Chapter 13

5.3K 103 7
                                    


Nakanganga ako. What the hell did he just said? "You should have seen your face. You look like an idiot. So hilarious!" tawa pa din ng tawa na sabi ni Ethan


Nag-init bigla ang dugo ko sa kanya. Mas malala pa ang inis ko sa kanya ngayon kesa sa mga naninira saken. "The fvck!"


"What's happening?" tanong ni Phil samen hindi naman nila narinig yung ibinulong ni Ethan saken


"Oo nga. Anong meron? Share naman dyan. Channy?" naki-sabat na din si Pipayy samen at binalingan pa ako "Ano na?"


Lalo namang napa-bunghalit ng tawa si Ethan nang makitang nag-ngingitngit na ako sa inis. Kung nakikita ko man ang hitsura ko ngayon, paniguradong hindi na maipinta. "Asshole!" sinadya ko syang bungguin at lumabas ng penthouse nya. Nakakainis! Gago sya. Bwisit.


Wala akong pakealam kung pag-usapan pa nila ako dun. Pake ko ba! At, mapipigilan ko ba sila? Leche! Kung tutuusin, dapat sila ang mag-aayos ng gulo na ito dahil isa ito sa mga pinag-usapan namen noong una pa lang. Tss. Oo nga pala, nagku-kunwari lang nga pala kame. This is just a contract and I am part of that contract. Fvck it!


Nagmadali akong pumunta sa elevator. Ayoko muna sila makita lalo na si Ethan? Bakit? May gana pa syang inisin ako lalo na't pinagtu-tulungan ako ng mga obssess na mga fans nya. Tapos, gagatungan pa nya at pinapalala pa ang nangyare. Kahit kelan ka talaga Ethan! "CHANNY!"


Alam kong si Pipay yun. Sya lang naman ang tumatawag saken nun, diba? Tumigil ako at hinintay syang makalapit saken. "Anung drama yun?" bungad nyang tanong saken


Hindi ako sumagot pero nakasimangot lang ako. Wala akong ganang mag-kwento at sabihin sa kanya ang inis ko. At saka, baka sabihan pa nya akong napakaliit na bagay ay ginagawa kong big deal. Hindi pa ako nasanay. Kalaunan ay umiling na lang ako bilang sagot.


Tiningnan nya ako ng masama at pinamewangan. "Channy, kilala kita."


I gave her a subtle smile. "Pipay wala lang ito. Medyo stress lang kasi ako." paliwanag ko


Tiningnan pa nya ako at sinisipat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Ngumiti ako ng normal kong ngiti. Pinilit ko. Sana hindi nya napansin. Ugh! Bakit ba kasi naging ganito ang reaksyon ko sa biro nya. Hindi ko alam. Bakit nga ba?


"Gusto ko muna sanang mapag-isa Pipay. May pupuntahan lang ako saglit. Magte-text na lang ako sa iyo kapag uuwi na ako." sabi ko


Nagtaka sya. "Bakit ka saken magte-text? Kay Ethan ka mag-text para malaman nya." napa-irap ako ng lihim. Tss.


"Hindi muna ako magtitigil dito sa penthouse nya. Sa apartment muna ako. Mas naii-stress ako kapag nakikita ko si Ethan." paliwanag ko.

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon