Chapter 20

4.6K 71 2
                                    

Nandito kami ngayon sa Alban Restaurant kasama si Mallow. Three days na mula noong dumating sya. At three days na din simula noong nag-request si Ethan saken.


Shet. Naalala ko na naman.


Tinulak ako ng mahina sa balikat ni Mallow. "Any problem?"


Umiling ako. "Wala. May naalala lang."


"Ano yun? Ano yun? Mapaglihim ka na ding babae ka. Huwag kang ganyan. Ano yun ha? Sabihin mo." gigil na agad na sabi ni Pipay. Kaya ayaw kong mag-open ng ganitong conversation eh.


Umiling ulit ako. "Wala nga eh."


Pipay gave me a death glare. "Isa pang beses na sabihin mong 'wala lang yan' matataman ka na saken. Kakalbuhin kita."


Tiningnan ko si Mallow. Humingi ako ng tulong pero nagkibit-balikat lang sya. Wow. Nice help, Mallow. Note the sarcasm.


"Ano? Sasabihin mo o tataman ka talaga saken?" pagbabanta na naman ni Pipay


I let out a sigh as a defeat. Fine. "Ethan and I slept together."


Napairap naman si Pipay. "Malamang. Sa iisang bahay lang naman kayo. Hello?"


Umiling na naman ako. Paano ko ba sasabihin ito? Ahm. Nakakahiya talaga. "Ano kasi. Ahm.---"


"Same bed?" bigla namang banat ni Mallow. Isa nga palang dakilang observant si Mallow. Madalas nahuhulaan nya na lang kung may problema ako kaya hindi malayong maintindihan nya ang magulo kong sinasabi. Isa lang itong slow si Pipay. Hindi agad na-gets.


Nahihiya man pero tumango ako. Lupa, kainin mo na ako pero ngayon lang. Madami pa akong gustong mangyare sa buhay ko. "Teka. Anong bed ba yun..." natigilan si Pipay. Nang makabawi na ay bigla itong umirit kaya nagtinginan ang ilang customer samen. "Sorry." baling nya sa mga tumingin.


She leaned forward and whispered. "I'm so happy! Sa wakas. Ok ba sya? Ok ba sya? Anong nangyare? Kamusta?"


Napalayo agad ako at tinalakan sya. Grabe talaga itong si Pipay. Agad? "Loka ka! Walang nangyare. Natulog lang kami. Alam mo naman na injured sya, diba?"


Napaayos naman ng upo si Pipay at inirapan ako. "Huwag ka ngang masyadong inosente dyan. Channy, paa ang injured sa kanya hindi ang kanyang ---"


Sinubuan ko sya ng tinapay para tumahimik sya. "Bastos ka talaga Pipay. Tumahimik ka na nga lang dyan. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi mo."

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon