Chapter 27

3.9K 72 0
                                    

Chap. 27


Sinundo sya sa airport ng mga kaibigan nya. Dapat ay isang linggo lang sya dito para ayusin ang demanda sa kanya ng lalakeng ubod ng yabang. Tss. Oo, mahal nya ang mayabang na 'yon kaya lalo syang nagngingitngit. Nawala na nga sya ng ilang buwan pero hindi man lang sya nito sinundan o hinabol man lang. Wala talagang ka-romance romance sa katawan ang lalakeng yun.


"Kamusta ang byahe?" tanong ni Pipay habang si Mallow ang nagda-drive. Mahal pa nila ang mga buhay nila kaya inilalayo nila si Pipay sa manibela. Kaskasera kasi itong magmaneho. Talagang masusuka ka pagbaba.


Nag-thumbs up sya. "Ayos naman."


"Kamusta ang australia?" tanong naman ni Mallow.


Nag-thumbs up ulit sya. "Ayos naman."


Nagpapalatak si Pipay sa mga naging sagot nya. "Channy! Ganyan ka na naman. Noong last time na nandito ka, ganyan din ang sagot mo."


Hindi nya napigilan ang sarili sa pagbuntong hininga. "You can tell us Chantel. Kaibigan mo naman kami. Bakit mo pa kami ginawang kaibigan kung hindi mo din naman pala kami kayang pagkatiwalaan. Alam mo bang mas nakagagaan ng loob kapag inilalabas mo ang mga problema mo."


Tiningnan nya si Mallow na seryoso lang sa pagda-drive. May point kasi ito. Simula ng umalis sya ay limitado lang ang sinasabi nya dito. Hindi pa nga nya inaamin sa mga ito na napamahal na sa kanya ang gag* nyang kontrantang asawa.


"Oo nga naman Channy." segunda ni Pipay. "Buong buhay ko ay sinasabi ko sa inyo lahat. Mga pangarap ko kasama na ang financial status ko. Alam nyo 'yon. Ayaw ko kasing nagsi-sinungaling at ayaw ko din na nagsi-sinungaling kayo." napatingin naman sya dito.


Napapikit sya ng mariin. Fine. Sige na. Sasabihin na nya ang lahat. Parang sasabog na din naman ang puso nya e. Wala syang mapagsabihan ng problema nya. Tanging ang aso lang nila na si Douglas na nasa australia ang nakakarinig sa ngawa nya. Ito ang kinakausap nya imbes na ang mga kaibigan nya.


"Masama bang magmahal?" sabi nya na ikinabigla ng dalawa. "Alam nyo, mahal ko na si Ethan e. Kaya nga ako lumayo kasi nasaktan ako. At saka, hindi lang naman tungkol sa halik ng malanding Bethany na yun ikinagalit ko. Una, may kinahuhumalingan na itong iba kung kelan napagtanto ko na mahal ko na sya. Pangalawa, naka-ready na ang annulment papers nya e may anim na buwan pang natitira para matapos ang kontrata. Pangatlo, yun na nga. Yung halik na baliw na Bethany na yun. Alam nyo bang gustong gusto kong ingudngod ang nguso ng babaeng yun. Mabuti na lang at sa mental ang bagsak nya. Mas bagay sya 'don." dire diretso nyang sabi. Paunti unti ay nakakaramdam na sya ng ginhawa. Tama nga sila. Kapag nailalabas ang problema ay parang nababawasan na din ito.


"Gusto mo bang magkabalikan kayo?" doon sya napatigil sa tanong ni Mallow. "You just said that you love Ethan. Kitang kita naman sa mga mata mo. Sapat na yun para maniwala kami." tumango tango naman bilang pagsang ayon ni Pipay. "Ano ng gagawin mo?"

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon