INTRODUCTION

237 1 0
                                    

Ano ba ang usually na nangyayari sa'yo pag nakikita mo yung crush mo?


Matutulala ka ba? (Hoy! Gumising ka! Yung crush mo lang yan...)

Manlalamig ka ba? (Bakit? Wala ka naman sa freezer ah??)

Kikiligin ka ba?? (Syempre, nagkakagusto ko sa kanya eh... O baka naman iba na yan? Naiihi ka na dyan sa kinatatayuan mo, di mo pa sinasabi...)

Kinakabahan o ninenerbyos? (Normal lang yan... pag may mag-iinterview sa'yo sa trabaho...)

Pero teka... paano pag lumapit sya sa'yo? Sasabihin mo ba sa kanya na crush mo sya...

...o itatago mo na lang talaga? (Nasa sa'yo yan, desisyon mo yan eh.)

Ayaw mo?? Ayaw mo talaga??

Eh paano kung may biglang lumapit sa kanya isang araw? Kikilos ka ba? O pababayaan mo lang?

Naiisip mo ngayon, hindi mo sya hahayaang mapunta sa iba, di ba? Lapitan mo na sya!

Gagawa ka na ba ng paraan para mapansin ka nya? Wag kang magsasayaw sa harap nya ah! Baka mapagsabihan ka pang WEIRDO!

Oh bakit ka naman umatras?? Malapit ka na sa kanya ah??? Ay... TORPE pala to eh...

Oh ngayon?? Naisip mo na baka hanggang magkaibigan lang ang itrato nya sa'yo.. Ayaw mong ma-friendzone kasi mas higit pa dun ang gusto mo...

Ikaw naman... hindi mo pa nga sya tinatanong eh.

..O di kaya naman... baka ayaw mong mabasted ka?? Marami kang naiisip na pwedeng mangyari. Wag ka muna kasing mag-assume!

Sasaya ka ba na tinatago mo yan? Hindi namn di ba? Mahirap yan pag tinuloy mo pa.. Baka ma-utot ka na lang dyan sa kakadeny mo... o baka mas masama... (POOOOT).

Naiinis ka ba? Kasi di mo masabi?.... Edi gumawa ka kasi ng paraan...

Liligawan mo na ba? Wag! Masyadong mabilis yun! Hayaan mo munang magkalapit kayo, ganun.

Pero pabago-bago talaga ang isip mo eh! Marami kang takot. Kinakabahan ka na... Wui umayos ka nga... nagmumukha ka na ngang Weirdo sa harap nya..

Oh sige lapitan mo na ulit sya... sabihin mo na yung totoo ah..

Uy teka! Bakit ka tumakbo! Wui bumalik ka dito! Naku naman umatras ka na naman?

Talagang nahihiya ka no? Tiisin mo na lang kasi... kesa naman sa tingnan mo lang sya ng tingnan.

Ikaw din, pag nagkaboyfriend/girlfriend sya, baka magsisi ka..

Sige na... lapitan mo na sya...

Ayiii nag-uusap na sila!!


Para bang ikaw yung nasa taas? Subukan mong ilagay yung sa sarili mo sa sitwasyon na yun. Nagkagusto ka sa isang girl na sa tingin mo ay meron ka lang one in a million na chance para maging girlfriend mo sya. Idagdag mo pa dun yung popular sya, marunong, mayaman at parang nasa kanya na ang lahat. Syempre madaling magkacrush pero mahirap mapasa'yo yung ganung klaseng tao. Pero sabi nga nila wala naman daw imposible sa buhay (o sa lovelife) kung gusto mo? Pero ang malaking tanong dito... eh kung ano ang gagawin mo para ma-inlove sya sa'yo? Sasabihin mo ba agad? O itatago mo muna ng ilang linggo? Dadaanin mo ba sa bulaklak o chocolates o love letters??? Pwede rin. Hahayaan mo lang ba na may manligaw sa kanya o dadaanin mo sya sa pang-aasar.? Kasi daw "opposite attracts" di ba?

Pero kahit aminin mo man o hindi, mahirap talaga ang magsabi ng nararamdaman. Torpe, in short. Lahat naman tayo nagdadaan sa stage na yan sa tuwing nagkakagusto tayo sa isang babae (o lalake). Nahihiya tayo dahil natatakot tayong mareject ng taong gusto natin. Yung iba naman natatakot na ma'friendzone" o yung tipong hanggang magkaibigan lang kayo ng crush mo. Eh sa totooo lang, wala namang masama dun. Syempre di naman natin sila pwedeng pilitin na gustuhin tayo di'ba? Pero paano kung pursigido ka talaga? Edi kaya mo syang mapalapit sa'yo, at kung mas maganda, mainlove sya sa'yo... nasa paraan lang yan. Kung nahihiya ka man, ayos lang yun. Mahirap man tanggalin yung "shyness" pero syempre kailangan mo din ng lakas ng loob para makuha mo minsan yung mga gusto mo, parang si main character na gustong makuha yung "Oo" ng crush nya.

Sa storya na to, NGSB pa si Alex Perez (main character). Ni isang experience tungkol sa pakikipag-girlfriend, wala sya. Isabay mo pa dito yung unang taon ng pagtungtong nya sa college. Sa bago nyang school, maraming pagbabago syang makikita. Makikilala nya yung mga magiging kaibigan nya. Makaka-away nya ang kinatatakutang Death Group at ang leader nilang si Kyle Marsh. At dito din nya makikilala yung babaeng magpapatibok ng puso nya (nakokornihan ka na ba? hahaha), si Jamille Lenon.  Pero hindi magiging madali yung mga yun, dahil magiging karibal nya sa puso ni Jam si Kyle. Marami din syang makikilalang mga taong magiging parte ng experience nya sa university na to.

Bukod sa mga magiging bagong karanasan nya sa "love", mararanasan din nya ang impyernong dadalhin sa kanya ng Death Group. Pero kahit ganito ang mangyari, hindi sya susuko sa mga gusto nyang gawin. Maraming mga taong hahadlang sa tulay nya patungo kay Jam pero kakayanin nya to, makasama lang sya.

Paano kaya ang mangyayari sa story nilang tatlo? Si Alex Perez, si Kyle Marsh, at si Jamille Lenon??

MY ACCELERATED CRUSH (Filipino - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon