One week. Yes, you read it right. One week na akong nagtya-tyaga sa lalakeng may pangalan na Lourd Ethan Guevarra. Meaning, 358 days pa bago ko makamtan ang aking kalayaan.
"Ang baho mo. Maligo ka nga minsan!" reklamo ni Ethan dahil sa kasamaang palad ay napapayag nya akong sumama sa isang photoshoot kasama nya. Tss. Mas kinakampihan na nga ni Pipay si Ethan kesa saken. Wala pang isang buwan nyang nakikilala si Ethan! Hustisya men. Hustisya.
"Ang yabang mo. Magsimba ka nga minsan." banat ko.
Hinawakan ko ang batok nya na utos nung photographer. Nunka naman na gagawin ko yun dahil ginusto ko. Gagawin ko lang yun kasi kanina pa naiinis saken yung photographer. Mukhang trip din itong fake-prince-charming na ito. "Mrs. Guevarra! Your hands, please." sigaw ng photographer.
Pasensya! Isa akong mangmang sa ganitong bagay.
Ang sarap bigwasan nung photographer na yun pero pinigilan ko sarili ko at sinunod lang ang utos nya. Inirapan ko si Ethanbg makita kong nakatingin saken. "Naliligo ako. Tatlong beses sa isang araw! Huwag kang judgemental." bulong ko kay Ethan
He just 'tss' then put his arms around me. "Ano ba!" napalakas ang sabi ko kaya natigilan yung photographer, Banjo ata ang pangalan.
"Mrs. Guevarra, kamay lang yan. Isang yakap lang yan. Huwag ka ngang pa-virgin effect." sabi ni Banjo. Pssh. I knew it. Trip nya si Ethan kaya ang init ng dugo nya saken.
"Sorry." mahina kong sabi. Pinilit ko na lang ayusin para matapos na agad.
Last photo, I need to sit in the lap of Ethan. Nanginig ako nung narinig ko yun. Nanginig sa inis. Kung minamalas ako, sinu-swerte naman sya. "Come here, love." alam kong may halong asar ang pagkakasabi ni Ethan. He even smirked when talking.
"Babawi ako!" singhal ko sa kanya. Nakatayo na ako sa harap nya. I am standing between his thigh. Eww. Hindi ko ma-imagine ang hitsura ko ngayon.
Sa pagkagulat ko dahil bigla nya akong kinabig para mapalapit sa kanya ay napaupo ako sa kanyang lap ng wala sa oras. At dahil napakabilis ng mga kamay ni Banjo sa pagkuha ng photos ay agad itong nagsimula. Yung hitsura ko! Sana may filter silang gamitin sa mga pictures ko. Please! Sa filter na lang ako kakapit. "Mukha kang nata-tae. Relax" bulong ni Ethan saken
Sinamaan ko sya ng tingin. "Mukha ka kasing nag-e-enjoy."
"This is fun, right?" asar pa ulit nito
Dahil sa inis ay pasimpleng nilapit ko ang mukha ko sa leeg nya. "Anong gagawin mo?" agad nya akong nilayo sa leeg nya.
"May gift ulit ako sa iyo." nakangiti kong sabi
Umiling ito. "No need. Last time I check, you punched me. Yun yung gift na sinasabi mo that time. So, no way in hell I will let you."
I smiled sweetly. "Its payback time, love."
"Wait? What!?"
CLICK
"That's it! Great photos indeed." sigaw ni Banjo. "That's a wrap guys! Good job everyone. Mr. Ethan" naging sweet ito nang bigkasin ang pangalan ni Ethan "and Mrs. Chantel. Job well done." tapos biglang naging bitter nung pangalan ko na ang binanggit nya.
BINABASA MO ANG
Contract Wife of the Superstar - COMPLETED
RomanceContract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the story short, she needs to accept the offer whether she likes it or not. Because it is the best solu...
