We are now in Alban Restaurant. Gustong mag-celebrate ni Phil at isinama kami. Nakatanggap kasi ito ng tawag mula sa mommy nito. His sister is pregnant. She's been married for seven years and didn't had the chance to bare a baby. And now, she's pregnant. Kaya tuwang-tuwa si Phil sa blessings na natanggap ng kapatid nito. Hindi na daw sya mamo-mroblema kapag nagkataon na uuwi ito sa kanila.
"Dinner's on me!" naka-ngiting sabi ni Phil.
Sumubo muna ng isang pork steak si Zann bago sumagot. "Dapat lang. Ikaw ang nag-aya kaya ikaw dapat ang taya." sumubo ulit ito. "Pwede mag-take out?"
"Ayan tayo eh." naiiling-iling pa si Phil "Sige na. Mag-out ka kung gusto mo. Para kang namu-mulubi. Meron ka namang trabaho." pagtataka pa nito
"Kasi nga nag-iipon ako para sa future na bahay ko." rason naman ni Zann
Sumingit sa usapan si Rico "Ako din! Gusto kong mag-take out."
"Hoy, count me in. Minsan lang man-libre yan si Phil kaya lubos-lubusin na natin." tatawa-tawang sabi ni Dexel. Ilang araw ko ding hindi nakita ang lalakeng ito. Umuwi pala ito sa probinsya nila dahil sa reunion ng pamilya.
"Oo na!" wala ng nagawa pa si Phil at pinagbigyan ang mga kaibigan "Ikaw ba Ethan? Mag-te-take out ka din ba?"
Yep. Kasama namin si Ethan. Syempre naman. Barkada sila eh. Ako lang ang sampid dito. Ayoko namang masabihan ng kill joy kung hindi ako sumama. Sabi nga nila, bawal humindi sa blessings. Libre is a blessings.
Tiningnan ko saglit si Ethan. Poker face na ito. Emo na naman. Hindi sumagot si Ethan kaya ako ang binalingan ni Phil. "Mag-te-take out ba kayo?"
Libre is a blessings. Don't say no.
Tiningnan ko si Phil. "Oo. Kung ok lang sa iyo."
"Don't worry. Ok lang." tinawag ni Phil ang isang waiter at sinabihan ito tungkol sa take out. Sina Jasper at Marco naman ay hindi na nag-take out.
Nagku-kulitan na sila kalaunan habang ako ay kumakain. Naiinis ako kay Pipay. Sinabihan na sya ni Phil na pumunta pero hindi ito nakarating. Panira kasi ang boss nito. Ang daming pinapagawa. Parang feeling ko tuloy, ayaw nitong paalisin si Pipay. Pasalamat sya dahil malaki syang magpa-sweldo kaya nagtya-tyaga si Pipay doon.
Habang kumakain ay ramdam ko ang masamang tingin ni Ethan. Fine. Kasalanan ko na pero may kasalanan din sya. I am guilty! Ok.
"You wanna know why? Because I don't share what's mine." natameme ako. Anong sasabihin ko?
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...