This is embarassing!“Kailangan ko ba talagang suotin ito?” tanong ko sarili ko habang sinisipat sa harap ng salamin ang isang mini royal blue haltered dress.
Ilang sandali pa lang akong nasa banyo ay may ilang pagkatok na akong narinig. “Ma’am Chantel! Naisukat nyo na po ba?” sabi ng isang babae na hindi ko maalala ang pangalan. Tanda ko ang boses at mukha nila pero hirap ako sa pangalan.
Nailing na lang ako. Hay! Wala na naman akong choice. “Yeah. Give me a minute.” sigaw ko pabalik
“Ok po!”
Fitted na fitted saken ang suot ko. Hindi ko nga akalain na kasyang-kasya saken. Yung parang pinasadyang damit na para lang saken. The dress is nice. Kaya lang hindi ako sanay na magsuot ng ganito. Nakakailang.
Knock Knock Knock
Oh dear!
“Ma’am Chantel?”
I looked at the mirror for the nth time then shouted. “I’m done!”
Nang mabuksan ko na ang pinto ay nagulat akong nakapalibot sila. They looked at me like I am the most beautiful person they’ve saw. Nakangiti sila habang tumatango at sinasabing ‘Ang swerte ni Sir. Ethan.’
“How do I look?” tanong ko dahil tinitingnan lang nila ako.
Nagkatinginan sila saka sabay-sabay na sumigaw “Fabulous/Gorgeous!”
Nailing na lang ako “Kayo talaga.”
Kanina pa ako nakatingin sa kawalan ngayon. I am in the private room of Ethan. Ang nandito lang ay si Philip. Wala ang ibang kaibigan ni Ethan dahil nasa gig ang mga ito. Though, I had arrive here earlier than the presscon time, I didn’t had the chance to see Ethan. Well, gusto ko lang makita kung anong itsura nya kapag nasa trabaho o kung ano. I’m curious to be exact.
“Are you bored?” tanong ni Philip saken sabay bigay ng isang sandwich
Hindi na ako tumanggi at kinuha ko yun. Hindi pa din kasi ako kumakain simula noong tanghali kaya nagra-rally na ang large at small intestine ko. “Sobra!” reklamo ko “Salamat” sabi ko ng kunin ko ang sandwich.
Tumingin sya sa wristwatch nya “Ethan should be here by now.”
Tiningnan ko sya habang kumakain “Nasaan ba yun?”
He shrugged “I don’t know. Sabi nya ay may kukunin lang sya.”
As if I care!
Almost one hour na akong naghihintay pero hindi pa din dumadating si Ethan. Ten minutes na din kaming late sa presscon nya (namin). Saan kaya nagsusuot yun? Pinapunta nya ako dito tapos sya naman pala ang hindi pupunta. Tss. Nagsayang lang ng foundation at lipstick yung mga pinadala nya sa bahay kung hindi sya sisipot. Naku!
“Thank God! Saan ka galing” napatingin ako kay Philip ng magsalita sya. Nasa backstage na kasi kami at sya na lang ang hinihintay “You’re ten minutes late.”
Hindi pinansin ni Ethan ang sinabi ni Philip. Dahil medyo malayo ako sa kanila ay hindi nya agad ako nakita. He stopped looking around when he saw me. Nakatigil lang sya. I don’t know but I’m feeling anxious and uncomfortable.
“Let’s go.” rinig kong sabi nya kalaunan
Tss. Di man lang napansin yung suot ko o kahit yung makeup ko.
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...