Chap. 28
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may sumusundot sa tagiliran ko. Bubulyawan na sana nya ang mapangahas na nanggising sa kanya na sa kaisipan nya ay si Pipay pero natigilan sya ng makitang mga bata ang nakapalibot sa kanya habang sya ay nakahiga sa kama. Teka? Bakit ang daming mga bata sa apartment nila. Baka magalit si Ching.
"Hi ate. Good morning po." nakangiting bati ni...Angel? "Namiss ko po kayo." magiliw nitong sabi
"Angel?" ang batang ito ay nakilala nya sa Saint Jude Orphanage pero bakit nandito sya sa...? "Nasaan ako?"
"Nasa Saint Jude Orphanage po ate." sabi ng kasama ni Angel na si Mary. "Kain na po tayo ate. Nagugutom na po kami e. Hinintay po namin kayong magising para sabay sabay tayong kumain."
Deja vú.
Agad namang sya bumalikwas. "Sige sige. Maghihilamos lang ako at magbibihis. Wait lang ha."
Nag-thumbs up naman ang mga bata at hinintay sya kaya binilisan nya ang kilos nya. Hinawakan sya sa kamay ni Angel at iginaya sa kusina. Nakasunod naman sila sa ibang mga bata at doon nya nadatnan ang dalawa nyang kaibigan kasama na ang ibang mga madre.
"Sister Nancy." banggit nya sa pangalan ng butihing madre ng yakapin sya nito.
Humiwalay ito sa kanya. "Masaya ako at nakadalaw ka ulit."
"Welcome back hija." nakangiting sabi ni Sister Malou.
"Kain na muna tayo. Mamaya na lang tayo mag-kwentuhan." natatawang sabi ni Sister Lisa.
Tatawa tawa na din sila dahil nakatingala na sa kanila ang ibang mga bata dahil hinihintay na sila nito na simulan ang dasal para makakain na.
"Let's bow our head and feel the presence of our Lord." tumungo lahat sa sinabi ni Sister Nancy. "Panginoon na nasa itaas. Nagpapasalamat po kami sa nakahain na pagkain sa aming lamesa. Maraming salamat din po sa biyayang natatanggap namin. Hindi po sapat ang salitang salamat sa lahat ng naibigay Ninyo sa amin. Sa Inyong gabay ay lumalakas kami. Sa Inyong palaging patnubay. Sa walang sawang pagbabantay. Maraming salamat po Ama. Sa ngalan ng matamis na pangalan ng Inyong Ama na si Jesus na aming Panginoon. Amen."
"Amen!"
Kanya kanya ng nagsikainan. Mukhang nagutom nga ang mga bata. Pasimple nyang sinusulyapan ang dalawa nyang kaibigan na katabi sina Sister Malou at Sister Ingrid habang katabi naman nya ay sina Sister Nancy at Sister Lisa. Nakapagtataka kasi. Paano nalaman nina Mallow at Pipay ang lugar na ito? Nakapunta na ba ang mga ito noon dito? Alam na nila ang lugar na ito?
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...