Chantel's POV
Sobrang kahihiyan ang inabot ko kahapon. Kapag talaga nakita ko ang lalakeng yun humanda sya. At ang masaklap pa di ko man lang sya makikilala o mamumukhaan kasi naka-shades sya tapos naka-sumbrero. Ano ba naman yan.
"Channy, ok na ba ang mga paa mo?" tanong ni Pipay saken. Nandito ako ngayon sa kwarto.
"Medyo gumagaling na pero medyo masakit pa rin hanggang ngayon" sagot ko sa kanya.
"Ikaw naman kasi bakit ka nagpe-penitensya. Eh, matagal pa ang mahal na araw" pailing-iling na sabi nya
"Wala ako magawa eh." sagot ko sa kanya. Di ko sinabi kay Pipay kasi siguradong gulo ang mangyayare.
"Ewan ko sayo. Ang lakas ng trip mo" sabi nya sabay labas ng kwarto.
Nandito lang ako sa bahay. Ayoko ngang lumabas. Baka mamaya makasalubong ko pa yung mr-na-walang-konsensya. Wala ngang natira sa sandals ko kahapon. Yung isa na kay kuyang mabait tapos yung isa na kay mr-na-walang-konsensya. Tsk! Buti na lang at di ako inaway ni Pipay dahil ang sinabi ko ay dinonate ko. Haha! Naniwala naman sya.
"CHANNY!? BUMABA KA BILIS!?" sigaw ni Pipay
"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya habang ako'y nasa may pinto ng kwarto.
"Bumaba ka na bilis." sabi nya "Bilisan mo kaya" dugtong nya. Nakita nya kasi akong naglalakad ng mabagal.
"Aba! Masakit po ang paa ko kung nakakalimutan mo" paalala ko sa kanya.
Inirapan nya lang ako dahil sa sinabi ko. Tsk! Pinilit kong bilisan ang paglakad pero di ko talaga kaya.
"Oh, ano na?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya
"Tapos na" dismayado nyang sabi
"Ano ba talaga yun?" tanong ko ulit
"Kasi may breaking news ulit tungkol kay Ethan" sabi nga
"Anong breaking news? Ang sabihin mo tsismis yun" sabi ko. Sa totoo lang, di talaga ako masyadong pamilyar tungkol sa mga artista.
"Tsk! Ang sabihin mo di mo lang na-appreciate ang mga gwapo" ganting sagot nya.
"Aba! Ano namang pakialam ko dyan sa sinasabi mong gwapo? Aber!" tanong ko
"Nakakatulong silang mapaganda ang ating polluted nature" sabi nya
"Paano?"
"I-display lang nila ang kanilang hot and gorgeous body" malanding sabi nya.
PAK
"Aray!" reklamo nya
"Kalandian hormones mo na naman ang pinapairal mo" sabi ko matapos ko syang masapak
"Di naman masyado eh" sabi nya.
Maghapon lang akong nasa bahay. Buti na nga lang at nakatulong ang pagtitigil ko dito sa bahay dahil medyo nakakalakad na ako ng mabilis.
KRING KRING KRING
Where's my phone? Ako lang kasi ang tao dito. Umalis si Pipay pupunta daw sya sa mall.
KRING KRING KRING
Ayun! Nakita ko rin nasa may sofa lang pala.
(Hello?) unregistered number kasi
"Hello" boses ng isang lalake
(Sorry, wrong number) sabi ko
"No. Kailangan talaga kitang makausap"
(Bakit?)
"Ako ang manager ni Eth---"
TOOT TOOT TOOT
Okay, deadbat ako. Sino kaya yun? Di naman siguro importante yun. Di ko naman sya kilala kaya ok lang.
"CHANNY! IPALIWANAG MO ITO!?" sigaw ni Pipay saken. Galit na galit sya base na rin sa pagsigaw nya. Inilapag din nya ang mga dala nyang dyaryo.
"Ano ba yun" sabi ko habang kinukuha ko ang isang dyaryo sa lamesa.
"Alam mo bang nasa front page ka na ng lahat ng mga dyaryo" gigil na sabi nya.
Paano na ito? Di ko naman alam na ilalagay nila sa dyaryo yung nangyare kahapon. Most embarassing moment ko nasa dyaryo. Bwisit.
"Kahit na naka-side view ka alam kong ikaw yun" galit pa rin ang boses nya. Ang ayaw nya kasi ay yung may malalaman sya pero sa iba pa nya nalaman.
"Sorry, wala naman akong alam kung bakit ako nasa front page" sabi ko
Ipinaliwanag ko sa kanya lahat pati na rin ang sandals nya. Kasama na din ang pagtulong saken ni kuyang mabait at ang kamalasang dala ni mr-na-walang-konsensya.
"Gwapo ba?"
PAK
Grabe! Akala ko magagalit sya pero kabaliktaran ang nangyare. Tsk!
"Ano ba naman yan. Ako na nga ang nakawawa dito tapos yan pa ang iniisip mo"
"Kung gwapo pasalamat ka kung hindi dun ka magalit" sabi nya. Ang bipolar naman ng kaibigan ko. Tsk!
"Ewan ko sayo!" galit na sabi ko. Ako naman ngayon ang galit.
Lumabas na muna ako ng bahay. Pupunta ako sa park para makapagpa-hangin. May mini park kasi malapit dito.
Nakarating naman ako ng matiwasay. Naka-V neck shirt at shorts na half legs ang suot ko. Di na kasi ako nakapagpalit kanina. Sa isang malaking puno ko napag-desisyunang magtigil. Mahangin kasi sa part na yun.
Feel the air. Nakapikit pa ako habang nilalasap ko ang sariwang hangin. Dinilat ko na ang mata ko ng may narinig akong yabag ng tao palapit saken.
O__________O
Patay na ba ako? Bakit may limang lalakeng nakapalibot saken. At naka-all white ang outfit nila. Mula suit hanggang sapatos.
"Sumama ka samen" yun lang ang huling salita na narinig ko and everything went black.
**********
A/N: Hello there. Hehe! Wala naman kasi aking masyadong sasabihin pero thank you pa rin. Thank you sa mga nagbabasa. God Bless ♥♥♥
Vote.Comment.Be my friend
-MoiMoiUnnie/A.Ghie
*05-12-14*
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...