Sixteenth Melody

228 130 1
                                    

KEIRA

One Year Later

"It wasn't easy, it wasn't a lovely trip to a public park.
It will be hard, mending your broken heart🎶"

"But with the right person, I knew what to do.
At the right time, I knew what I had to🎶"

"From ashes, I'll stand.
I'll rise again and be the better one🎶"


Narinig ko ang ingay ng mga tao pagkatapos ng kanta. Alam kong alam na nila ang susunod.

"As you guys have heard, for my last song for tonight and since it's February 14... I'll sing the first not-so-sad love song that my friend and I composed." sabi ko at dumagsa ang hiyawan at sigawan at pati na tawanan dahil na rin siguro sa sinabi kong 'not-so-sad love song' na nakapagpangiti sa akin. Sinimulan na ng gitarista ang pagstrum at kumanta na ako.

"Settle down with me. Cover me up, cuddle me in🎶"

"Lie down with me and hold me in your arms🎶"

"And your heart's against my chest, your lips pressed to my neck. I'm falling for your eyes, but they don't know me yet🎶"

"And with a feeling I'll forget, I'm in love now🎶"

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao at nagulat ako nang may biglang ibang kumanta ng chorus.

"Kiss me like you wanna be loved, you wanna be loved, you wanna be loved🎶"

Napangiti ako nang makita kung sino 'yun at kumanta na rin.

"This feels like falling in love, falling in love. We're falling in love🎶"

Sinenyasan ko si Sir Pete na siya na kumanta sa second chorus at mukhang nagets naman niya dahil siya ang kumanta.

"Settle down with me and I'll be your safety, you'll be my lady🎶"

"I was made to keep your body warm but I'm cold as the wind blows so hold me in your arms🎶"

Ako naman ang kumanta.

"Oh no, my heart's against your chest, your lips pressed to my neck. I'm falling for your eyes, but they don't know me yet🎶"

"And with this feeling I'll forget...🎶"

Sinabayan na niya ako.

"...I'm in love now🎶"

"Kiss me like you wanna be loved, you wanna be loved, you wanna be loved🎶"

"This feels like falling in love, falling in love, we're falling in love🎶"

Nang matapos ang kanta ay parang nagwawala ang buong arena. May mga nagulat siguro dahil biglang may sumulpot at to be honest, hindi ko rin alam na susulpot si Sir Pete. Hindi naman ako nasabihan ng stage director na may pakilig sa fans na kasama 'tong concert pero... bakit si Sir Pete? Marami pa namang ibang singers na single ang puwedeng mag-guest, jusme.

"Hi." sabi ni Sir Pete at dumagsa ang tilian ng mga babae.

Tinignan ko si Sir Pete at nakitang nakangiti siya sa mga tao at kitang-kita ang dimples niya kaya alam ko na kung bakit nababaliw na ang mga babae ngayon. Nakapolo si Sir Pete na napapatungan ng sweater at... teka, bakit siya inabutan ng bouquet ng staff? 'Di ba babaeng guest lang binibigyan ng bouquet?

"I really came up here on purpose." sabi niya at ewan ko ba bakit nagkakagulo ang arena sa bawat salitang sasabihin niya.

"I want to ask you guys, Miss Keira's fans, her Keys, if I could have your blessing to be your idol's boyfriend." sabi ni Sir Pete at napanganga nalang ako habang lumalapit siya sa akin.

Halos mabingi ako sa ingay ng mga tao habang naglalakad siya. Bawat hakbang yata niya papalapit sa akin ay nakaka-isang libong tibok 'tong puso ko sa sobrang bilis. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko??

"Keira, matagal na tayong magkakilala at base sa pagkakaalala ko, ilang taon na rin simula nang sinabi ko sayong nililigawan na kita. Ngayon, gusto na sana kitang tanungin..."

Biglang may nagsilatawan na staff na may hawak na banner na nakalagay, 'Keira, Will You Be My Girlfriend?'

Parang sandaling huminto sa pagfunction ang utak ko at parang nabingi ako dahil kabog nalang ng dibdib ko ang naririnig ko sa kabila ng mga sigawan, hiyawan at tilian ng mga tao sa buong arena.

"SAY YES! SAY YES!" rinig kong chant ng mga fans ko kaya napangiti ako.

"Matagal na nga tayong magkakilala at... sa araw-araw na magkasama tayo, you never fail to make me smile kaya..." sabi ko at natahimik ang lahat, naghihintay sa idudugtong ko.

"Kaya...?" mahinang tanong ni Sir Pete, off-mic.

"Ano pa bang sinasabi ng mga fans ko?" Ngiti ko sa kaniya at nakita kong lumawak ang mga ngiti sa labi niya.

"Yes! I'll be your girlfriend, Clyde Pete Finnegan De Valle." Ngiti ko at tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"I love you, Keira. I love you so much." he whispered in tears.

♤♤♤

AN: Song used in this part of the story: Kiss Me by Ed Sheeran.

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon