Chapter 1

523 7 1
                                    

Si CJ, kaway kaway.. gandang babae talaga. #girlcrush


CJ's POV

"Nagsusulat din ng notes pag may time, CJ. Wag kang tamad. Aasa ka na naman sakin niyan no?" sabi ni Kuya RJ habang nakatungo at nagsusulat sa notebook niya.

Suplado na naman 'tong Kuya ko na 'to. Sinasapian na naman ng espiritu ng kasupladuhan.

Kasalukuyan kaming, rephrase, s'ya lang pala na kumokopya ng notes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan kaming, rephrase, s'ya lang pala na kumokopya ng notes.

"Pakopya na lang kuya, ganun din naman eh. Pag ako naman yung nagsusulat di ka naman nagsusulat ah." sabi ko kay kuya habang pinapanuod syang magsulat.

Nakita ko s'yang napangiti na lang habang umiiling.

Siya si Kuya RJ, short for Rain Justin Fondevilla, kuya ko dito sa Southern University. Di ko naman talaga sya kapatid eh kaya magkaiba ang surname namin.

Matanda lang s'ya sakin ng months kasi February s'ya pinanganak and ako naman December, same year. Bakit kuya? Wala lang, wala kasi akong kapatid kaya natripan kong tawagin syang kuya.

Transferee sya sa school ko when I was in 2nd year high school. Since then magkasama na kami until now na 3rd year college na kami.

Kasama din namin sa school na 'to ang gay bestfriend ko na si Mica. Kaso ibang course ang tinetake nya kaya hindi namin kaklase ni kuya.

Parehong Engineering ang tinetake na course namin ni Kuya while Mica is taking Business Administration. Ayon yun sa kagustuhan ng magulang nya para may makatulong daw sila sa pagmanage ng businesses nila.

Dito nagtapos ang parents ko kaya dito din nila ako pinapasok.

Si kuya, ewan ko kung anong rason nya kung bakit dito yan pumasok. Gaya-gaya puto maya yan eh. Sabagay, kung saan man sya mag-enroll dati, for sure dun din ako ieenroll nina Mama.

Okay naman dito sa school namin, marami nga lang ang may topak. Si kuya at si Mica lang ang kaclose ko dito. Well, kahit naman pala nung highschool ako, sila lang din ang kaibigan ko. Insecure kasi sakin ang mga tao dito. Char!

Ewan ko ba, matalino lang naman ako, maganda, mayaman, matalino at maganda. Mabait din naman ako. Ano bang dapat nilang ikainsecure sakin? Sabihin nyo nga? Wala naman diba? Tsk!

Hindi po ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.

Anyway, may trivia ako.

Alam niyo bang ayaw na ayaw sa akin ng kuya ko na 'to nung bagong lipat sya? Nakulitan lang 'to sakin eh, kaya kasama ko pa rin sya hanggang ngayon. Sana nga kasama ko na sya habang buhay eh. I think that would be great!

We share the same second name. Justine ako, while Justin naman sya.

Oh diba, siblings by heart talaga.

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon