ALL RIGHTS RESERVED
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system w/o the author's consent, except where permitted by law.
Story started: May 10, 2014
Story ended: January/09/2015
************
Dedicated to: @AraMaee
-sya ang gumawa ng napaganda kong cover. I really like it. Ang cute diba? Nai-inlove na ako sa mga gawa nya. Swear!
*************
Chantel's POV
"CHANNY!?" sigaw ng bestfriend ko. "DI KA PA BA BABABA!?" dugtong na sigaw nya.
"OO, SANDALI NA LANG!?" ganting-sigaw ko sa kanya. Uso ang sigawan ngayon.
"BILIS----" di na natapos ang sasabihin ng bestfriend ko dahil biglang dumating si manang.
"Pwede ba wag kayong magsigawan. Ang liit-liit ng bahay nagsisigawan pa kayo" malumanay na sabi ni manang pero deep inside galit na yan. Sya ang may-ari ng bahay na inuupahan namin.
Umalis din agad si manang pagkatapos nyang sabihin yun. Well, magpapakilala muna ako. Ako ay si Althea Chantel Aguiflor, 21 years old, graduate ng BS Accounting technology. My family? May bago ng asawa ang papa ko at kasama nya ang kapatid ko. Nasa Australia ata sila. Di ko kasi sure eh. Ang mama ko? Almost one and a half year na syang wala dahil sa sobrang stress. Next time ko na lang iku-kwento baka maging emotional ako. Status ko? Definitely single at masaya ako dahil dun. Trabaho? Wala pa nga eh. Laging 'no vacancy' ang lahat ng ina-apply-an ko. Ang malas ko. Friends? Yup, I have. Actually kasama ko ang isa kong bestfriend. Si Yasha Jouane Garcia pero 'Pipay' ang tawag ko. Ewan ko nga kung saan ko nakuha yun. Hehe! May isa pa akong bestfriend nasa canada sya ngayon. Nag-migrate kasi ang family nila dun kaya kasama sya. Ok, so much for that. Pupuntahan ko pa yung abogado na kinuha ko. May mga ari-arian kasing naiwan ang mommy ko ay kailangan kong ipaasikaso.
"Pipay, alis na ako" sabi ko sa kanya habang sya ay busy'ng nanood ng tv.
BREAKING NEWS!!!
-ANG ISANG HOT NA CELEBRITY AY PAMILYADO NA NGA BA? PAANO NANGYARE YUN? IBALITA MO GRETCH FULLIDO-- sabi ng anchor nila.
Nandito ako ngayon sa isang interview ng sikat na aktor. Kung mapapansin ninyo ay di nya sinasabi satin ang kahit na anong bagay tungkol sa lovelife nya. Pero kani-kanina lang ay umamin na syang engaged na sya. --Gretch Fullido
Reporter1: Mr. Guevarra, totoo bang may namamagitan sa inyo ng iyong leading lady.
Artist: No
Reporter2: Mr. Guevarra, marami na po ang naiintriga tungkol sa lovelife ninyo. Meron po ba kayong girlfriend ngayon?
Artist: None
Reporter3: Kahit minsan po ay di kayo nagsalita tungkol sa personal nyong buhay. Totoo po bang nakabuntis kayo?
Artist: What!? Who said that.
Manager: Last question.
Reporter4: Tungkol dun sa tsismis, mapapatotohanan nyo po ba na wala kayong kinalaman dun?
Artist: Of course. Dahil...dahil engaged na ako at ikakasal na.
Yan po mga kapamilya. Mula sa bibig mismo nanggaling. Ang tanong ngayon ng taong bayan. Sino ang maswerteng papakasalan ng hot na superstar sa panahong ito? Ang sagot dito ay mananatiling lihim.
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...
