CJ's POV
"Cloud.. Nandito ka lang pala. Tinatawagan kita but you're not answering your phone. Now I know why." si kuya. Nasaan si Trixie?
Napatingin kami pareho ni Kai.
"Ayan na pala ang hinihintay mo eh. Sige una na ako." tumayo na si Kai at nagpaalam.
"Th-thanks ha?" kumaway lang si Kai habang nakatalikod.
Nakita ko si kuya na ang sama ng tingin kay Kai habang palabas ito ng pinto.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" galit ba sya? Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
"Hindi ko naman kasi naririnig kuya. Nakasilent ang phone ko." Pagsisinungaling ko. Pero ang totoo, ramdam ko na nagvibrate ang phone ko kanina. Hindi ko lang pinapansin.
"Busy ka kasi. Hindi ka pa kumakain, tama ako?" busy? Sya din naman busy eh, gusto ko sanang sabihin yun. Hmp!
"Okay na ako, tapos na akong kumain kanina pa."
"Don't tell lies, Cloud. Come, let's eat. Inuna mo pa yung pakikipagdaldalan dun sa lalaking yun. Bakit nga pala kayo magkasama?" kasi wala ka, kaya sya ang kasama ko.
Bwisit namang konsensya to, sagot ng sagot. Isa pa si kuya, magtatanong tapos hindi naman maniniwala.
"Tss. Kasi nga po, hinihintay kita. Nagmagandang loob lang yung tao na samahan ako habang hinihintay ka. Saan ka ba kasi galing?" diniinan ko yung pagkakasabi ko sa "hinintay". Alam ko naman kung saan sya galing eh, baka lang ikukuwento nya na nagkamabutihan na ulit sila ni Trixie.
"Inaantay kaya kita sa labas ng cr." weh? Eh nakita ko kaya sya kanina nakikipagyakapan dun kay Trixie. Pero syempre hindi ko sinabi yun.
"Umiyak ka ba?" tanong nya nung nakalapit na sya sakin.
"Hindi ah. Bakit naman ako iiyak kuya? Saan ka ba kasi galing?" balik-tanong ko.
"Kay Trixie. Pero wag ka munang mag-isip ng kung ano." Tss. Defensive.
"Ahhh. So okay na kayo?"
"Ha? Of course not!" don't tell lies daw pero sya naman ang nagsisinungaling. Nakita kaya kita kanina! Sinungaling!
"Talaga? Eh bakit galing ka sa kanya? Tapos nakalimutan mo na 'ko." nakapout kong sabi.
"Anong nakalimutan? Eh kanina pa nga kita tinatawagan. Andito ka lang pala. Akala ko nagpunta ka nasa canteen. Hanap ako ng hanap sayo. Tsaka wag mo ngang pahabain yang nguso mo." mahabang sabi nya sabay hila sa lips ko na nakapout pa rin.
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Novela JuvenilNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...