Chapter 29

5.2K 81 6
                                    

Chap. 29


Dinekwat nya ang photo album ni Ethan sa silid nito at agad ipinakita sa dalawa nyang kaibigan. Katulad ng reaksyon nya, napanganga din ang dalawa. Hindi din makapaniwala. Ayaw nyang mag-assume pero bakit may ganito si Ethan? Matagal na ang mga litrato na ito. Matagal na din ang mga pangyayare sa litrato na iyon.


"Hindi ko talaga maintindihan. Gulong gulo na ako." pagak nyang sabi.


Tinabihan sya ni Mallow. "Sa tingin ko ay dapat na talaga kayong magkita na dalawa para malinawan ka na din. Sa lahat lahat. Alam kong madaming tanong na umiikot dyan sa utak mo. Pasensya na. Wala kang makukuhang sagot mula samen. Tanging si Ethan lang ang makakasagot ng mga katanungan mo."


"Paano ko sasabihin sa kanya? Wala akong lakas ng loob para sabihin ito." tinutukoy nya ang laman ng photo album. "Alam nyo naman na ang tanging dahilan kung bakit sya makikipag-usap sa aken ay dahil lang sa kaso na isinampa nya saken. Meron na din syang babaeng napupusuan. At hindi ako 'yon!"


"Channy. Huwag mo kasing pangunahan ang lahat ng bagay. Puro takot naman kasi ang pinapairal mo e. Chill ka lang. Relax relax ka naman minsan." sabi naman ni Pipay habang patuloy sa pagtingin sa photo album. "Ito yung nilibing si tita, diba?" tinuro nito ang isang litrato na naka-itim sya at nakayuko habang umiiyak.


Tumango sya. "Oo. Nagpaiwan ako noon sa sementeryo para makasama ko pa kahit konte ang mommy ko. Iyak lang akong iyak noon habang sumasabay naman sa pagda-drama ko ang panahon. Saktong may lumapit saken na isang matandang lalake. Binigyan nya ako ng payong at mabilis na umalis. Hindi pa nga ako nakapagpasalamat e."


Tumango tango naman ito. "E ito? Kelan ito?" turo naman ni Mallow sa isang litrato na nasa airport sya.


"Yan yung mga oras na balak kong sumunod sa papa at kapatid ko sa australia. Naka-book na ako ng flight pero hindi ko talaga magawang umalis. Parang may humihila saken kaya ayun, nakatanga lang ako dyan habang pinapanood ang eroplano na sasakyan ko sana." kwento nya dito. "Nang mahimasmasan na ako, may lumapit na isang matandang babae saken. Binigyan nya ako ng panyo at mineral water. Babayaran ko na nga sana sya kaya lang bigla syang tumakbo. Hindi ko na naabutan dahil ang bigat ng dala kong maleta."


Kapagkuwa'y binigay sa kanya ni Pipay ang photo album. May ilang litrato pa din kasi syang hindi nakikita dahil sa pagmamadali nyang ipakita ito sa dalawa. Busy sya sa pagtitingin ng magpaalam ang dalawa. Tumango lang sya. Hindi naman pupunta kung saan ang dalawa kaya hinayaan na lamang nya hanggang sa makarating na sya sa pinaka-huling pahina ng photo album. Doon dumagondong ang puso nya na wari mo ay nagre-regodon sa sobrang kaba. Napatingin sya sa paligid pero hindi pa din bumabalik sina Pipay at Mallow.


Kinuha nya ang litrato na iyon. Kuha 'yon noong kasal ng kapatid nya. Isa syang abay. Nakangiti sya habang nakatingin sa kapatid nya. Kinuha din nya ang isa pang litrato na kuha sa australia. Nasa isang mall sya habang namimili ng damit panglamig. Naka-side view sya habang nakangiti. Kinuha nya ang pinakahuling litrato. Ito ay noong hinatid sya ng papa at kapatid nya sa airport pauwi ng pilipinas. Umiiyak sya na nakayakap sa ama at kapatid. Ibinaba nya ang tatlong litrato at pinagmasdan hanggang sa mapansin nyang may tinta ng ballpen ang kamay niya. Naguguluhan man pero itinaob nya ang litrato at bumungad sa kanya ang salitang 'I LOVE YOU.' Bigla syang nanghina. Potek! Gino-good time ba sya ni Pipay. Hindi sya natutuwa!

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon