Epilogue
Ilang linggo matapos ang aminan ay nagpakasal na ang dalawa. Madami ang nagulat ng sinabi nilang nagpa panggap lang sila noong una pero mas madami ang natuwa dahil sila pa din sa huli. Gano'n naman talaga kapag nagta-trabaho ang isang kupido. Kapag para sa iyo, para sa iyo. Kahit anong klase ng pagkakataon, walang magbabago. Mahalin mo ang taong mahal mo. Yun lang yun.
"To my not so friendly and showy ex-contract husband, thank you for not giving up on me. Salamat sa pagtya-tyaga sa mga tantrums ko. Hindi ko inakala na isang superstar ang nahumaling sa alindog ko. I'm so happy that you came into my life. I will always love you. Over and over again."
"To my gorgeous and witty ex-contract wife, I will always love you until the end of our story. Kahit pa may part two, ikaw pa din ang pipiliin ko. Patay na patay kaya ako sa iyo. I am smitten by your beauty. You are spectacular, baby. I love you so much. Always. Again and again."
Napapangiti pa din sya habang inaalala ang vow nila para sa isa't isa. Hindi nya talaga lubos akalain na ang dating samahan nila na tanging kontrata lang ang nagbubuklod ay ito pa pala ang naging dahil para mas mahulog ang loob namin sa isa't isa. Masaya syang nakilala nya si Ethan, ang kanyang asawa!
Sa kasalukuyan ay nasa Greece sila para sa kanilang honeymoon. Ito ang regalo sa kanila ng management ni Ethan. Tuwang tuwa nga sya. Ang Santorini ang pangarap nyang mapuntahan. Noon pa man kaya sobrang galak nya ng malamang doon gaganapin ang honeymoon nila.
Tatlong araw lang ang ititigil nila doon. Ok lang naman sa kanya. Kaya sa loob ng tatlong araw ay puro pamamasyal at pamimili ang inatupag nya kaya kapag gabi ay agad syang nakakatulog. Palagi ngang bad mood si Ethan simula first day nila dito. Dapat sa China na lang daw kami nag-honeymoon. Hindi naman daw kasi honeymoon ang ipinunta ko dito kundi ang Santorini mismo.
"Sorry na kasi. Sobra lang kasi akong napagod kaka-ikot e. Kaya mabilis akong nakakatulog." naka-angkla ang braso nya dito habang naglalakad na sila pauwi. "Sorry na." pero hindi pa din ito nagsasalita. Uuwi na sila bukas.
Nag-order lang sila ng pagkain sa nadaanan nilang restaurant pauwi. Tahimik lang silang kumakain. Hindi pa din sya kinakausap ni Ethan. Matapos silang kumain ay agad itong nagtungo sa silid nila. Napasimangot sya. Galit na nga ata. Nilinis muna nya ang pinagkainan nya bago sumunod sa galit nyang asawa. Nadatnan nya itong nagpapatuyo ng buhok. Nakatapis lang ito.
"Sorry na."
"Matulog na tayo. Maaga pa ang flight natin bukas." walang gana nitong sabi
Naman kasi! Paano sya makakatulog kung ganito. Nilapitan nya ito. Tumingala sya. Mas matangkad kasi ito kesa sa kanya. "Sorry na kasi sa kung ano man ang kasalanan ko. Sorry na." niyakap nya ito sa bewang.
"Matulog ka na." tinalikuran na sya nito.
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomantikContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...