Fifteenth Melody

227 132 3
                                    

KEIRA

"You know I don't write sad love songs, kaya nga binigay kita kay Jolo noon dahil siya ang magaling doon." sabi ni Sir Pete na mukhang nasi-stress dahil sa sinabi ko.

Sinabi ko kasing gusto ko ng album na magrereflect talaga sa mga nararamdaman ko. Pansin ko rin kasi na nung lumabas ang second album ko na puro happy love songs dahil si Sir Pete ang nagsulat, ang daming negative feedbacks dahil labas daw sa ilong ang kanta ko, hindi raw bagay 'yung kanta sa way ng pagkanta ko dahil hindi naman ako mukhang in love at kung anu-ano pa. Bumaba tuloy ang ratings ko.

"What if... ako ang sumulat?" sabi ko at napatingin sa akin si Sir Pete.

Four Months Later
~•~

"I'm sorry for loving you, I'm sorry for loving you all these years.
I know I'm a fool, a fool longing for your embrace🎶"

"I guess this goodbye is real, now I'll walk away.
Away from you, away from all the memories...🎶

Binaba ko na ang headphones at lumabas ng recording room.

"Ayos ba?" Ngiti ko kay Sir Pete at ngumiti siya sa akin at nagthumbs-up.

"Yes!" sigaw ko at nagyakapan kami.

"Great job." Ngiti niya sa akin, the usual wala-nang-mata ngiti.

I wrote this song to express my longing for Jolo. Mainly inspired siya sa pagiging pathetic ko at pumasok pa sa utak ko na baka mahal pa niya ako when in fact he's better off without me.

"Atsaka... oo nga pala." sabi ni Sir Pete kaya napatingin ako sa kaniya. Halatang iniiwas niya ang tingin niya sa akin kaya kinabahan ako. May nangyari bang hindi maganda?

"Umalis na si Jolo." sabi niya at parang biglang huminto sa pag-ikot ang mundo ko.

"Umalis? Saan siya pumunta?" tanong ko.

"Sabi nila business trip at mukhang matatagalan pero... sabi ni Rafa nagrequest talaga siya ng leave." sagot naman niya.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Alam kong hindi dapat ganito ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilang malungkot. Kahit pa pinipigilan ko ang sarili kong mahalin siya, alam ko naman sa sarili kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya nga ako nagkakaganito.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya tumingala agad ako para pigilan ang tuluyang pagbagsak nila. Iisipin ko nalang na para rin 'to sa ikabubuti naming dalawa.

Two Months Later
~•~

"Kahit gaano ko man itanggi, alam kong ikaw pa rin.
Ikaw pa rin ang gustong makapiling, ikaw pa rin ang gustong mahalin🎶"

"Habang buhay bang aasa sa pag-ibig nating tapos na?
Habang buhay ko bang hihilingin na sana'y bumalik ka?🎶"

"Kung may tatlong kahilingan sa mga bituin, tatlong beses kong hihilingin na bumalik ka sa akin🎶"

Pagkababa ko ng headphones ay hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Sobrang bigat ng dibdib ko habang kumakanta, pakiramdam ko sasabog na 'to. Pumasok si Sir Pete at natatarantang lumapit sa akin.

The Sound of His MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon