Chapter 16

39 2 2
                                    

CJ

"Hi, girls!" bati sa amin ni Kai.

Bigla naman akong napatingin kay kuya na ngayon ay masama na ang tingin sa amin. Init talaga ng dugo kay Kai. Sabagay, kahit kaninong lalaki naman na nagtatangkang lumapit sa akin, mainit talaga yung dugo nya. Kaya di ako magkaboyfriend eh!

"Hi, Chuckie! Este Kai pala" bati sa kanya ni Micca na nagpapacute pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi, Chuckie! Este Kai pala" bati sa kanya ni Micca na nagpapacute pa. Baklang 'to talaga.

"Hi Miccababe! Si CJ, hindi man lang ako pinapansin." Nakatungong sabi nito. Akala mo bata sa itsura nya ngayon. Ang cute, nakapout pa.

Si Micca naman nagblush ng marinig ang "Miccababe" kaya marahan kong siniko ito. Sinamaan lang ako ng tingin tapos ay nagpacute na ulit kay Kai. Sabunutan ko kaya 'to?

"Hi daw, CJ. Pasensya ka na dito sa alaga ko ha? Gutom na kasi eh kaya suplada" marahang kinuha ni Micca ang kamay ko at iwinagayway kay Kai.

Inagawa ko ang kamay ko sa pagkakahawa ni Micca at bahagyang tumingin ulit kay Kuya para tingnan kung nakatingin pa ito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Kakain siguro kasi cafeteria 'to?" mahina akong napatapik sa noo ng marealize ko na ang dumb pala ng tanong ko. Malamang kakain nga naman. "Pwedeng makitable?" nakangiting tanong nya.

"Oo naman, Kai. Ikaw pa ba? 'Lika, upo ka. Kasya ka pa naman." Yaya ni Micca. Tatanggihan ko sana ito dahil alam kong magagalit si Kuya kaya lang nahihiya ako dahil naging mabait naman si Kai sa'kin the past few days.

"Yun! Thanks, Miccababe!" kumindat pa ito habang papaupo sa tapat ni Micca. As usual, kinilig na naman ang maharot kong kaibigan.

"Lagot ka kay Kuya" bulog ko sa katabi ko sabay nguso kung saan naroroon si Kuya na masama na namang nakatingin sa amin.

"Oh em gee. Bakit ba kasi napakaoverprotective ni RJ sa'yo? Tingan mo yung tingin nya oh, nakakapanindig balahibo" bulong di nya,

"Pinagbubulungan nyo ba ako? Gusto nyo ng food ko?" tanong ni Kai na nagsisimula ng kumain.

"No, of course not. Sige lang, kain ka lang" nakangiting tugon ni Micca.

Dumating na si Kuya dala-dala ang pagkain naming tatlo. Marahan nyang inilapag ang tray na hawak nya at iniabot kay Micca ang food nito. Kanin at Caldereta which is favorite ulam ni bakla.

"Thank you, Rain! Wow, caldereta! My favorite! Thank you ulit! By the way, makikitable daw si Kai kasi wala ng bakante" paliwanag ni Micca patungkol kay Kai na hindi man lang pinansin ni Kuya.

"Sure" matipid na sagot niya. Maikli pero sobrang cold. "Here's yours" iniabot nya sakin ang food ko na may dalawang rice, isang chuckie, isang platito ng mixed veggies at dalawang klase ng ulam.

"Thank you! Yay! May chuckie! Nasaan ang sa'yo, Kuya?" tanong ko dahil wala na syang ibang inilapag sa lamesa.

"Tig-isa tayo ng rice dyan, CJ." Napatingin ako sa plate ko tapos ibinalik ulit ang tingin sa kanya.

"Ay akala ko akin lang 'to" kakamot kamot tuloy ako sa ulo. Umupo na sa tapat ko si Kuya na hindi pa rin tinitingnan ang katabi nya.

"Kulang ba yan, Cloud? Gusto mo ibili kita?" biglang napatingin si Kuya at Micca kay Kai ng marinig ang sinabi nito. Marahas akong umiling bilang tugon sa kanya. Nakita kong sabay ding umiwas ng tingin ang dalawa kay Kai.

Gosh, ramdam na ramdam ko yung tension dito. Paano ako makakakain ng ayos kapag ganitong alam kong medyo irritable si Kuya? Tapos ito namang si Kai parang walang pakiramdam na hindi man lang nya napapansin na hindi sya gusto ni Kuya. Hindi ko alam if good thing ba yun o ano.

Isinantabi ko muna ang iniisip ko at nag-umpisa na ring kumain. Ganun din naman si Kuya na tahimik lang sumusubo ng pagkain. Hati kami sa isang plate ngayon. Ano kayang naisip ni Kuya at sa isang pinggan lang kami kumakain?

Napansin ko namang nakatingin lang sa amin si Kay at pinanunuod kung pano kami kumain ni Kuya. Titingin sya sa akin tapos kay Kuya naman.

"Ano ba namang klaseng cafeteria 'to? Irereport ko 'to kay Dad eh. Nagkukulang na sila sa utensils." sabi ni Kai sabay tayo mula sa pagkakaupo. Pagbalik nya ay may dala na itong isa pang plate.

"Use this. Para hindi kayo mahirapan" iniaabot nya ang plate kay Kuya pero hindi nya ito kinuha.

"No need. We're fine" mahinang tugon ni Kuya at itinuloy ang pagkain.

"Ikaw, CJ?" tanong nya sa akin. Inabot ko ito pero tumingin si Kuya kaya hindi ko na din ito ginamit.

"Okay lang, patapos na din naman. Thanks, anyway" sabi ko saka nagsmile sa kanya.

"Finish your food, CJ. I'll just get some drinks" narinig kong sabi ni Kuya ng makatayo ito. Maglalakad na sana ito ng magsalita si Micca. "Ako na lang ang kukuha, Rain. Water lang ba?" alok nito. Ramdam din nya siguro ang coldness ni Kuya.

Tumango lang si Kuya at bumalik sa pagkakaupo pero hindi na sya sumubo ng pagkain. Halos half lang ng kanin ang nakain nya at itinulak na papunta sa akin ang plato.

"Ayaw mo na?" tanong ko. Tumango lang sya ulit.

Sa ibang pagkakataon matutuwa siguro ako dahil sa akin na lahat ng pagkain pero hindi ngayon. Sa totoo lang, medyo nawalan ako ng gana kumain dahil sa coldness ni Kuya.

Hindi ko naman masisisi si Kai dahil nakikiupo lang naman ito at hindi namin pag-aari ang cafeteria. Kakausapin ko na lang siguro ng maayos si Kuya mamaya.

Dumating na si Micca dala-dala ang mga inumin pero nagpaalam na din ito agad dahil may klase pa raw sya.

"Text or call me later, okay?" bilin sa akin ni Micca matapos akong halikan sa buhok. Napansin kong nanlaki ang mata ni Kai ng makita ito. Hindi siguro nya inaasahan na kikilos ng ganun si Micca. "Una na ako, Rain, Kai" paalam ni Micca sa dalawa.

"Sabay na ako sa'yo, Micca" tumayo na rin si Kai at nagpaalam sa amin ni Kuya.

Naiwan na lang kami ni Kuya dito at hindi pa rin nya ako kinikibo. Hindi na ganun kadami ang tao sa cafeteria, nagpunta na siguro sa mga klase nila.

"Kuya" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" tugon nya pero hindi sya tumitingin sa akin.

"Galit ka ba?" tanong ko. Humarap ito sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"No. I'm just not comfortable with that guy" marahan nyang pinisil ang kamay ko.

"Nahihiya kasi akong tanggihan sya. And besides, mabait naman si Kai" paliwanag ko pero mukhang hindi pinapansin ni Kuya ang sinasabi ko dahil busy sya sa paglalaro sa mga daliri ko.

Napangiti na lang ako habang pinapanuod sya sa ginagawa nya. "Tayo na?" aya ko sa kanya.

"Tayo na" bipolar ata 'tong si Kuya. Kanina ang cold-cold nya tapos ngayon naman halos mawala na yung mata nya sa pagkakangiti. Magkahawak kamay kaming lumabas ng cafeteria.

Buti naman okay na sya. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon