Chapter 9

165 5 1
                                    

CJ's POV

"Psst! Psst!" sino na naman yung sutsot ng sutsot? Hindi ba nya alam na it's so road este rude to make sutsot? Ano ba yan, naging conyo tuloy ako. Don't mind it Cloud!

Mag-isa lang akong pumasok ngayon, hindi ko nakasabay si Kuya. Maaga daw yung practice nya today eh, malapit na din kasi ang next game nila.

Buuuut the good thing is, dala ko ang motor ko! Saya!

"Psst! Psst" bakit ba kasi sutsot ng sutsot? Nakakairita. Lilingunin ko sana pero mas pinili ko pa rin na huwag na.

Nasaan na ba si Mica? Maitext nga.

Abalang-abala ako sa phone ko ng may biglang humawak sa braso ko. "Huy!"

"Ay kalabaw ka!" dahil sa gulat ay nahampas ko kung sino man yung humawak sakin. Pag-angat ko ng ulo, si Kai pala.

"Bakit ka ba nanggugulat ha?! Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya. Ayoko pa naman ng binibigla ako. Buti na lang wala akong sakit sa puso.

"Ayaw mo kasing tumingin eh. Kanina pa ako sutsot ng sutsot sayo kaya hinawakan na kita." paliwanag nya. Inirapan ko sya bago ako nagsalita ulit.

"So ikaw pala yung sutsot ng sutsot? Di mo ba alam na it's rude to do that? May pangalan naman ako, bakit di mo ko tinawag?" mataray na sabi ko. Nakakairita lalo kasi ngumiti lang sya sa sinabi ko.

Nakatigil kami ngayon dito sa may hallway.

"Tinatawag ko po ang pangalan mo kaso mukhang lutang ka at hindi mo ako naririnig. Sorry kung nagulat kita at sorry dahil sinutsutan kita. Hindi na mauulit." nakangiti pa ring sabi nya.

" nakangiti pa ring sabi nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang hilig nya magsmile. Ang cute cute pa naman nya pag nakasmile. Psh. Ano bang sinasabi ko?

"Tss. You always say sorry. Okay, you're forgiven. Eh bakit mo ko tinatawag?" tanong ko.

"Bigla kasi kitang nakita. Itatanong ko sana kung bakit wala ka pa sa class mo."

"Wala kasi si kuya RJ, hindi makakaattend ng class kaya iniisip ko kung papasok pa ako. But since nandito na rin naman ako, might as well pumasok na din. You?"

"Wala akong klase ngayon pero may practice kami ng mga kagrupo ko."

"Practice para saan?"

"Dance practice. Malapit na kasi yung dance competition na sinalihan namin. Gusto mong manood?" tumango tango ako habang nakangiti. Kahit sa loob-loob ko nag-iisip ako kung sasama ba talaga ako kasi hindi ko naman sya ganun kakilala. Isa pa, malalagot ako kay kuya nito.

"Hmmm. Sige tara!" hindi na talaga ako papasok. Papasa naman ako kahit di ako pumasok eh.

"Okay pero magpaalam ka muna sa kuya mo, mamaya hanapin ka nun." Kai's right. I need to tell Kuya first.

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon