Chantel's POV
Minulat ko ang mga mata ko. Teka? Bakit parang hindi ito ang apartment namin? Di rin naman ito ang totoong bahay namin. At higit sa lahat di ako dito nakatira pero bakit ako nandito.
"Uy! Gising na pala sya" biglang sabi ng lalakeng pumasok dito sa kwarto.
Nandito kasi ako ngayon sa kwarto pero di ko kwarto. Nakakapagtaka naman kasi. Paano ba ako nakarating dito?
"Buti naman at gising ka na" sabi ng isa pang lalake habang papalapit saken.
"Nasan ba ako?" tanong ko.
"Sa impyerno" sabi naman ng isa pa "Dahil dito naninirahan ang mga gwapo" dugtong nya. Nagtawanan naman sila dahil dun.
"Tigilan nyo nga sya" sabi ng bagong kararating na lalake "Hello Ms. Aguiflor, pagpasensyahan mo itong mga ugok na ito. Ako nga pala si Philip Valenciano pero Phil na lang ang itawag mo saken. Di naman nagkakalayo ang edad natin." sabi nya
Ang tinutukoy nyang ugok ay yung mga lalake. Actually, lima talaga sila pang-anim lang sya. Yung tatlo lang kasi ang kumausap saken pero yung dalawa ay nanatiling poker face.
"Ahm, pwede ba akong magtanong?" sabi ko kay Phil
"Oo naman. Ano ba yun?"
"Anong ginagawa ko dito?" nakakapagtaka naman talaga kasi. Sa sinabi kong yun ay nagtawanan silang lahat.
"Tinakot nyo ba sya?" tanong nya dun sa limang lalake
"Naku! Di namin sya tinakot" sagot naman nung isang lalake "Hi Chantel, ako nga pala si Zanndy pero Zann na lang ang itawag mo saken"
"Maayos ang pagkakasabi naming 'sumama ka samen'" sabi naman nung isa "Rico ang pangalan ko" baling naman nya saken.
"Wala na kaming kasalanan kung bakit sya masyadong nerbyosa" sabi naman nung lalakeng nagsabi ng 'sa impyerno' line "Dexel" dugtong nya
"Hay naku! Pagpasensyahan mo na talaga sila. Yung dalawang lalake na di umiimik ay sina Jasper at Marco." sabi naman ni Phil
Nakatunganga lang ako sa kanila. Ni isa sa kanila kasi ay walang sumagot ng matino sa tanong ko.
"Oo nga pala" ok! mukhang may nakaalala "Nandito ka dahil kailangan ka naming makausap" sabi ni Phil
"Bakit naman?" tanong ko
"Kasi . . ." di nya natapos ang sasabihin nya kasi may biglang pumasok.
Uy! Gwapo. Matangkad, matipuno, at parang model ng bench. Teka? Bakit parang physical features agad ang napansin ko. Parang nagagaya na ako kay Pipay. Naiipasa na pala ngayon ang kalandian syndrome.
"Are you done checking me?" tanong nya. Takte! Nakatulala pala ako sa kanya at nakanganga pa.
"Oh, Ethan buti naman at dumating ka" sabi ni Phil. "Ikaw na nga ang magsabi sa kanya"
"Ano yun?" tanong ko
"Look at this" sabay hagis ng dyaryo saken. Letche!
"Ano ba!" reklamo ko.
Di na nya ako pinansin kaya binasa ko na lang yung binigay nyang dyaryo.
"So?" tanong ko
"Are you really dumb or just playing dumb?" tanong nya
"Are you really gay or just playing gay?" ginaya ko ang tono ng pagkakasabi nya. Ang suot nya kasi ay masyadong fit sa katawan nya kaya sinabihan ko syang gay. Tsk! Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang gwapo sya.
"WHATDA!" sigaw nya.
"This is fun" bulong ni Dexel
"Shh. Don't disturb them" bulong din ni Phil. Nagbulungan pa sila rinig ko naman.
"What?" sabi ko "Umayos ka kasi"
"Ako pa ang may kasalanan?" nagtatagalog naman pala sya eh. Tsk! Style nya.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko
"Hephep!" pigil ni Phil dahil magsasalita na sana si Ethan. "Sabihin mo na lang kaya ang pakay mo Ethan ng matapos na ang usapan"
"Fine" sabi nya "Naaalala mo ba ako?" tanong nya
"Hindi" sagot ko. Di ko naman sya naaalala talaga.
"Kilala mo ba ako?" tanong ulit nya
"Hindi" sagot ko
"BULLSH*T! WALA BANG TV SA INYO?" sigaw nya. Aba!
"BULLSH*T KA DIN!" sigaw ko din "Eh sa hindi talaga kita kilala eh. Ano bang problema mo?"
"I am Lourd Ethan Guevarra" mayabang na sabi nya "Can you recognize me now?"
"Hindi" simpleng sagot ko
"Argh! Your hopeless"
"Ano sabi mo?" tanong ko
"Opps! Tama na nga yan ako na nga lang ang magsasabi" sabi ni Zann.
"Siguro naman nakita mo na ang sarili mo sa dyaryo" panimula nya at tumango ako bilang sagot "Malaking gulo kasi ang napasok mo eh"
"Huh? Bakit?"
"Di mo ba talaga kami kilala?" tanong ni Zann
"Di nga sabi eh. Bakit ba?" galit na sabi ko. Paulit-ulit na kasi sila
"Kaming lahat dito ay nasa showbiz maliban kay Phil dahil sya ang manager namin" paliwanag nya
"Teka? Ikaw ba yung tumawag saken kanina. Yung manager ni 'i don't know" tanong ko kay Phil
Tumawa sya. "Oo, ako nga." tumangi na lang ako
"So? Paano nyo nasabing malaking problema ang napasok ko?" tanong ko
"Isa kasing sikat na superstar yung inaway mo kanina" sabi nya. Umalis kasi si Ethan nung si Zann na ang nagpaliwanag
"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko
"Oo. Sya yung nababalitang nakabuntis pero engaged na pala"
"Ano namang connect nun saken?" tanong ko
"Kasi . . ." di nya natapos kasi na-interrupt sya ni Ethan.
"Hey, cinderella-wannabe" sabi ni Ethan kaya tiningnan ko kung sino ang tinutukoy nya.
Ako ang tinutukoy nya kasi saken sya nakatingin. Ako lang naman din ang babae dito kaya malamang ako yun. Tsk! Nakita kong nasa kanya ang isang pares ng sandals ko. Ibig bang sabihin . . .
O_______O
"I-ikaw yung . . ." sabi ko
"Thanks God. You've finally get it" sabi ni Ethan
"P-paanong?"
"Sya ang hot topic ngayon sa showbiz kaya binabantayan sya kahit saan sya pumunta. Unfortunately, nung nagkabanggaan kayo ay hinahabol sya ng mga paparazzi. Di naman sinasadya na mag-kiss kayo sa kalsada" paliwanag ni Phil "Pero ang pinaka-problema ay yung statement nya bago mangyare ang kissing scene nyo" dugtong nya
"A-ano yun" kinakabahang tanong ko. Feeling ko mapapahamak ako dito.
"I said i'll kiss my fiance sa lips. Yun ang clue ko para makilala nila ang fiance ko" si Ethan na ang nagsabi
"I-ibig bang sabihin na . . .?"
"Yes" sagot agad nya "But there's one thing that can fix this mess"
"Ano?" grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"Be my wife"
********
A/N: Here's my update. Yey! Sinipag akong gumawa ngayon kaya ito ang naging resulta. Typos and errors are present in my story. So bear with it -.- Anyway, Sana magustuhan nyo ang gawa ko. Thank you ♥.♥
Vote.Comment.Be my Friend
-MoiMoiUnnie/A.Ghie
*05-14-14*
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...