Chapter 26

4.1K 70 0
                                        

Chap. 26


Its been six months since she left the country. Kinasal na ang kapatid nya. At napag-alaman nila kamakailan na buntis na ang asawa nito na si Gina. She's happy for her brother.


Nakagawian na din nyang tuwing sabado sya makikipag-skype sa mga kaibigan nya. Bago pa sya maka-alis ay pina-pangako sya ng dalawa na dapat syang tumawag sa mga ito kahit isang beses sa isang linggo. They're worried. She knows that. Hindi naman maiaalis sa mga ito yun.


"Hi Pipay." naka-conference call sila ni Pipay at Mallow. "Hi Mallow."


"Hi." bati nilang dalawa.


Nasa subic si Pipay dahil may meeting ang boss nito. "Hi Channy. Bumili ako ng souvenir dito sa subic. Medyo madami na din ang naiipon kong souvenir para sa iyo. Kelan ka ba uuwi?"


"Pag-iisipan ko pa." sinasanay pa din nya kasi ang kanyang sarili sa australia.


"Paano yung birthday ko? Minsan na nga lang ako maghanda tapos hindi ka pa dadalo. Nakakapagtampo." nakalabi nitong sabi


"Pag-iisipan ko pa talaga kung uuwi ako o hindi." hindi sa ayaw nyang umuwi pero dahil may gusto syang iwasan. Nabalitaan kasi nya ng matapos syang umalis ng bansa ay may babae daw itong mahal noon pa. Sobrang naging malaking issue yun lalo na ng malaman ng lahat na umalis ako.


Walang sinabi si Ethan na kahit ano sa mga interviews nya kung ano ang status ng relasyon nila. Hot topic iyon. Maraming nag-message sa kanya sa lahat ng social media accounts nya. Kaya ang kinalabasan, gumawa sya ng panibago at hindi nya ginamit ang pangalan nya.


"Nakakapagtampo ka na talaga!"


Natatawa sya sa asal ni Pipay. Yeah, naiintindihan naman nya kung bakit pero susubukan talaga nya. "Susubukan ko talaga. Promise."


Sila lang dalawa ni Pipay anv nag-uusap kahit na naka-conference call silang tatlo ni Mallow. She's not talking. Nakikinig lang ito sa kanila. "Mallow?"


No response. Kaya tumahimik din si Pipay. "Mallow?"


Wala pa din. Ano kaya ang problema nya. "MALLOW!?"


"What?" angil nya. "Ano ba? Bakit ba sumisigaw?"


"Nasa space ka ba? Ha?" sabi ni Pipay "Ilang linggo ka pa lang dyan sa Canada ay lumulutang na agad yang utak mo. Ano bang nangyare?"


Bumuntong hininga ito. "I don't know how to say this."


Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon