PETE DE VALLE
Napatingin ako sa phone ko na nakapatay atsaka ibinalik din kaagad ang tuon sa daan. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko pero siguro ganito talaga dahil alam ko naman kung gaano minahal ni Keira si Jolo at hindi 'yun basta-basta mawawala. Kahit naman naging kami na, alam kong hindi ko matutumbasan ang pagmamahal na binigay niya kay Jolo pero para kay Keira, sinugal ko lahat.
Alam kong sobra akong masasaktan kapag dumating sa ganitong punto kaya araw-araw na bumabangon ako at sa akin siya, hinahanda ko ang sarili ko sa ganitong bagay pero sobrang sakit pa rin pala talaga kapag dumating na. Kahit anong paghahanda mo, magugulat at labis ka pa ring masasaktan dahil may isang maliit na parte sa puso mong umaasang hindi na mangyayari, na hindi niya gagawin na umalis pa dahil pinagkatiwalaan mo na siya sa kabila ng lahat ng alam mong posibleng mangyari. Pero wala. Dumating na rin naman sa ganito. Kahit sobrang sakit, hindi ko magawang magalit kasi simula palang naman, alam ko na. Alam ko nang walang makakatumbas kay Jolo sa puso niya pero ako 'tong nagpumilit. Kaya kahit siguro anong paninisi ang gawin ko, alam ko sa sarili ko na ginusto ko 'to at may kasalanan din ako.
Siguro karma ko rin 'to sa hindi pag-abot ng sulat ng mga Farrell kay Keira. Siguro karma ko rin 'to sa lahat ng masamang ginawa ko para sa pag-ibig.
I did everything I could to the point that I even crossed the line but still, I can't have her whole heart just for me. Maybe this is what I get for trying so hard for things that aren't for me.
Tinabi ko ang sasakyan atsaka kinuha ang phone ko at binuksan. Kung matatapos na nga ang lahat ng 'to, gusto kong tapusin nang maayos. I was so immature for letting my emotions take over. We need to be grown-ups to handle this situation and avoiding it surely won't help us free ourselves—especially me.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng phone ko ay sunud-sunod ang notifications ng missed calls mula kay Keira at bigla rin naman itong nagring. Sandali kong tinitigan ang mukha at pangalan ni Keira na tumatawag sa akin atsaka huminga nang malalim bago sumagot.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
"Hello, Sir... Pete?" Napakunot ang noo ko nang hindi boses ni Keira ang sumalubong sa tainga ko kundi boses ng isang hindi pamilyar na babae.
"Yes, who's this?" tanong ko sa kabilang linya.
"Ah, Sir. Kasama po ako sa rescue team na nagrescue kay Miss... pards ano pangalan ni Miss? Ah, Keira? Sige sige. Kay Miss Keir—"
"A-Anong nangyari?" agad na putol ko sa sinasabi niya.
"Nasangkot po sa aksidente si Miss Keira sa may highway sa 14th avenue. Kayo po ang nasa speed dial niya kaya kayo po ang cinontact namin."
Natulala nalang ako habang sinasabi niya kung nasaang ospital si Keira. Hindi ko maabsorb lahat. Paano nangyari 'to? Paanong... naaksidente siya??
Napailing-iling ako. Hindi ako puwedeng magbagal-bagal ngayon. Kailangan kong mapuntahan agad si Keira.
Nagmaneho na ulit ako at agad na pinuntahan si Keira. Pagkarating sa ospital ay ilang oras pa akong naghintay kasama ang nanay ni Keira habang sinusubukang tawagan si Jolo pero hindi ko siya macontact. Nang puwede nang pumasok ay sinamahan ko ang nanay ni Keira sa loob. Ginising si Keira nang pumasok kami pero hindi pa siya makapagsalita kaya pinagpahinga na muna namin siya.
Kinabukasan pagkabalik ko, nandoon na si Jolo. Nung una hindi kami nag-usap o ano man pero maya-maya'y lumapit siya at bubuka palang ang labi niya para magsalita ay pinutol ko na siya.
"Huwag ngayon."
Nang magising si Keira, nagbigay daan ako kay Jolo. Alam ko namang mas gusto niyang makita si Jolo kaysa akin. Nag dalawang isip ako kung magsi-stay pa ba ako o aalis na. Pumunta ako dahil nag-aalala ako kay Keira at ngayong nakita ko na siyang nasa mabuting kalagayan habang yakap-yakap ni Tita Karla, mapapanatag naman na siguro ang loob ko.
"Salamat sa Diyos at ayos ka na, anak." pagpapasalamat ni Tita Karla habang yakap si Keira.
Lumingon sa akin si Tita Karla at sinenyasan akong lumapit kay Keira. Hindi pa nga pala niya alam. Nginitian ko nalang si Tita at umiling-iling atsaka lumayo sa kanila. Napakunot ang noo ni Tita sa ginawa ko at napatingin kay Jolo nang lumapit ito kay Keira.
"Keira..." narinig kong tawag ni Jolo kay Keira kaya napalingon ito sa kaniya. Nanatiling nakatitig si Keira kay Jolo, walang imik. Ilang minutong walang imik si Keira hanggang sa magsalita siya ulit.
"P-Pete..."
Sabay na napalingon sina Jolo at Tita Karla sa akin.
"Pete." narinig kong tawag ulit ni Keira at nakitang nakatingin siya sa akin kaya naman lumapit ako. Nagulat ako nang pagkalapit ko ay agad siyang yumakap.
"K-Keira..." tawag ko kay Keira na nakayakap pa rin sa akin. Tumingin naman siya sa akin.
"Si Jolo." Lingon ko kay Jolo na nakatingin lang sa amin ngayon. Lumingon naman si Keira kay Jolo at napakunot ang noo niya.
Nagkatinginan kami ni Jolo. Alam naming may mali. Bakit iba ang reaksyon ni Keira sa inaasahan naming reaksyon niya?
"Keira, hindi mo ba ako naaalala? Jolo, remember?" Lapit ni Jolo kay Keira at hinawakan ang kamay nito na halatang ikinagulat ni Keira kaya mas humigpit ang hawak niya sa akin pero hindi nagtagal at unti-unting bumitaw si Keira sa pagkakahawak sa akin. Naging blanko ang naguguluhang niyang ekspresyon kanina.
Tumingin siya kay Jolo gamit ang blankong ekspresyon na nakaukit ngayon sa mukha niya.
"If I recall it correctly, you and I broke up 7 years ago."
I saw how Jolo's heart broke with those words that just came out of Keira's mouth. Hindi maipinta ang mukha niya sa gulat, takot, lungko at sakit na bumabalot sa buong pagkatao niya ngayon. Pero sigurado akong ito ang parehong sakit na naramdaman ni Keira noon dahil din sa kaniya.
"Jolo, calm down. I'll call the doc—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tabigin ni Jolo ang kamay ko. Umiling-iling siya. Nakita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya. Alam ko wala ako sa posisyon para maramdaman 'to pero naaawa ako sa kaniya, ni hindi ko maisip kung anong klaseng sakit ang nararamdaman niya ngayon.
"I-I love you, Keira..."
Pagkatapos sabihin 'yon ay lumabas si Jolo. Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Keira.
"Bakit?" tanong niya, bakas sa mukha niyang wala siyang ideya sa mga nangyari.
"I'll call the doctors." nasabi ko nalang at tinawag na nga ang mga doktor.
Pagkatapos ng ilang tests at ilang oras na paghihintay namin ni Tita Karla habang sinusubukan kong contact-in si Jolo, sinabi ng mga doktor na na-damage ang hippocampus ni Keira. In other words, maaaring nawala ang memories niya at mahihirapan siyang gumawa ng bago at long-term memories.
Hindi na namin nacontact pa ulit si Jolo. Hindi na namin siya nahanap pa o ng kahit sinong kakilala namin kaya hindi ko na rin nasabi kay Keira ang mga dapat niyang malaman. Sa alaala ni Keira, ako ang mahal niya kaya pinanindigan ko 'yon. Pinanindigan ko lahat ng dapat sana'y para kay Jolo.
♤♤♤
BINABASA MO ANG
The Sound of His Music
Romance"Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent" ― Victor Hugo Farrell Series 3: The Missing Melody of the Third Prince