Chapter 16

5K 94 5
                                    

Chantel's POV

Nakatayo ako ngayon sa hallway habang bitbit ang pagkain na pinalutoni Ethan saken. Don't get me wrong, ok. Napag-utusan lang ako kaya ko sya pinagluto. Parusa ko ito dahil sa laro namen kagabi.

Para mabasag ang katahimikan na bumabalot samen habang pauwi ay naglaro kami habang nasa byahe. Ito yung laro na 'one on one.' (a/n. di ko sure kung ito ang title ng larong yun. Pls. Notify me if ever you know this game. Thanks.) Ang tanging mechanics lang ng larong ito ay dapat hindi lalampas ng three second ang pagtatanong. Kumbaga, each opponent ay dapat may nakahandang tanong sa isat-isa. Either ramdom or not. At dapat, hindi nya sagutin kung ano man ang sabihin o itanong ng kalaban nila.

"Ang matatalo ay dapat tuparin ang isang kahilingan ng mananalo plus may bonus pa. Ikaw na ang bahala kung ano man yun. Game!" sabi ko

Tiningnan ako saglit ni Ethan saka binalik ang tingin sa daan. "Game!"

"Bakit ang yabang mo?" tanong ko

"Bakit ang arte mo?" tanong naman ni Ethan

"Bakit ka nagma-maneho?" tanong ko

"Bakit ang panget mo?" tanong ulit ni Ethan.

Napasimangot ako. "Bakit ang puti mo?" pshh.

"Bakit hindi ka maganda?" banat na naman ni Ethan.

Aba talaga naman! "Bakit ang . . . tangos ng ilong mo?" argh! Ano bang pwedeng ipintas sa kanya? Ang hirap naman.

"Bakit ang baho ng kilikili mo?"

Napairap ako. "Bakit ang payat mo?"

"Bakit ang pandak mo?"

"PERSONALAN BA 'TO?" gigil na sabi ko. Then suddenly, I remembered our game. Shit!

"Bingo." simpleng sabi nya at hindi pinansin ang sinabi ko "I win. You lose."

Inis na bumaling na lang ako sa may bintana. "Oo na. Sabi ko nga, tinalo mo ako. Oh, ano bang ipag-uutos mo."

"First, bring my lunch every time I have a tapping. Kailangan homemade. Bawal madaya." sabi nya. Hmm. Sa tingin ko kaya ko naman ito. Game!

"Fine."

"Then, my bonus wish is. ." napatingin ako sa kanya ng wala sa oras

"Anong bonus ka dyan?! Hindi ako papayag."

"You're the one who made this game. Why can't you comply with your own rules. Akala ko ba may isang salita ka?"

Goodness! Bakit pa ba ako nag-isip ng ganitong game na may plus wish pa. Leche. Nag-back fire lang lahat saken. "Oo na. Sige na. Ano ba yun?"

He smiled devilishly. "On the second thought, I'll think about what kind of wish that I would like. Just wait for my text."

"Seriously? Nagpa-pabebe ka pa."

"Whatever you say."

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon