Chapter 19

4.2K 84 2
                                    

I feel guilty. Ewan. Sa naging confession ni James ay lalong naging mailap na saken si Ethan. Hindi ko na sya halos makita. Sa umaga, hindi ko na sya naabutan. Ganun din kapag gabi kaya ang ending ay sa apartment namin ni Pipay ako tumatambay minsan.


Natutulala na lang ako kapag naalala ko yung nangyare. Hay.


Flashback

"Ate Chantel!" sigaw ni Ely at hinila ako palayo kay James. "May gustong kumausap sa iyo."


Kinabahan ako. Hala. Sino kaya yun? Kailangan ready ako.


Dinala nya ako sa isang cottage. "Dito lang ako sa labas. Pasok ka na sa loob ate."


Tumango ako. "Thank you."


Tahimik akong pumasok. Nakita ko naman si tita Rose at tita Remelyn. Kapatid ni tita Rose si tita Remelyn. Medyo tahimik nga lang ito. "Dito ka na maupo sa harapan namin Chantel." sabi ni tita Rose


Sumunod ako pero nakatungo. Hiyang-hiya ako. "Sorry po." sabi ko agad


"Why sorry?" tanong ni tita Remelyn


"Sa nangyare?"


Tiningnan ko sila. "No need for that. It's not your fault." nakangiting sabi ni tita Rose "We're here to ask a favor from you."


Kinabahan bigla ako. "A-ano po yun?"


Nagkatinginan muna silang dalawa bago ulit magsalita si tita Rose "Whatever happen, please stay strong. Pareho naming mahal sina Ethan at James. Pareho din naming alam ang totoo tungkol sa inyo." napamulagat ako


Talaga? Alam nila. Alam na nila?


"Don't worry. Walang nagsabi samen tungkol doon. We hired an investigator." maagap na paliwanag ni tita Remelyn "Alam naming wala kami sa posisyon para sabihin ito pero sana yung pagpe-peke nyo ng kasal ay matapos na agad. It will complicate things more."


Tumungo ako. "Seven months."


"Pardon?"


"The 'fake' wedding will last for seven months. Until then, I can go back to my normal life. Yun po ang naging usapan namin." paliwanag ako


Napatango-tango silang dalawa. "I see. Now we know."


Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon