Chapter 22

4.6K 101 2
                                    


Nagising ako dahil sa malakas halakhakan. Ano ba naman yan! Natutulog yung tao e.


"Ano ba naman?!" reklamo ko. Then they stopped laughing when they saw me.


What?


"Idol!" agad na lumapit si Zann sa kanya "Good morning." lalo akong napasimangot


Lumapit ako sa kanila. Present silang lahat. Wow. "Anong meron?"


Ngumisi si Rico. "Looks like she doesn't know about it. Wala ka bang napapansin?"


I looked around. Ano bang meron? Penthouse pa din naman ito ni Ethan. Walang pinagbago. Teka? Anong oras kaya nakauwi si Ethan kagabi? Hindi ko napansin.


"Fvck off!" iritableng sabi ni Ethan


Lalo naman silang nagtawanan. "Ano ngang meron?"


Nang tangkang lalapitan ako ni Rico ay mabilis na naibato ni Ethan ang isang magazine sa kanya. "Gago ka! Subukan mo. I'll throw all your cd's and magazine!"


"Okay." mapang-asar pa nitong sabi.


Hinili ako ni Zann habang nakahawak naman sina Marco at Phil kay Ethan para pigilan. Nang makarating na kami sa labas ng penthouse ay humarap saken si Zann. "Hi idol. May gusto sana akong sabihin sa iyo na ayaw namang ipasabi ni Ethan. Torpe ang mokong." nangi-ngiti ngiting sabi nya. Hininaan pa nito ang boses sa huling sinabi pero narinig ko naman.


I frown. Nakakapagtaka. "Ano ba yun?"


Lumapit ito lalo saken para bumulong. "Ayaw ni Ethan ipasabi sa iyo na ..."


"Na?"


"Sobrang gwapo ko."


Mabilis pa sa alas-kwatro na binatukan ko sya. Tss. Walang kwenta! Nambulabog lang sila. Akala ko naman sobrang importante. "Wala akong pakealam kung gwapo ka o hindi. Umalis ka sa dadaanan ko kundi tatamaan ka saken."


Agad naman siyang lumayo saken. "Ok po!"


Inirapan ko muna sya bago ko sya lampasan. Nakita kong maghihilahan pa din sila. "Oh? Hindi pa kayo tapos?"


"What did Zann tell you?" tanong ni Rico


"Puro kalokohan lang. Bakit? Ano bang meron?"

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon