Chapter 9

6.6K 129 6
                                    

Bwisit! Hah. Masyadong bilib sa sarili nya. Akala nya gwapo sya? Akala nya attractive sya? Akala nya perfect sya. Pssh. Madali na talagang malinlang ang mga tao sa panahon ngayon.

"Hoy Channy! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" nakapamewangna tanong ni Pipay saken

Hala. Anong sinabi nya? Paktay.  Nagsasalita pala sya ng hindi ko napapansin at namalayan. Paano na ito. Natatawang napakamot na lang ako sa ulo.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Hoy Althea Chantel Aguiflor-Guevarra! Ke-aga-aga ay sinisira mo ang araw ko. Pinapaalala ko lang sa iyo, pwede kitang sipain palabas ng apartment na ito kahit na anong oras ko pa gustuhin. Pasalamat ka pa nga dapat saken dahil hinayaan kitang patulugin dito ng isang gabi kahit na may asawa ka ng tao na BAKA naghihintay sa iyo."

Pssh. "Asawa? Tao? Tss. Hindi ko yun asawa no. At lalong hindi yun tao. Bakulaw yung lecheng fake-prince-charming na akala mo eh sobrang gwapo nya."

Binatukan ako ni Pipay sa sinabi ko. "Gaga! Gwapo nga yun. Napasama nga sa 100 gorgeous hunk eh." hirit pa nito

"Ewan. Basta wala akong pake sa kanya." maktol ko

Nakita ko namang nailing-iling na lang si Pipay sa inasta ko. "Wala ka pa ding pagbabago."

Nag-make face na lang ako sa harap nya para tapos ang usapan. Kumuha na lang ako ng tinapay at cheese spread para maging umagahan ko. Tutal, ganito din naman ang daily food routine ko kapag umaga kay lang nabago lang dahil sa mokong na yun.

"Pinagluluto mo ba ng pagkain si Ethan?" hindi ko namalayan na sumunod na pala saken si Pipay sa kusina

"Hindi. KKL kami." sabi ko

"KKL? Ano yun?"

"Kanya-kanyang luto." paliwanag ko

Nilapitan na naman nya ako at binigyan ng isa na namang batok. "Aray! Nakaka-dalawa ka na ah." reklamo ko habang hawak ang ulo ko na binatukan nya

"Eh, nakaka-strike two ka na saken kanina pa. Kailangan ko pa bang isa-isahin lahat ng dapat mong gawin para sa asawa mo." sermon nya

"Hindi ko sya totoong asawa!" paglilinaw ko

"Totoo man o hindi, asawa mo pa din sya!" sermon na naman nya "Dapat pinaghahain mo sya ng makakain sa umaga, tanghali at gabi. Imamasahe mo ang likod nya at balikat kapag pagod na pagod sya. Yung ganun? Ano ka ba naman Channy! Wala ka talagang kilig bones sa katawan."

Ha. Ako? Ipagluluto ang mokong na yun? Tss. Masyado naman ata syang sinu-swerte kung pati ipagluto ko pa ay ay gagawin ko. "Ayoko!" sabi ko sabay kagat sa tinapay ko

Babatukan na naman sana ako ni Pipay ng tumunog bigla ang phone nito at sinenyasan ako na lalabas muna sya. Siguro may bagong raket na naman ang babaeng ito. Kayod ng kayod eh.

"Sino yun?" tanong ko ng matapos na ang pakikipag-usap nito sa phone

"Yung boss ko. Kailangan ko ng pumasok. At ikaw, umuwi ka na kay my hubby dovvy loves mo." sabi nya

"Ayoko pang umuwi eh!" paano ko ba yung mokong na yun haharapin? Eh, nakita ko kagabi sa fb yung may nag-post na fan na may sugat sa labi si Ethan at ang akala ng madami ay nakipagbasag ulo ito na itinanggi naman agad ng mokong. Ang sinabi pa ay nakagat lang nya ng di sinasadya ang labi nito kaya nagsugat. Tss. Hindi na nakakapagtaka kung bakit sya naging artista. Galing! Ang galing umarte.

Umiling si Pipay at hinatak ako. "Aray naman Pipay! Dito na kasi muna ako. Hindi naman ako magkakalat eh."

"Hindi! Tigilan mo ako Chantel. Uuwi ka inyo sa ayaw o sa gusto mo. Aba. Pinagbigyan na kitang dito ka matulog pero hindi na kita papayagan na dito ka pa din magtatambay buong araw." litanya pa nito

At ang loka-loka, tinulak pa ako na akala mo ay nasa isang teleserye dahil feel na feel pa nya. Grabe bes! Ang sakit bes! "Makatulak naman ito. Kaya kong maglakad." sabi ko

"Oh. Ayan na. Hala sige. Umuwi ka na at nang makarami kayo." sabi nya sabay bagsak g pinto.

Aba. Ang bruhildang yun. At ano daw? Nakarami? Ewww. Never in my widest dream. Nunka! Kasuka-suka.

At dahil wala na akong ibang pwedeng mapuntahan, umuwi na ako kahit 6 am pa lang. Siguro natutulog pa ang mokong na yun. Hindi na lang ako mag-iingay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pati paglalakad ko ay dahan-dahan lang na akala mo ay may nagawang kasalanan at ayaw magpahuli. Yun na yun ang atmosphere ngayon dito.

"San ka nanggaling?"

"Ay tinola! Ano ba. Huwag manggulat, pwede?" singhal ko kay Ethan

"Magpaalam din kasi, pwede?" banat naman nya "Alam mo bang hindi ako makakalabas ng bahay ng dahil sa ginaw mo saken. I have a fvcking cut!"

"Ha-ha-ha. So proud of you! Sa wakas, naging lalake ka din." biro ko pa

"I am not gay!" singhal nya

"Yes, you are! Ilang galon ba ng gluta ang nilalaklak mo para maging mukha kang harina?" banat ko

"I'm not! I have a white complexion since born. Dumbhead!"

"Eh, yang sa mga pananamit mo. Kamusta naman yung pati jogging pants mo ay naka-baston pa at pati ang pantaloon mo naka-ripped jeans pa." banat ko na naman

"Hindi ba pwedeng magaling lang talaga akong magdala ng damit. Palibhasa, hindi mo kayang makipagsabayan kung ao ang uso sa panahon ngayon. Old-fashion ka kasi eh." aba! Binabanatan na din ako ng mokong. Akala nya ha.

"Ah, so uso na din pala ngayon yung ---"

"Hanggang ngayon pa din ba nag-aaway kayo?" sabay kaming npatingin sa nagsalita na kadarating lang na si Phil.

"Well, she started it. Not me." sabi ni Ethan. Tss.

"Hoy! Anong ako? Ikaw kaya. Kung hindi mo ako ginulat kanina, edi sana maganda pa ang araw ko. Panira ka kasi palagi sa araw ko eh. Kainis!" litanya ko

"Its not my fault ---"

"Hephep! Tama na muna ha. Naririndi na ako sa inyo. Pwede bang mag-day off muna kayo sa pag-aaway?" pakiusap ni Phil

Tumango ako. Madali naman aong kausap eh. Nang tingnan ko si Ethan ay awtomatikong napataas ang kilay ko at inirapan sya. Argg. Bad vibes talagan sya. Kainis talaga.

"Nga pala, nagdala ako ng pagkain. Alam kong gutom na gutom na kayo. I bought the food from different restaurants." sabi pa ni Phil

"Wow." sabi ko "Thank you!" sabay pa kaming magpasalamat ni Ethan

Sinamaan ko sya ng tingin. I mouthed 'lagot-ka-saken-mamaya-fake-prince-charming.' At ang hudyo, pinatulan pa. He mouthed 'yeah-right-whatever-mrs.-cinderella-wannabe.'

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon