Nandito kami ngayon sa isang resort sa batangas. I never thought of this coming. Dahil ngayon na gaganapin ang kasal namin ni Ethan. Yes, ngayong araw na ang kasalan. Tsk! Sabi ni Phil next week pero inabot lang ng dalawang araw matapos kong ipakilala si Pipay ay tinawagan na nila agad ako. Madami na kasing iba't-ibang version sa issue tungkol kay Ethan kaya kailangan na daw namin agad makasal. At nadagdag pa sa issue ang nangyare doon sa restaurant.
"You may now kiss your bride" sabi nung nagkasal samen.
Isang judge ang nagkasal samen. Dahil sa wala na ngang oras para sa preparation napag-desisyunan naming sa huwes na lang kami magpakasal. At dahil sa maraming connection si Phil at kilala din nya ang nagkasal samen ay humingi sya ng pabor na kung pwede ay sa resort na lang. Okay na din kahit papaano. Hindi na ako lugi.
Tiningnan ko muna si Ethan. Nakasuot sya ng white na damit tapos yung first three buttons nya ay nakabukas. Okay fine! I'll admit that this guy is hot, sizzling hot! Wag na lang pansinin ang ugali at baka ma-turn off ka pa.
"Sasapakin kita, umayos ka" sabi ko nang humarap sya saken dahil sinabi na nung judge na 'you may now kiss your bride.' Maganda na yung malinaw. Crystal clear.
Nilapit nya ang mukha nya saken "Kapal mo naman. Hindi kita hahalikan." tapos nginitian nya ako ng nakakaloko
"M-maganda na yung malinaw. Ako pa din ang masusunod. Remember nasa public place tayo" napahiya ako dun pero mabuti na lang at nakabawi ako.
"Ano ba yan? Mag-kiss na nga lang kayo. Bilis" atat na sabi ni Pipay. And yes, kasama sya. Ngumiti ng pilit si Ethan bago ilapit ang mukha nya saken.
TSUP
O______O
Yun na yun? As in? Sa noo lang. Ano ako lola? Teka? Bakit ako nagrereklamo? Dapat magpasalamat pa nga ako. Ano bang nangyayare saken? Hay Chantel! Malala ka na.
"Yun na yun?" takang tanong ni Pipay.
Kumain lang kami sa malapit na restaurant kasama ang ilang mga bisita. Kami-kami lang naman nandun sina Phil, Zann, Rico, Dexel, Jasper, Marco, Pipay at syempre yung judge na nagkasal samen. May ilan ding writer na nandun para maisulat nila ang nangyare. Kilala naman nila ang mga writer na nandun.
"Dude, nakatali ka na" sabi ni Rico kay Ethan. Nag-aasaran sila ngayon at si Ethan ay pinupuntirya nila
"Shut up!" inis na sabi ni Ethan.
"Chill" pang-aasar ni Rico
"Dreams do come true brad" makahulugang sabi ni Zann "Aray!" reklamo nya
Tiningnan ko si Ethan na masama na ang tingin kay Zann "Shut up or I'll punch you?" galit na sabi nito
"Okay. Okay. Hindi na" pagsuko ni Zann
"So, Chantel sa penthouse ka na ni Ethan titira. Inayos mo na ba ang mga gamit mo?" singit na sabi ni Phil
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...