CJ
"How's your sleep?" tanong sakin ni kuya. Sinundo nya ako kanina sa bahay and on the way na kami papasok sa school. As usual, sabay na daw kaming pumasok.
"Okay lang naman, Kuya. You know me, masa."
"Anong masa?" tanong nya na nakakunot ang noo.
"Masandal tulog." Sagot ko sa kanya sabay tawa.
"Yeah, you're always like that. Konting hipig mo lang, nakakatulog ka agad and that makes me envy you" sabi ni kuya habang nakasmile.
"Ikaw, Kuya? Kamusta naman ang tulog mo?" tanong ko naman sa kanya.
"Hmm.. okay lang. By the way, Trixie went to our house last Saturday night" busy ako sa panunuod ng tanawin sa labas ng mapalingon ako sa kanya sa narinig ko. Galing sa kanila si Trixie?
"Oh talaga? Ikaw na talaga Kuya. Ganyan ba talaga pag gwapo? Babae na ang dumadalaw sa lalaki? Hahaha"
Tumingin lang sakin si Kuya na nakapoker face. Ang hilig talaga nito magpoker face.
"Umiyak na naman yun 'no? Ikaw talaga, Kuya. Ang hilig magpaiyak ng babae." wala sa sariling sabi ko sa kanya. Sa labas na ulit ako nakatingin pero muli akong napalingon sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.
Yung isang kamay nya nasa steering wheel habang yung right hand naman nya ay nakahawak sa left hand ko.
"It's not like I made her cry. Hindi ko din naman gusto na umiiyak sya dahil sakin but I just realized one thing ng makita ko sya. At paulit-ulit ko yung narerealize sa tuwing nakikita ko sya" mahabang sagot ni kuya.
"Ano naman yun Kuya?" tanong ko. Na mahal mo pa sya? Sabi ng utak ko.
Bakit parang may kumirot sa dibdib ko nung maisip ko yun?
"The more I see her, the more I realize na hindi ko na talaga sya mahal" hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa isinagot ni Kuya.
Pero at the back of my mind, naaawa ako kay Trixie. She sacrificed all she got in Korea just to get back here. Umaasang may babalikan pa sya.
"You should say it to her." At the very least, Trixie needs to know what's really on his mind.
Hindi na sumagot si Kuya bagkus tumingin lang sya sakin at binigyan ako ng smile.
"Iba talaga sa pakiramdam kapag hawak ko ang kamay mo, CJ." Sabi ni Kuya.
"Ano na naman yan?" mataray na tanong ko. Muli akong tumingin sa labas ng bintana. Ang cute nung dalawang batang nadaanan namin.
"Ewan ko kung bakit pero kumakalma ako kapag hawak ko yung magaspang mong kamay" Kuya said then he smirked. Sa inis ko ay bigla kong binawi ang kamay ko.
"Ikaw na nga lang ang nakakahawak nyan, nang-aasar ka pa. Wag ka ng humawak!" sabi ko at saka sya tinalikuran. Loko 'tong si Kuya eh. Seryoso yung usapan namin tapos bigla akong sasabihan ng ganun.
"Napakatampuhin talaga. Halika nga dito." Hinila ni kuya ang braso ko at saka ako hinawakan sa kabilang balikat. Yung itsura namin ngayon ay nakaakbay sakin ang isa nyang braso.
"FYI. Hindi po ako tampo" sabi ko pero halata sa pagkakasabi kong medyo tampo nga ako. I hate it when I'm like this.
Kapag sa ibang tao naman wala naman akong pakialam kahit anong sabihin nila pero ewan ko ba kung bakit kapag kay Kuya, ang bilis ko magtampo.
"Asus. Hindi daw eh halatang halata naman, CJ. Joke lang naman yun syempre. Hindi ka na nasanay sakin." Sabi ni kuya habang hawak pa rin ako sa balikat. "Pero totoo, just holding your hand can make me calm." Dugtong nya. And now he's smiling like an idiot.
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Novela JuvenilNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...