mo nga't kahit saan ka tumingin may nagtitinda ng pagkain, oh," sabi niya. Pilosopo. Napatingin ulit ako sa paligid at nakitang ang dami nga namang nagtitinda ng pagkain.

"Oh."

Napalingon ako kay Sir Pete at—

"ANO 'YAN?" gulat na tanong ko nang makitang ang dami niyang bitbit na pagkain.

"Hindi ka pa ba nakakita ng ganitong mga pagkain dati?" tanong niya at inabutan ako ng corndog, hotdog on stick, cotton candy, popcorn, fries, ice cream, at may mga candies pa, jusko. Hindi ko talaga ma-explain 'tong posisyon ko ngayon. Nakaipit ang cotton candy sa braso ko, iniipit ko 'yung plastic ng candies sa dalawang pulso ko habang hawak-hawak ko 'yung corndog, hotdog, fries, ice cream, at popcorn sa dalawang kamay ko na onting tabig lang talaga ay for sure matatapon na lahat.

Tiningnan ko nang masama si Sir Pete pero hindi niya ako napansin at tuloy lang siya sa paglamon. Oo, lamon talaga at hindi lang kain sa dami ng kinakain niya ngayon. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang table para ilapag doon ang mga bitbit ko.

"Penge," biglang sabi ni Sir at kinuha 'yung ice cream. Wow. Iiripan ko sana siya nang may mahagip ang mga mata kong isang pamilyar na lalaki. Teka, si Jolo ba 'yun?

"KEIRA!" biglang harang ni Sir Pete sa harap ko na dahilan para magulat ako.

"Gusto mo bang sumakay sa roller coaster?" rinig kong tanong ni Sir Pete pero busy ako masyadong tumingin sa likod niya dahil hinahanap ko 'yung lalaking nakita ko kanina. Parang si Jolo 'yun, eh.

"Heeeey," kaway-kaway ni Sir Pete ng kamay niya sa harap ng mukha ko kaya inangat ko 'yung ulo ko para matanaw ulit 'yung lalaking parang si Jolo.

"Eyes on me." Biglang hinawakan ni Sir Pete sa magkabilang pisngi ko na dahilan para mapatingin ako sa kaniya. My heart skipped a beat when his russet brown orbs met mine. God, his eyes are enticing.

"Good," bitaw niya sa mga pisngi ko saka ngumiti.

"Ayaw ko na pala rito. Kumain na lang tayo somewhere na maganda ang atmosphere," hila niya sa akin pero lumingon pa rin ako sa likod, nagbabakasaling makita 'yung akala kong si Jolo. O siya kaya talaga 'yun?

Bakit naman siya pupunta rito? Kaya ba wala kaming ginawa ngayon kasi may date siya?

Sa lalim ng mga pinag-iisip ko buong biyahe, hindi ko namalayang nakalayo na pala kami ni Sir Pete. Nabalik na lang ako sa realidad nang buksan niya ang pinto ng passenger's seat kung saan ako nakaupo.

"Tada! A nice restaurant in a high land. Masarap ang bulalo rito," ngiti ni Sir Pete.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan, naamoy ko na agad 'yung bulalong sinasabi niya kaya naman natakam na rin ako.

"Tikman nga natin 'yang bulalong 'yan," sabi ko pagkaupo namin sa isang table.

"May girlfriend na ba si Sir Jolo?" bigla kong natanong. Shet naman, Keira! Ano ba naman 'yang mga lumalabas sa bibig mo!

Sandaling natahimik si Sir Pete. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lalim ng iniisip niya. Iniisip niya bang mabuti kung may girlfriend na si Sir Jolo?

Umangat ulit ang tingin sa akin ni Sir Pete saka siya ngumiti pero 'yung ngiti niya ngayon, parang iba, parang alanganin. 'Yung ngiti na parang pinipilit lang niya.

"Bakit? Type mo ba siya?"

"N-Nako, sir! H-Hindi po! Ano kasi, na-curious lang ako," todo deny ko. Shet naman kasi, bakit ba biglang lumabas sa bibig ko 'yun.

"Hmmm..." Pinatong ni Sir Pete ang mga siko niya sa lamesa.

"Sa akin ba hindi ka nacu-curious?"

His calm russet brown eyes slowly became intimidating. Napalunok ako bago sumagot.

"N-Nacu-curious. Pero ikaw kasi 'yung taong open book so 'yung mga curiosity ko sayo, nalalaman ko rin agad 'yung sagot."

"I guess mas interesting talaga ang mga taong mysterious kaysa mga open book, 'no?" sabi niya at biglang tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapunta na siya sa counter. Mga ilang segundo lang din at bumalik na siya sa kinauupuan namin.

"Keira."

Napatingin ako sa kaniya dahil biglang parang ang seryoso ng boses niya.

"I love you."

♤♤♤

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon